San Nicolas

(Idinirekta mula sa San Nicolas ng Bari)

Si San Nicolas ng Mira[a] (nakagisnang Marso 15, 270 – Disyembre 6, 343),[3][4][b] kilala rin bilang Nicholas ng Bari, ay ang dating Obispo ng Myra. Siya ay patron na santo ng maraming mga pangkat, kabilang na ang mga magnanakaw at mamamatay-tao na inakusahan nang may kabulaanan.[7]

San Nicolas
Buong larawan ni San Nicolas na iginuhit ni Jaroslav Čermák, na may kasamang sinag sa ulo at nakasuot ng kasuotang kleriko at humahawak ng isang aklat ng mga kasulatan sa kaniyang kaliwang kamay habang sumesenyas ng tanda ng krus gamit ang kaniyang kanang kamay.
Tagapagtanggol ng Ortodoksiya, Wonderworker, Banal na Hierarko, Obispo ng Myra
IpinanganakNakagisnang petsa Marso 15, 270[1]
Patara, Imperyong Romano
NamatayNakagisnang petsa 6 Disyembre 343(343-12-06) (edad 73)
Myra, Imperyong Bisantino
Benerasyon saLahat ng mga denominasyong Kristiyanos na nagpipintuho sa mga santo
Pangunahing dambanaBasilica di San Nicola, Bari, Italya
KapistahanDisyembre 5/6 sa Kanluraning Kristiyanismo; Disyembre 19 sa Silanganing Kristiyanismo (pangunahing kapistahan – Araw ni San Nicolas)
22 May [Lumang Estilo 9 May] [[]] (paglilipat ng mga relikya)[2]
KatangianSinuotan ng tsaleko bilang Obispo. Sa Silanganing Kristiyanismo, nakasuot ng omophorion at humahawak ng Aklat ng Mabuting Balita. Minsang ipinakikitang kasama si Hesukristo sa ibabaw ng isang balikat, humahawak ng Aklat ng Mabuting Balita, at kasama si Theotokos sa kabilang balikat na may hawak na omophorion, tatlong ginintuang mga bola o barya
PatronMga bata, kubero, marino, mangingisda, komersyante, tagapagbalita, ang inakusahan nang may kabulaanan, magnanakaw na nagsisisi, gumagawa ng alak, parmasista, mamamana, sanglaan, Aberdeen, Galway, Rusya, Gresya, Hukbong Pandagat Heleniko, Liverpool, Bari, Siggiewi, Moscow, Amsterdam, Lorraine, Royal School of Church Music at Dukado ng Lorraine, mga mag-aaral sa iba't-ibang mga lungsod at bansa sa Europa

Siya ay pinipintuho sa kapuwang mga Simbahang Katolika Romana at Silangang Ortodoksiya.

Talambuhay

baguhin
 
Saint Nicholas saves three innocents from death, isang pintang iginuhit ni Ilya Yefimovich Repin noong 1888

Ipinanganak si San Nicolas sa Griyegong kolonya[8] ng Patara, sa Asya Menor. May pagkamayaman ang mga magulang niya. Sinasabing ipinamahagi niya ang kaniyang kayamanan sa mga mahihirap, at dokumentado ito. Kabilang naman sa hindi gaanong dokumentadong mga gawa niya ay ang pagliligtas ng mga bata mula sa pagkalunod. Nailigtas ni Nicolas ang mga batang babae mula sa bingit ng pagiging mga patutot (dahil walang pera ang kanilang mga ama para sa ubad). Tinulungan din niya mga mandaragat na binabagyo at iniligtas ang isang batang sapilitang kinuha.

Isang tanyag na tao si San Nicolas sa Simbahang Ortodokso ng Silangan. Kalimitang nakalaan sa kaniya ang ikatlong malaking imahen sa Iconostasis sa mga simbahang Ortodokso. Ang dalawa ay kadalasang nakalaan kina Hesus, at Maria kasama ang bata.[9]

Ang lugar ng kaniyang pagpanaw, Myra, ay malapit sa sityo ng makabagong lungsod ng Antalya, Turkiya.

Noong ika-11 dantaon, idinala ang kaniyang mga labi sa Bari, Italya, upang mailigtas ang mga ito mula sa kamay ng mga mananalakay na mga Turkong Muslim.

Sa makabagong panahon

baguhin

Si San Nicolas ang tao sa likod ni Santa Claus. Siya ang pintakasi ng mga bata, marino, at merkader. Pinili siya ng Ligang Hanseatiko bilang kanilang santong patron. Higit sa 400 mga simbahan at libu-libong mga lugar sa buong mundo ay ipinangalan kay Nicolas ng Mira.[10][11] Siya rin ang patron ng kapuwang Amsterdam, ang kabisera ng Olanda, at Mosku, kabisera ng Rusya.[12]

Sa Pilipinas, ang mga lugar na ipinangalan sa kaniya ay mga bayan sa Batangas, sa Ilocos Norte, at sa Pangasinan, gayon din ang distrito ng San Nicolas.

Talababa

baguhin
  1. Ingles: Saint Nicholas of Myra, Griyego: Ἅγιος Νικόλαος, Hágios Nikólaos; Latin: Sanctus Nicolaus
  2. Pinagtatalunan ang mga petsa ng kaniyang kapanganakan at kamatayan,[5] ngunit matagal nang itinalaga ang Disyembre 6 bilang nakagisnang petsa ng kaniyang kamatayan.[5] Sinabi noon ni Jeremy Seal, "As vampires shun daylight, so saints are distinguished from ordinary mortals by the anniversaries they keep. The date of their death rather than their birth is commemorated."[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Book of Martyrs. Catholic Book Publishing. 1948.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Serbia". Saint Nicholas Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Disyembre 2010. Nakuha noong 4 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Who is St. Nicholas?". St. Nicholas Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Oktubre 2010. Nakuha noong 7 Disyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "St. Nicholas". Orthodox America. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Setyembre 2011. Nakuha noong 7 Disyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Seal 2005, p. 2.
  6. Seal 2005, pp. 2–3.
  7. "Saint Nicholas ::: People". stnicholascenter.org. Nakuha noong Pebrero 9, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. David D. Mulroy, Horace, Quintus Horatius Flaccus 1994, “Horace's Odes and Epodes” – p.183
  9. "Iconostasis definition at the Catholic Encyclopedia".
  10. "About St Nicholas". Nakuha noong 29-11-2009. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  11. "Iconostasis". OrthodoxWiki.
  12. Saint Nicholas ::: Places

Bibliograpiya

baguhin

Mga karagdagang babasahin

baguhin
  • Asano, Kazoo, pat. (2010). The Island of St. Nicholas. Excavation and Research of Gemiler Island Area, Lycia, Turkey. Osaka: Osaka University Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Wheeler; Rosenthal (2005). St. Nicholas: A Closer Look at Christmas. Nelson Reference & Electronic. {{cite book}}: Unknown parameter |last-author-amp= ignored (|name-list-style= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin