Polonya

Bansa sa Silangang Europa
(Idinirekta mula sa Polonesa)

Ang Polonya (Polako: Polska), opisyal na Republika ng Polonya, ay bansang matatagpuan sa Gitnang Europa. Pinapaligiran ito ng Litwanya at Rusya sa hilagang-silangan, Eslobakya at Tsekya sa timog, Biyelorusya at Ukranya sa silangan, at Alemanya sa kanluran; nagbabahagi rin ito ng mga hangganang pandagat sa Dinamarka at Suwesya. Sumasaklaw ito ng lawak na 312,696 km2 at may populasyon na humigit-kumulang 38 milyon. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Varsovia.

Republika ng Polonya
Rzeczpospolita Polska (Polako)
Awitin: Mazurek Dąbrowskiego
"Masurka ni Dąbrowski"
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Varsovia
52°13′N 21°02′E / 52.217°N 21.033°E / 52.217; 21.033
Wikang opisyalPolako
KatawaganPolako
Polones
PamahalaanUnitaryong republikang parlamentaryo
• Pangulo
Andrzej Duda
Donald Tusk
LehislaturaParlamento
• Mataas na Kapulungan
Senado
• Mababang Kapulungan
Sejm
Formation
• Binyag
14 Abril 966
• Kaharian
18 Abril 1025
1 Hulyo 1569
24 October 1795
11 November 1918
17 Setyembre 1939
22 Hulyo 1944
31 Disyembre 1989
Lawak
• Kabuuan
312,700 km2 (120,700 mi kuw) (69th)
• Katubigan (%)
1.48 (2015)
Populasyon
• Senso ng 2022
Neutral decrease 38,036,118 (ika-38)
• Densidad
122/km2 (316.0/mi kuw) (ika-75)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $1.712 trillion (21st)
• Bawat kapita
Increase $45,538 (40th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $842.172 billion (21st)
• Bawat kapita
Increase $22,393 (44th)
Gini (2020)27.2
mababa
TKP (2021)Increase 0.876
napakataas · 34th
SalapiZłoty (PLN)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Kodigong pantelepono+48
Internet TLD.pl

Unang itinatag ang Polonya noong 966 sa Kristiyanisasyon nito. Inabot ng Polonya ang rurok nito noong ika-16 dantaon sa pagkatatag ng Sampamahalaan ng Polonya at Litwaniya hanggang sa paghahati-hati nito sa pagitan ng Imperyong Ruso, Awstriya-Unggriya at ang Kaharian ng Prusya noong ika-19 dantaon, kung saan tumigil ang pag-iral nito bilang hiwalay na bansa. Muling itinatag ang Polonya noong 11 Nobyembre 1918, pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, na kilala bilang Ikalawang Republika ng Polonya.

Etimolohiya

baguhin

Maaaring nagmula ang pangalang "Polonya" sa mga Polano (Polako: Polanie), isang liping Kanlurang Eslabo. Hindi alam ang etimolohiya nito, ngunit maaaring nagmula ito sa salitang "pole" (parang):[1] nagsisimula ang mga kaparangan sa mga lupaing Polako mula sa dalampasigan ng Dagat Baltiko hanggang sa paanan ng Carpatos sa timog.

Sa ibang mga wika, nagmula naman ang mga eksonimo para sa Polonya mula sa pangalan ng ibang tribo o lipi, ang mga Lekito (Polako: Lechici, Ingles: Lechites).

Maaari ring nagmula ang pangalang "Polonya" sa isang alamat ng mga Hudyo, kung saan naghanap sila ng isang ligtas na lugar kung saan maaari silang manirahan. Narinig nila umano ang salitang Ebreong "po-lin" ("dito kayo magpahinga") mula sa langit, at dito umano nagmula ang pangalan ng bansa.[2]

Politika

baguhin
 
Si Andrzej Duda, ang kasalukuyang Pangulo ng Polonya.

Isang demokrasya ang Polonya, ayon sa saligang batas na inangkin nito noong 1997. Pinamumunuan ito ng isang pangulo bilang pinuno ng estado, ngunit nakatuon ang balangkas ng pamahalaan sa isang punong ministro (Polako: premier) bilang pinuno ng pamahalaan, na nakasentro sa Konseho ng mga Ministro bilang gabinete nito. Binubuo ang Konseho ng mga ministrong ipinili ng Pangulo sa payo ng Punong Ministro, at karaniwa'y nagmumula sa partidong may mayoridad sa tagapagbatas ang mga ministrong bumubuo nito.

Kasalukuyang nanunungkulan bilang Pangulo ng Polonya si Andrzej Duda, na inihalal noong 2015 matapos natalo sa halalan ang nanguna sa kaniya, si Bronisław Komorowski. Nanunungkulan naman bilang Punong Ministro si Donald Tusk.

May dalawang kapulungan ang Asambleang Pambansa (Zgromadzenie Narodowe), ang tagapagbatas ng Polonya: ang Sejm, na may 460 kinatawan (poseł, literal na "sugo"), at ang Senado, na binubuo ng 100 senador. May mariskal (ispiker) na namumuno sa bawa't kapulungan ng Asamblea. Gayunpaman, hindi nagkakaisa ang dalawang magkahiwalay na kapulungan maliban na sa tatlong pagkakataon: kapag may bagong Pangulo at siya'y manunumpa sa Asamblea, kapag may habla laban sa Pangulo sa Tribunal ng Estado, o kapag nais ihayag ng Asamblea na wala nang kakayahan ang Pangulo na manungkulan sa posisyon. Kasalukuyang nangyari lamang ang unang pagkakataon sa pagtatanghal ng Pambansang Asamblea.

Demograpiya

baguhin
Mga pangunahing lungsod

Talababa

baguhin
  1. "fr. pal, pele, altd. pal, pael, dn. pael, sw. pale, isl. pall, bre. pal, peul, it. polo, pole, pila, [in:] A dictionary of the Anglo-Saxon languages. Joseph Bosworth. S.275.; planus, plain, flat; from Indo- Germanic pele, flat, to spread, also the root of words like plan, floor, and field. [in:] John Hejduk. Soundings. 1993. p. 399"; "the root pele is the source of the English words "field" and "floor". The root "plak" is the source of the English word "flake" [in:] Loren Edward Meierding. Ace the Verbal on the SAT. 2005. p. 82
  2. The Museum of the History of Polish Jews: Asking, Exploring, Discovering (Ang Museo ng Kasaysayan ng mga Hudyong Polako: Nagtatanong, Naghahanap, Nagtutuklas)