San Miguel, Lobo

Barangay sa Lobo, Batangas

Isa ang San Miguel (opisyal na Barangay San Miguel o Brgy. San Miguel) sa 26 barangay na bumubuo sa bayan ng Lobo, Batangas, Pilipinas.[3]Ito'y isang pamayanang rural na matatagpuan sa hilaga ng bayan at may layong 10 minuto mula sa Poblacion. Nahahati sa limang sitio ang Brgy. San Miguel: Centro, Banbanan (Banbanan I at Banbanan II), at Dayapan (Dayapan I at Dayapan II). [4]

San Miguel
San Miguel noong 2023.
San Miguel noong 2023.
Pinagmulan ng pangalan: Saint Michael sa Espanyol.
Mga koordinado: 13°41′N 121°13′E / 13.683°N 121.217°E / 13.683; 121.217
BansaPilipinas
RehiyonRehiyon IV-A, Calabarzon
LalawiganBatangas
DistrictIkalawang distrito ng Batangas
BayanLobo, Batangas
BarangaySan Miguel
ItinatagOktubre 29, 1959[1]
Pamahalaan
 • Barangay captainRoosevelt G. Dueñas
Lawak
 • Kabuuan3.214 km2 (1.241 milya kuwadrado)
Taas
125.8 m (412.7 tal)
Populasyon
 (2020)[2]
 • Kabuuan769
Sona ng orasUTC+8 (PST)
ZIP code
4229

Etimolohiya

baguhin

Ayon sa isang alamat, ang Barangay San Miguel ay konektado sa Barangay Tayuman. Noong isang araw at habang ang mga matatanda ay naglalakad sa isang kawayanan, namangha at hindi sila mapaniwala sa kanilang nakita—isang napakagandang imahe ni San Miguel. Dahil sa nakita nila, ang mga matatanda ay pinangalanang San Miguel ang lugar na iyon. Sa paglipas ng panahon, ang dating hindi matanggal na parte ng Barangay Tayuman ay naging maunlad at nahiwalay ito at naging isang mapayapang barangay. Hanggang ngayon, ang barangay na ito ay maunlad at ipinagpatuloy parin nito ang pangalan ni San Miguel.


Kasaysayan

baguhin

Sa taong 1959, Ang San Miguel ay naitatag ng Batas Republika 3383 [5] (o Isang Akto ng Pagpalit sa Sitio ng Viga na maging Barrio San Miguel sa Lobo, Batangas). Ito ay matatagpuan sa hilaga ng bayan at tinagurian na lugar ng kabuhayan ng mga mamamayan. Sa mga panahon na ito, ang mga residente ay nagtatanim ng mga niyog at bigas. Dati, ang Barangay San Miguel ay binubuo ng tatlong sitio - Centro, Banbanan, at Dayapan. Sa bawat sitio, mayroong mga tagapaglingkod (alam ngayon bilang Konsehal) na itinalaga para alagaan ang mga residente. Ang pagkakaroon ng mga sitio ay nagpapakita ng pagiging organisado ng pamayanan sa kabila ng hamon ng buhay noong mga panahong iyon. Sa panahon ng paglikha ng mga munisipalidad at barangay sa ilalim ng Republika ng Pilipinas noong 1959, ang Barangay San Miguel ay naging bahagi ng bayan ng Lobo. Sa mga sumunod na taon, patuloy na dumami ang populasyon sa lugar at patuloy na lumawak ang kabuhayan ng komunidad. Sa kasalukuyan, patuloy na nakikiisa ang Barangay San Miguel sa mga aktibidad ng Munisipyo ng Lobo. Sa kabila ng pagbabago ng panahon at paglago ng bayan, ang Barangay San Miguel ay patuloy na umuunlad sa mga lugar sa Batangas.

Lokasyon

baguhin

Ang San Miguel ay mayroong distansya ng 4.80 na kilometro sa bayan of Poblacion, at ang munisipyo ay matatagpuan ng konting metro lamang. Ito ay napapalibutan ng mga ibang barangay, na ang Barangay Malapad na Parang sa hilaga, Calo sa kanluran, Balatbat sa timog, at Tayuman sa silangan.

Sa barangay San Miguel, sa bayan ng Lobo, Batangas, makakakita ka ng 5 sitio. Sa bawat isa, isang sitio ang urban (matingkad) ngunit ang 4 na sitio ay alam na simple at kanayunan. Ang bawat sitio ay mayroong sariling palayaw katulad ng Sitio Centro, ang mga lokal doon ay kilala ang sitio bilang "Ilaya".

Sitio Konsehal
Sitio Banbanan I Jenelyn Celino
Sitio Banbanan II Rosalie Delica
Sitio Centro Gil Catipon
Sitio Dayapan I Marsina Manalo
Sitio Dayapan II Racil Salamat

Imprastruktura at utilidad

baguhin

Ang BATELEC II ang nagbibigay ng koryente sa mga mamamayan sa Barangay San Miguel at ang komunikasyon sa telepono at internet connection ay binibigay ng Globe Telecom.

Hanggang ngayon, ang mga proyekto ay ginagawa katulad ng: Pag-aayos ng Di-pangunahing Daan, Slope Protection, at Pag-aayos ng mga Daan. Ang mga proyektong ito ay nakakatulong sa mga turista at lokal ng mga taga-Lobo para sila ay maging ligtas. Naglagay din sila ng mga ilaw sa gitna ng daan para pagdating ng gabi, makikita mo ang daan kung saan ka pupunta. Ito lang din ang isa sa mga barangay na mayroong tulay na ang pangalan ay Tulay ng San Miguel.[6]

Galleria

baguhin
 
Kapilya
 
Tulay ng San Miguel
 
Barangay hall
 
Proteksyon ng Slope

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Tungkol sa San Miguel | Lobo Batangas Tourism Website". ilovelobo.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Hulyo 2023. Nakuha noong 5 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2020 Census of Population and Housing (2020 CPH) Population Counts Declared Official by the President". Philippine Statistics Authority. Hulyo 7, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 7, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Philippine Standard Geographic Code (PSGC) | Philippine Statistics Authority". psa.gov.ph. Nakuha noong 6 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Philippine Standard Geographic Code for Barangay San Miguel (PSGC) | Philippine Statistics Authority". psa.gov.ph. Nakuha noong 6 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Republic Act 3383 | LawPH". lawphil.net. Nakuha noong 6 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Batangas's 2nd District Bridges | Department of Public Works and Highways". DPWH.gov.ph. Nakuha noong 6 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)