Soccsksargen
SOCSKSARGEN ay isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa gitnang Mindanao, at opisyal na Rehiyon XII. Ang pangalan ay akronim na nangangahulugang para sa apat na lalawigan ng rehiyon at isa sa mga lungsod nito: South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City. Ang lungsod ng Koronadal sa Timog Cotabato ay ang sentrong panrehiyon nito.
Soccsksargen Soccsksargen | |
---|---|
Mga koordinado: 6°30′N 124°51′E / 6.5°N 124.85°E | |
Bansa | Pilipinas |
Sentro ng rehiyon | Lungsod ng Koronadal, Timog Cotabato |
Dibisyon | Lalawigan—3, Lungsod (mataas na urbanisado)—, Lungsod (bahagi)—, Bayan—45, Barangay—1,194, Distrito—6 |
Lawak | |
• Kabuuan | 22,513.30 km2 (8,692.43 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 4,360,974 |
• Kapal | 190/km2 (500/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 1,065,453 |
Wika | Tboli, Blaan, Cotabato Manobo, Tagabanwa, at iba pa |
Binubuo ang rehiyon ng mga katutubong tribong Tiboli (T'boli o Tagabili) at Bilaan sa Timog Cotabato at Sarangani, Manobo sa Hilagang Cotabato, at ang mga mandarayuhang Iluko, Ilonggo at Sebuwano.
Heograpiya
baguhinHinahangganan ang rehiyon ng Hilagang Mindanao sa hilaga, Rehiyon ng Davao sa silangan, at Dagat Celebes sa timog-kanluran. Nakikibahagi ng rehiyong pandagat ang rehiyon sa mga lalawigan ng Gorontalo at Hilagang Sulawesi ng Indonesya
Ang rehiyon ay may malawak na baybayin, lambak at kabundukan. Ang rehiyon, na sa sistema ng ilog nito, ay ang daluyan ng paagusan ng Mindanao, lalo na ang Limasan ng Cotabato, isang malaking depresyon na napalilibutan ng mga bulubundukin sa tatlong panig. Sa loob ng limasan ay dumadaloy ang Rio Grande de Mindanao, ang pinakamahabang ilog sa Mindanao at ang pangalawang pinakamahabang sa Pilipinas. Dumadaloy ang ilog papalabas sa Look ng Illana ng mas malaking Golpo ng Moro sa kanluran ng Lungsod ng Cotabato.
Nasa timog ng limasan ang Tiruray Highlands, isang bahagyang mataas na kabundukan na humaharang ng limasan sa katimugang baybayin. Nasa timog-silangan naman ng kabundukang ito ang Look ng Sarangani.
Kasaysayan
baguhinAng pinakalumang sibilisasyon sa rehiyon ay matatagpuan sa Maitum, Sarangani, kung saan natuklasan ang Maitum Anthropomorphic Pottery. Ang mga garapon ay ipinahayag bilang National Cultural Treasures, at napapailalim sa mga mataas na proteksiyon na tinitiyak ng mga batas ng Pilipinas at internasyonal.
Gitnang Mindanao
baguhinDating tinawag na Gitnang Mindanao (Central Mindanao) ang rehiyon. Bago ang paglikha ng Rehiyong Awtonomo ng Muslim Mindanao (ARMM), binubuo ito ng mga sumusunod na lalawigan:
Sa pamamagitan ng paglikha ng ARMM, tinanggal sa rehiyon ang Lanao del Sur at Maguindanao (hindi kasama ang Lungsod ng Cotabato), at naiwan ang Lanao del Norte, Cotabato at Sultan Kudarat, at Iligan, Marawi at Lungsod ng Cotabato bilang mga bumubuong lalawigan at lungsod. Kalaunan inilipat ang Lanao del Norte at Iligan sa Hilagang Mindanao, habang ang Marawi ay naging bahagi ng ARMM.
SOCCSKSARGEN
baguhinNoong Setyembre 2001, pinirmahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 36 na naglilipat ng Timog Cotabato, Sarangani, General Santos (kilala rin bilang Distritong SocSarGen), at Koronadal mula sa Katimugang Mindanao papuntang Region XII, at pagbabago ng pangalan ng rehiyon sa SOCCSKSARGEN mula sa sating Gitnang Mindanao.
Koronadal City, Bagong Regional Centre
baguhinAyon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, itinalaga ang lungsod ng Koronadal bilang sentrong pampolitika at sosyo-ekonomiko ng SOCCSKSARGEN noong Marso 30, 2004. Iniutos na lumipat ang mga kagawaran, kawanihan, at tanggapang panrehiyon sa Koronadal mula sa dating sentrong panrehiyon na Lungsod ng Cotabato.
Paglabas ng Lungsod ng Cotabato
baguhinAng Lungsod ng Cotabato ay nakaugaliang tumututol sa mga tangkang maisama sila sa Rehiyong Awtonomo ng Muslim Mindanao sa kabila ng pagiging sentro ng pamahalaan ng ARMM, ang plebisito sa pagbuo ng Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro (BARMM) noong Enero 21, 2019 ay nagresulta sa sorpresa na pagpapatibay ng Bangsamoro Organic Law. Ito ay nagngangahulugang pormal na magsisilbing kabisera ng BARMM ang Lungsod ng Cotabato at mananatili ang kasalukuyang mga tanggapan ng ARMM para sa paggamit ng Pamahalaang Panrehiyon ng Bangsamoro. Pormal na ring umalis sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN ang lungsod.
Mga paghahating pampangasiwaan
baguhinAng SOCCSKSARGEN ay binubuo ng 4 na mga lalawigan, 1 mataas na urbanisadong lungsod (highly-urbanized cities), 3 nakapaloob na mga lungsod (component cities), 45 mga bayan at 1,195 mga barangay.
Lalawigan or City | Kabisera | Wika | Populasyon (2015)[2] | Lawak[3][4] | Kapal ng populasyon | Mga lungsod |
Mga bayan |
Mga brgy. |
|||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
km2 | sq mi | /km2 | /sq mi | ||||||||||
Sarangani | Alabel | Wikang Sebwano | 12.0% | 544,261 | 3,601.25 | 1,390.45 | 150 | 390 | 0 | 7 | 141 | ||
South Cotabato | Koronadal | Wikang Hiligaynon/Sebwano | 20.1% | 915,289 | 3,935.95 | 1,519.68 | 230 | 600 | 1 | 10 | 199 | ||
Sultan Kudarat | Isulan | Wikang Maguindanao/Wikang Hiligaynon | 17.9% | 812,095 | 5,298.34 | 2,045.70 | 150 | 390 | 1 | 11 | 249 | ||
Heneral Santos | † | — | Wikang Sebwano | 13.1% | 594,446 | 492.86 | 190.29 | 1,200 | 3,100 | — | — | 26 | |
Kabuoan | 4,545,276 | 22,513.30 | 8,692.43 | 200 | 520 | 5 | 45 | 1,195 | |||||
|
Mga lungsod
baguhinMga nakapaloob lungsod
baguhin- Koronadal — ang politikal na sentrong panrehiyon ng SOCSKSARGEN
- Tacurong — tanging lungsod ng Sultan Kudarat
Mataas na urbanisadong lungsod
baguhin- Heneral Santos — isang mataas na urbanisadong lungsod, nagsisilbing sentrong pangkalakhan at sentrong panrehiyon para sa kalakalan at industriya ng SOCCSKSARGEN.
Ranggo | Lungsod | Lawak
sa kilometro kuwadrado |
Populasyon
magmula noong senso 2015 |
Pangongolekta ng buwis
magmula noong 2012[5] |
IRA
magmula noong 2015 |
Klase sa kita |
---|---|---|---|---|---|---|
1. | Heneral Santos | 492.86 | 594,446 | P1.175 bilyon | Php 1,086.25 milyon | 1st |
2. | Koronadal | 277.00 | 174,942 | P917 bilyon
(kasama ang Timog Cotabato) |
Php 504.77 milyon | 3rd |
3. | Tacurong | 153.40 | 98,316 | P555 milyon
(kasama ang lalawigan ng Sultan Kudarat) |
Php 350.57 milyon | 4th |
Demograpiya
baguhinTaon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1990 | 2,399,953 | — |
2000 | 3,222,169 | +34.3% |
2010 | 4,109,571 | +27.5% |
2015 | 4,545,276 | +10.6% |
Sanggunian: Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas[2] |
Pamahalaan
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑
"Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1
Census of Population (2015). "Region XII (Soccsksargen)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "List of Provinces". PSGC Interactive. Makati City, Philippines: National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Enero 2013. Nakuha noong 20 Marso 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "List of Cities". PSGC Interactive. Makati City, Philippines: National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Abril 2011. Nakuha noong 20 Marso 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zonio, Aquiles Z. "Central Mindanao PH's top tax revenue generator next to Metro Manila". business.inquirer.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-05-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)