Rizalina Ilagan
Lina Ilagan | |
---|---|
Kapanganakan | Rizalina "Lina" P. Ilagan 19 Hunyo 1954 |
Naglaho | Padron:Disappeared date and age |
Nagtapos | Unibersidad ng Pilipinas Los Baños |
Trabaho | Aktibista |
Parangal | Pinarangalan sa Dingding ng Alaala sa Bantayog ng mga Bayani |
Si Rizalina "Lina" P. Ilagan (ipinanganak noong Hunyo 19, 1954—nawala noong Hulyo 31, 1977) ay isang aktibista laban sa batas militar na kabilang sa isang network ng mga organisasyong pangkomunidad sa rehiyon ng Timog Katagalugan sa Pilipinas.[1][2]
Siya ay dinukot ng mga ahenteng panseguridad ng estado at nawala noong Hulyo 31, 1977, sa Makati Medical Center sa Kalakhang Maynila, kasama ang siyam na iba pang aktibista sa pinaniniwalaang nag-iisang pinakamalaking kaso ng 'di-sinasadyang pagkawala noong batas militar ni Ferdinand Marcos sa Pilipinas.[2][3][4][5]
Ang grupo, na binubuo ng mga estudyante sa unibersidad at mga propesor na nagtatrabaho bilang mga organisador ng komunidad sa Timog Katagalugan, ay nakilala sa kalaunan bilang Timog Katagalugan 10.[3]
Ang pangalan ni Ilagan ay nakaukit sa Dingding ng Alaala sa Bantayog ng mga Bayani, na nagpaparangal sa mga martir at bayani ng batas militar.[6][7] Isa siya sa mga bayaning pinarangalan sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños sa 'Hagdan ng Malayang Kamalayan' pang-alaalang bantayog nito.[8][9]
Talambuhay
baguhinBilang isang mag-aaral, laging nangunguna si Ilagan sa kaniyang klase. Nagdirekta siya ng mga dula sa hayskul (at nanalo ng pinakamahusay na direktor) at nagsulat para sa lathalain ng paaralan. Dumalo rin siya sa mga kumperensiya na isinagawa ng mga organisasyon ng kabataan, tulad ng Future Farmers of the Philippines. Naging aktibista siya at sumali sa lokal na balangay ng militanteng grupo ng kabataang Kabataang Makabayan (KM) sa kaniyang ikaapat na taon sa hayskul.[1][10]
Pumasok siya sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños at naging aktibo sa grupong panteatro na Tambuli sa ilalim ng direktor na si Leo Rimando. Naging Koordineytor siya ng Timog Katagalugan ng organisasyong panteatro ng Panday Sining ng KM, na nagtanghal ng mga dulang naglalarawan sa mga suliranin ng lipunang Pilipino.[1][10]
Umalis siya sa unibersidad nang ideklara ang batas militar noong 1972 at nagtrabaho nang buong-panahong pag-oorganisa ng mga komunidad sa lihim na paglaban sa diktadura.[1][2] Nagtrabaho rin siya bilang isang kawani para sa isang underground na lathalain sa Timog Katagalugan. Sa panahong ito nagsimulang tugisin siya at ang iba pang mga aktibistang nagtatrabaho sa Timog Katagalugan ng mga tauhan ng paniktik ng militar.[1][2][10]
Noong Hulyo 31, 1977, si Ilagan at ang kaniyang dalawang kasama, sina Jessica Sales at Cristina Catalla, ay dinukot habang papunta sa isang pulong sa Makati Medical Center.[1][10] Makakaharap nila ang mga kapuwa organisador ng komundad na sina Gerardo "Gerry" Faustino, Modesto Sison, Ramon Jasul, Emmanuel Salvacruz, Salvador Panganiban, Virgilio Silva, at Erwin de la Torre, na pawang mga dinukot din. Ang bangkay ni Sison ay natagpuan sa Lungsod Lucena, Lalawigan ng Quezon. Natagpuan ang mga bangkay nina Silva at Panganiban sa isang bangin sa Lungsod Tagaytay, Cavite. Si Ilagan at ang iba ay hindi na natagpuan.[3][11]
Kinilala si Ilagan bilang isang martir at bayani ng batas militar at ang kaniyang pangalan ay nakaukit Pader ng Alaala sa Bantayog ng mga Bayani.[6][7] Ang arts festival na Pista Rizalina ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ay ipinangalanan sa kaniyang karangalan.[12][13]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin
- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "ILAGAN, Rizalina P. – Bantayog ng mga Bayani". Bantayog ng mga Bayani. Oktubre 21, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Abril 2018. Nakuha noong 28 Abril 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Ilagan, Bonifacio (Disyembre 6, 2016). "Resonance: The Southern Tagalog 10". Manila Today. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Abril 2018. Nakuha noong 28 Abril 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 Olea, Ronalyn (Setyembre 20, 2008). "The Cruelty of Enforced Disappearances: An Abhorrent Crime Against Humanity". Bulatlat. Nakuha noong 28 Abril 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Enano, Jhesset O. (Setyembre 20, 2017). "Martial law victims find no justice in 'moving on'". Inquirer. Nakuha noong 28 Abril 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Enano, Jhesset O. (Setyembre 22, 2017). "Race against time to recognize victims of martial law". Inquirer. Nakuha noong 17 Pebrero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Malay, Carolina S. (2015). Ang Mamatay nang Dahil sa 'Yo: Heroes and Martys of the Filipino People in the Struggle Against Dictatorship 1972–1986 (Volume 1). Rodriguez, Ma. Cristina V. Manila, Philippines: National Historical Commission of the Philippines. ISBN 9789715382700. OCLC 927728036.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 "Martyrs and Heroes". Bantayog ng mga Bayani. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Mayo 2018. Nakuha noong 28 Abril 2018.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cinco, Maricar; Baraoidan, Kimmy (Marso 15, 2017). "Marker reminds youth to be vigilant amid threats of strongman rule". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 17 Pebrero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hagdan ng Malayang Kamalayan serves as venue for tribute night | College of Arts and Sciences". University of the Philippines Los Baños College of Arts and Sciences. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Pebrero 2019. Nakuha noong 17 Pebrero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 10.2 10.3 "And many disappeared in the prime of youth". Inquirer. Setyembre 3, 2015. Nakuha noong 28 Abril 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Southern Tagalog 10". SELDA. Oktubre 22, 2012. Nakuha noong 28 Abril 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ de Jesus, Totel V. (Setyembre 2, 2017). "'Pista Rizalina': Honoring a martial-law martyr with 9 plays on freedom and human rights". Inquirer. Nakuha noong 28 Abril 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Back-to-back plays 'Tao Po' and 'Indigo Child' at CCP's 'Pista ni Rizalina'". GMA News Online. Setyembre 7, 2017. Nakuha noong 28 Abril 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)