Vicky Morales
Si Victoria "Vicky" Morales-Reyno[2] (ipinanganak Hulyo 10, 1969[a]) ay isang mamamahayag mula sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga tagapagbalita ng 24 Oras na pinapalabas ng GMA Network sa maagang gabi at kasama niya dito sina Mike Enriquez at Mel Tiangco[3] gayon din kilala din siya bilang host ng Wish Ko Lang!, isang programang dokumentaryo-drama tuwing Sabado ng hapon.[4] Sa pag-host ngWish Ko Lang!, nakamit ang parangal bilang "Pinakamahusay na Host ng Programang Serbisyo Publiko" noong ika-29 nga PMPC Star Awards para sa Telebisyon ng 2015 na binagay ng Philippine Movie Press Club.[5] Dati siya tagapagbalita ng Saksi, isang gabi-gabing programang pambalita ng GMA Network, mula 1999[2] hanggang 2014.[3] Sa GTV, nagho-host siya ng isang programang magasin na pambalita na pinamagatang Good News Kasama si Vicky Morales,[6] na nagsimula noong 2011 nang kilala pa ang GTV bilang GMA News TV.[7][8][9]
Vicky Morales | |
---|---|
Kapanganakan | Victoria Morales 10 Hulyo 1969 |
Nasyonalidad | Pilipino |
Edukasyon | Pamantasang Ateneo de Manila |
Trabaho | Mamamahayag |
Aktibong taon | 1990–kasalukuyan |
Amo | GMA Network Inc. |
Telebisyon | 24 Oras (kasamang-tagapagbalita simula pa noong 2014) Wish Ko Lang! (host) Good News (host) |
Asawa | Alfonso "King" Reyno (k. 2001)[1] |
Anak | 3 |
Maliban sa pagtanggap ng parangal mula sa PMPC, nakatanggap siya ng iba't ibang papuri mula sa ibang lokal na parangal kabilang ang Catholic Mass Media Awards, UP Gandingan, USTv Awards, Gawad Tanglaw, Northwest Samar State University Student Choice Awards, at Anak TV Seal.[2] Nagkaroon din siya ng pagkilala sa kanyang kahusayan sa pamamahayag sa mga internasyunal na parangal tulad ng Asian TV Awards, New York Festival, US International Film and Video Awards, at ang George Foster Peabody Awards.[4]
Karera
baguhinTaon noong nasa kolehiyo at sa ABS-CBN
baguhinNang pumasok si Vicky Morales sa entered Pamantasang Ateneo de Manila, ang unang kurso na kinuha niya ay Batsilyer sa Agham sa Pamamahala ngunit nagpalit siya sa isang kurso sa komunikasyon upang maging isang mamamahayag.[2] Sa mga taon na nag-aaral siya sa kolehiyo, ipinakilala siya ng kanyang propesor sa ehekutibo ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio[10][11] at pagkatapos noon, nag-awdisyon siya upang mapabilang sa ABS-CBN Network.[12] Nais ni Charo na maging artista si Vicky subalit mas ginusto ni Vicky na maging tagapag-ulat ng balita.[11] Nakapasa siya sa awdisyon at pagkatapos, pumasok siya sa isang pagsasanay upang pagbutihin pa ang kanyang talento.[11] Sa isang punto ng kanyang pagsasanay, nakipagtrabaho siya kay Korina Sanchez sa isang maikling panahon.[13][11]
Pagkatapos ng tatlong buwan, hindi nalugod ang mga ehekutibo ng ABS-CBN sa kanyang nagawa, kaya, inalis siya mula sa pagsasanay.[12] Bagaman, hindi ito ang huling pagkakataon na lumitaw siya ABS-CBN. Sa kalaunan, pinasok siya ni Dong Puno bilang kanyang trabahador sa produksyon at ng naglao, naging kasamang host sa kanyang programang pang-negosyo sa ABS-CBN.[12] Maraming natutunan si Vicky kay Dong at tinuring niya itong bilang kanyang tagapayo dahil.[12]
Sa isang punto ng kanyang kabataan, lumabas si Vicky sa isang patalastas ng Coke kasama sina Gary Valenciano at Sharon Cuneta.[12][14]
Mamamahayag sa GMA Network
baguhinNoong 1990, nang matapos sa kolehiyo, palihim na nagsumite si Vicky ng aplikasyon[11] para sa pagiging tagapagbalit sa GMA Headline News (ang wala na ngayong gabi-gabing pambalitang programa ng GMA Network na nasa wikang Ingles) na makakasama ang mga tagapagbalita nito na sina Tina Monzon-Palma at Jose Mari Velez.[2] Pagkatapos na matawagan siya ng noo'y AVP para sa Balita ng GMA na si Dan de Padua, natanggap siya bilang ang bagong tagapagbalita para sa GMA Headline News at tinalo ang 500 iba pang aplikante.[4][11] Naging tagapagbalita siya ng isang bahagi ng programa na may pamagat na "Good News," na siya rin magiging pamagat ng kanyang sariling programa sa taong 2011.[2]
Nang matapos na ang kanyang pagiging tagapagbalita sa GMA Headling News, hiniling ng noo'y ehekutibo ng GMA na si Tony Seva kay Vicky na muling sumama kay Dong Puno sa kanyang pang-umagang progamang pambalita na pinamagatang Business Today.[4] Pagkatapos ng dalawang taon, nagbalik siya sa panggabing balita at naging tagapagbalit ng GMA Network News, na nagsimula sa Ingles at sa kalaunan ay napalitan noong 1998 sa wikang Filipino.[2]
Noong 1999, nagsimula si Vicky bilang tagpagbalita ng gabing-gabi na programang pambalita na nasa wikang Filipino, ang Saksi.[4] Tinampok noong 1999-2004 na edisyon ng Saksi ang kanyang dating kasama at host ng Imbestigador na si Mike Enriquez, na naging kasama niyang tagapagbalita sa 1998-1999 na edisyong Filipino ng GMA Network News.[15] Noong 2004, pinalitan ni Vicky si Bernadette Sembrano bilang host ng Wish Ko Lang! [16] Bahagi na si Vicky ng I-Witness bago pumasok ng Wish Ko Lang![4]
Nang nagbukas ang himpilang GMA News TV noong 2011, nagkaroon siya ng programa na pinamagatangshe wa Good News Kasama si Vicky Morales.[6] Napalitan ang pangalan ng himpilan sa GTV at nagpatuloy ang palabas ni Vicky sa GTV.[6] Noong Nobyembre 10, 2014, naging kasamang tagapagbalita si Vicky ng 24 Oras, ang maagang gabing programang pambalita ng GMA Network, pagkatapos maging isang tagapagbalita ng Saksi sa loob ng 15 taon at pumalit si Pia Arcangel bilang tagapagbalita ng Saksi.[3]
Pansariling buhay
baguhinSina Dante Morales at Ma. Luisa Torres Morales ang magulang ni Vicky.[17] Ang ama ni Vicky na si Dante ay isang manggagamot at isa sa mga direktor ng Manila Jockey Club, na humalili mula sa kanyang asawa na si Ma. Luisa, na naging kasapi ng lupon ng klab.[17]
Kasal si Vicky Morales sa abogadong si Alfonso "King" Reyno simula pa noong Hunyo 2, 2001.[1] Kaugnay nito, bahagi din si King ng Manila Jockey Club tulad ng mga magulang ni Vicky habang si King naman ang Chief Operating Officer (COO) o Punong Opisyal ng Operasyon ng klab.[17] Noong Marso 19, 2008, sa unang pagkakataon, ipinanganak ni Vicky ang kambal, sa pamamagitan ng Caesarean operation.[18] Noong Okutbre 9, 2010, ipinanganak ang kanilang ikatlong anak.[19][20]
Publikong imahe
baguhinBilang isang mamamahayag sa kanyang mga programa sa telebisyon, nakita ni Vicky ang sarili bilang isang hindi intelektuwal o diretso, komprontatibo subalit ipagtatanggol niya ang isang posisyon na malapit sa kanya.[4] Karagadagan pa nito, ihahatid niya ang balita kung ano siya, alalaong baga, bilang isang maawain.[4] Nilikha niya ang isang positibong publikong katauhan na nagbibigay ng pag-asa at payak na kasiyahan sa kanyang manonood na sumasalamin sa kanyang programang Wish Ko Lang! at Good News.[4] Nasubok ang kanyang ugali na ipagtanggol ang kanyang posisyon noong 2020 nang kinapanayam niya si Dr. Bong Javier, ang direktor ng 'Makati Medical Center, tungkol sa paglabag ng protokol ng COVID-19 ni Senador Koko Pimentel sa ospital.[21] Ang publiko, partikular ang nga netizen, ay pinuri si Vicky at sinalarawan siya bilang hindi nasiyhan kay Pimentel ngunit kalmado sa panayam.[22]
Sa kabila ng pagiging kilala bilang isang sanay na mamamahayag, nagkaroon ng iang pagkakamali si Vicky sa live na telebisyon. Isa dito ang nangyari noong Oktubre 12, 2020 sa 24 Oras kung saan nakikita siya na hawak ang isang cue card na may tekstong nakaharap sa kamera.[23] Naglaman ang teksto ng isang Taglish na parirala na nagsasabing "PA-REVIEW NG SCRIPT PLEASE".[24] Isa pa uling insidente ang nangyari noong on May 20, 2021 (sa 24 Oras din), nang iba ang nasabi niyang huling pananalita.[25] Sinabi niya ang pananalitang "At dahil hindi natutuli…ay natutulog ang balita!" imbis na "At dahil hindi natutulog ang balita!".[25] Bagaman, mukhang sinabi ni Vicky ito bilang isang patawa dahil sinabi niya ang kanyang huling pananalita bago ang isang ulat tungkol sa pagtutuli sa panahon ng pandemya ng COVID-19 at ang pagtatalog sa pagitan nina Mel Tiangco and Mike Enriquez, ang kanyang mga kapwa tagapagbalita, tungkol sa paksa.[25][26] Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Vicky na hindi siya nagkamali at sinadya niyang sabihin linya at dinagdag pa niya na "hindi natutuli ang balita, ibig sabihin, hindi sinesensura o pinuputol ang balita upang paboran ang sinuman."[27]
Mga pananda
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Vicky Morales: Here comes the bride". Philstar.com. 2001-05-16. Nakuha noong 2021-06-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 Cruz, Josephine (Marso 22, 2015). "VICKY MORALES PROMOTING POSITIVITY ON TELEVISION". The Manila Times. Philippines: The Manila Times Publishing Corp. Nakuha noong Hunyo 16, 2021 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 Santiago, Ervin (2014-11-10). "Vicky Morales tinanggal sa Saksi, pinalitan ni Pia Arcangel". Bandera. INQUIRER.net. Nakuha noong 2021-06-16.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 4.7 4.8 "Promoting positivity on television". The Manila Times (sa wikang Ingles). 2015-03-21. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-06-24. Nakuha noong 2021-06-16.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jimenez, Joyce (2015-12-03). "Alden Richards, Maja Salvador lead winners of 29th Star Awards for TV". Philstar.com. Nakuha noong 2021-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 Cua, Aric John Sy (2021-02-19). "GMA News TV to rebrand to GTV". The Manila Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-06-22. Nakuha noong 2021-06-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "GMA launches shows for News TV". Philstar.com. The Philippine Star. 2011-02-12. Nakuha noong 2021-06-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "GMA News TV continues to keep viewers hooked". GMA News Online (sa wikang Ingles). 2016-10-29. Nakuha noong 2021-06-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "GMA Network launches third international channel called GMA News TV International". PEP.ph (sa wikang Ingles). 2011-07-14. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-06-24. Nakuha noong 2021-06-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 Vitug, Jerome (2020-07-11). "Young at 51: Kapuso journalist Vicky Morales reveals that she was initially offered to be an actress". NOW (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-06-24. Nakuha noong 2021-06-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 11.0 11.1 11.2 11.3 11.4 11.5 Panoorin! Vicky Morales, Kapamilya bago naging Kapuso. 2019-11-17. Nakuha noong 2021-06-16.
{{cite midyang AV}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.0 12.1 12.2 12.3 12.4 Barrameda, Joe (2019-10-09). "Vicky inalok noong mag-artista ni Charo Santos". Philstar.com. The Philippine Star. Nakuha noong 2021-06-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Green, Jhen (2019-10-15). "Korina Sanchez Recalls GMA's Vicky Morales' Training Days In ABS-CBN". Philippine News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-06-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 80's Coke TV Ad with Sharon Cuneta & Gary V. (sa wikang Ingles). 2010-03-26. Nakuha noong 2021-06-16.
{{cite midyang AV}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "GMA News Online". Library of Congress, Washington, D.C. 20540 USA. Nakuha noong 2021-06-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Gabinete, Jojo (2020-02-14). "Wish Ko Lang! ng GMA-7, magpapaalam na pagkatapos ng 18 years". PEP.ph. Nakuha noong 2021-06-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 17.0 17.1 17.2 Perez, Emeterio SD (2013-04-06). "If Reyno 3rd is king, then Vicky must be queen". The Manila Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-06-24. Nakuha noong 2021-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mark, Ryan (2012-03-31). "A closer look at Vicky Morales (1st of 2 parts)". Philstar.com. Nakuha noong 2021-06-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Navarro, Mell T. (2010-10-23). "Vicky Morales was working until she gave birth to baby Daniela". PEP.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-06-24. Nakuha noong 2021-06-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cruz, Marinel R. (2011-06-04). "Fate and Vicky Morales". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2021-06-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Ching, Mark Angelo (2020-04-09). "Remember when these newscasters became the news themselves?". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Bigtas, Jannielyn (2020-03-20). "Jessica Soho, Vicky Morales go viral for professionalism while reporting on Koko Pimentel's COVID-19 gaffe". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Severo, Jan Milo (2020-10-16). "Oops! Glitches spotted in '24 Oras'". Philstar.com. Nakuha noong 2021-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Ichimura, Anri (2020-10-14). "Vicky Morales' Script Accident is Our 2020 Mood". Esquiremag.ph. Nakuha noong 2021-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 25.0 25.1 25.2 Anarcon, James Patrick (2021-05-21). "VIRAL: Vicky Morales almost says "hindi natutuli ang balita" in 24 Oras wrap-up". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Nelz, Jay (2021-05-21). "Vicky Morales Says "Hindi natutuli ang balita" During Live Broadcast". Philippine News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Pinoy, Pol (2021-05-21). "GMA7: Our News Is Not Circumcised!". The Adobo Chronicles (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Happy Birthday, Ms. Vicky Morales". Facebook. 2018-07-10. Nakuha noong 2021-06-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)