Robotika
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang robotika (sa Ingles: robotics) ay ang sanga ng inhinyeriyang mekanikal, inhinyeriyang elektrikal, at agham pangkompyuter na may kaugnayan sa pagdidisenyo, pagbuo, pagpapatakbo, at paggamit ng mga robot, kabilang na rin ang pangkompyuter na sistema para sa kanilang kontrol, pagresponde, at pagpo-proseso ng impormasyon.
Ang mga teknolohiyang ito ay may kaugnayan sa mga makinang awtomatiko na maaaring pumalit sa posisyon ng tao sa mga delikadong kapaligiran maging sa pagmamanupaktura ng ilang mga bagay o hindi kaya'y gayahin ang hitsura, pag-uugali maging ang pag-iisip ng isang tao. Karamihan sa mga robot ng kasalukuyang panahon ay nilika hango sa iba't ibang aspeto ng kalikasan na nag-aambag sa larangan ng robotika na pinukaw ng biyolohiya.
Ang konsepto ng pagbuo ng mga makinang kayang kumilos nang mag-isa ay nagsimula pa noong panahong klasikal, ngunit ang pananaliksik sa kagalingan at posibleng mga gamit ng mga robot ay umusbong lamang sa umpisa ng ika-dalawampung siglo.