Sandra Aguinaldo
Si Sandra Aguinaldo (ipinanganak c. 1975/1976[1]) ay isang mamamahayag, tagapagbalita, manunulat at dokumentalista na mula sa Pilipinas. Kilala siya bilang taga-ulat ng balita sa 24 Oras at dokumentalista sa I-Witness kung saan nanalo siya at ang kanyang mga kasama sa programa na sina Kara David, Howie Severino at Jay Taruc bilang mga Pinakamagaling na Punong-Abala sa Programang Dokumentaryo noong Ika-29 na PMPC Star Awards for Television noong 2015.[2]
Sandra Aguinaldo | |
---|---|
Kapanganakan | 1975/1976 (gulang 47–49)[1] |
Nasyonalidad | Pilipino |
Nagtapos | Unibersidad ng Santo Tomas |
Trabaho | Mamamahayag, tagapagbalita, tagapag-ulat, manunulat |
Aktibong taon | 1995–kasalukuyan |
Amo | GMA Network |
Telebisyon | 24 Oras I-Witness Saksi |
Asawa | Brimar Rodica |
Maagang buhay
baguhinSi Aguinaldo ay ang nag-iisang anak nina Felipe, isang inhinyero, at Irene.[1] Namatay ang ina niya noong siya ay apat na taong gulang pa lamang.[1] Lumaki siya sa Angono, Rizal at nang bata pa lamang siya, nakahiligan na niya ang iba't ibang uri ng sining.[1][3]
Nahubog ang kanyang kasanayan sa pagsusulat habang nasa mataas na paaralan at nagpasya na kunin ang kursong pamamahayag (journalism) sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan siya nagtapos.[1] Noong 1993, naging punong patnugot siya ng The Flame, ang opisyal na pahayagan ng Pakultad ng Sining at Panitik ng kanyang pamantasan.[1]
Karera
baguhinNang natapos sa kolehiyo si Aguinaldo, agad siyang nagtrabaho at naging copywriter siya na isang kumpanya ng pagpapatalastas.[1] Noong 1996, naging punong manunulat siya ng Usapang Business na isang palabas ng ABS-CBN.[1] Pagkatapos ng isang taon, bumalik siya sa pagsusulat at naging nakakatandang tagapag-ulat sa The Manila Times.[1]
Sa kalaunan, nagtrabaho siya sa GMA Network bilang tagapag-ulat ng 24 Oras at Saksi.[1] Nakilala naman siya bilang dokumentalista sa I-Witness na programa din ng GMA Network.[4][5][6] Una siyang napasali sa I-Witness noong 2006 nang nagbakasyon si Vicky Morales at kinailangan ng pansamantalang kapalit ngunit sa kalunan, naging regular na siya sa programa.[4][3]
Nang nagsimula siya sa GMA Network bilang tagapag-ulat, naitatalaga si Aguinaldo sa mga mahihirap na pag-uulat katulad ng mga sigalot sa mga pook sa Mindanao, partikular sa Jolo, Sulu na kung saan kinapanayam niya ang mga Abu Sayyaf, Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front; at inulat ang mga pagbomba sa Israel.[1][3] Noong kasagsagan ng kampanya ng halalang pampanguluhan sa Pilipinas ng 2004 at bago mag-ulat si Aguinaldo para sa 24 Oras, napagalitan siya ng kandidato sa pagkapangulo na si Fernando Poe, Jr. at tinulak ang mikropono sa kanya dahil sa presensiya niya entablado.[7] Dalawang araw pagkatapos ng insidente, nagkasundo rin sila.[8]
Sa I-Witness, nakagawa siya ng iba't ibang dokumentaryo kabilang ang mga paksa tungkol sa kahirapan na kinuwestiyon noong 2012 habang si Aguinaldo at ibang niyang kasama ay nasa docufest sa Lungsod ng Baguio.[3] Naitanong sa kanila na kung ang patuloy na pagpapakita ng mga dokumentaryo tungkol sa kahirapan ay isang uri ng ekplotasyon.[3] Subalit, para kay Aguinaldo, kapag gumagawa siya ng mga dokumentaryo tungkol sa mahihirap, sinusubok niya ito maging isang inspirasyon imbis na mabalisa ang mga mahihirap.[3] Ang kanyang dokumentarayong may titulong "Pasan-Pasan" ay tungkol sa mga batang may kapansanan na hindi naging hadlang sa kanila ang pag-aaral.[9] Tungkol naman ang kanyang dokumentaryong pinamagatang "Iskul ko No. 1" sa Mababang Paaralan ng Sindagan sa Katimugang Leyte na natamo ang pinakamataas sa National Achievement Test, isang pagsusulit sa mga magtatapos na mag-aaral, noong 2006.[3] Nanalo ng pilak na medalya sa New York Festivals noong 2007 ang dokumentaryong "Iskul ko No. 1".[4]
Noong 2014, ginawaran si Aguinaldo at si Arnold Clavio ng USTv ng Unibersidad ng Santo Tomas bilang ang mga Bukod-Tanging Tomasinong Personalidad sa Midya.[10] Noong 2015, nagwagi si Aguinaldo kasama ang kanyang kapwa dokumentalista sa I-Witness na sina Kara David, Howie Severino at Jay Taruc bilang mga Pinakamagaling na Punong-Abala sa Programang Dokumentaryo noong Ika-29 na PMPC Star Awards for Television noong 2015.[2] Nanomina noong 2016 si Aguinaldo kasama si Kara David sa parehong kategorya sa Ika-30 PMPC Star Awards for Television ngunit natalo sila.[11]
Pansariling buhay
baguhinAsawa ni Aguinaldo si Brimar Rodica, isang pulis na nakilala ni Aguinaldo sa isang libing sa Pangasinan.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 1.12 Santos, Tomas (Nobyembre 17, 2008). "Sandra Aguinaldo: Behind the camera". The Varsitarian (sa wikang Ingles). Unibersidad ng Santo Tomas. Nakuha noong Mayo 18, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Jimenez, Joyce (Disyembre 4, 2015). "Alden Richards, Maja Salvador lead winners of 29th Star Awards for TV". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 18, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 Tantengco, Cristina (Nobyembre 16, 2012). "A lesson in balance: Sandra Aguinaldo". GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 18, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 "#IWitness15: "Some of the best stories come accidentally."". GMA News (sa wikang Ingles). Nobyembre 22, 2014. Nakuha noong Mayo 18, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'I-Witness' at 16". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nobyembre 13, 2015. Nakuha noong Mayo 18, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Meet Pinay alcoholics on I-Witness on December 7". Philippine Entertainment Portal (sa wikang Ingles). Disyembre 6, 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 20, 2019. Nakuha noong Mayo 18, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dizon, Nikko (Abril 2, 2004). "FPJ berates GMA-7 reporter". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 18, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dizon, Nikko (Abril 4, 2004). "FPJ, Sandra agree to forget the past". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 18, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bais, Andy (Hulyo 6, 2012). "Inspiring tales on TV". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 18, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Arcilla, Camille Anne (Marso 7, 2014). "Students pick TV faves". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 18, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "LIST: Winners, PMPC Star Awards 2016 – television". Rappler (sa wikang Ingles). Oktubre 24, 2016. Nakuha noong Mayo 18, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)