Wikang Proto-Griyego

(Idinirekta mula sa Proto-Greek language)

Ang wikang proto-Griyego ang pinagpapalagay na huling karaniwang ninuno ng lahat ng mga alam na anyo ng wikang Griyego kabilang ang Griyegong Mycenaean, mga klasikong Griyegong dialekto (Attic-Ionic, Aeolic, Doric and Arcado-Cypriot), at sa huli ay Griyegong Koine, Griyegong Mediebal at Modernong Griyego. Ang ilang mga skolar ay nagsasama ng pragmentaryong sinaunang wikang Macedoniano bilang isang nagmula mula sa mas maagang Proto-Helenikong wika o sa depinisyon ay isinasama ito sa mga inapo ng wikang Proto-Griyego bilang isang wikang Heleniko at/o isang diyalektong Griyego.[1] Ang wikang Proto-Griyego ay pinaniniwalang sinalita sa huling ika-3 milenyo BCE na pinakamalamang ay sa mga Balkan. Ang pagkakaisa ng wikang Proto-Griyego ay nagkas habang ang mga migrante na nagsasalita ng nauna sa wikang Mycenaean ay pumasok sa peninsulang Griyego noong mga ika-21 siglo BCE o noong ika-17 siglo BCE sa pinakahuli. Ang ebolusyon ng wikang Proto-Griyego ay dapat isaalang-aalang sa kalalagyan ng maagang sprachbund Paleo-Balkan na gumagawang mahirap na magguhit ng mga eksaktong hangganan sa pagitan ng mga indibidwal na wika. Ang representasyong Griyego ng salita-inisiyal na mga laryngeal ng mga protetikong patinig ay pinagsasaluhan ng wikang Armenyo na nagsasalo rin sa ibang mga pekuliaridad na ponolohikal at morpolohikal ng wikang Griyego. Ang malapit na kaugnayan ng Armenyo at Griyego ay nagbibigay linaw sa kalikasan parapiletiko ng Centum-Satem isogloss.

Kasaysayan ng wikang Griyego
(tignan din: alpabetong Griyego)
P46.jpg

Proto-Griyego (c. 3000 BCE –1600 BCE)
Mycenaean (c. 1600 BCE –1100 BCE)
Sinaunang Griyego (c. 800 BCE –330 BCE) Mga dialekto: Aeolic, Arcadocypriot, Attic-Ionic, Doric, Locrian, Pamphylian, Homeric Greek, Macedonian
Griyegong Koine (c. 330 BCE –330 CE)
Griyegong Mediebal (330 CE–1453)
Modernong Griyego (mula 1453) Dialects: Calabrian, Cappadocian, Cheimarriotika, Cretan, Cypriot, Demotic, Griko, Katharevousa, Pontic, Tsakonian, Maniot, Yevanic


*Dates (beginning with Ancient Greek) from Wallace, D. B. (1996). Greek Grammar Beyond the Basics: An Exegetical Syntax of the New Testament. Grand Rapids: Zondervan. pa. 12. ISBN 0310218950. {{cite book}}: no-break space character sa |author= sa posisyon 9 (tulong)

Mga sanggunianBaguhin

  1. "Indo-European: Composite". MultiTree. Nakuha noong 2012-11-07.