Santiago ang Makatarungan

(Idinirekta mula sa Santiago na Matuwid)

Si Santiago ang Makatarungan, Santiago ang Matuwid, Santiago, ang Kapatid ni Hesus, Santiago, anak ni Cleofas ay isang pinunong Kristiyano at kapatid ni Hesus. Siya ang may-akda ng Sulat ni Santiago na nasa Bagong Tipan ng Bibliya. Siya ang unang obispo ng Simbahan ng Herusalem noong unang siglo CE. Kinikilala siya bilang "haligi ng Simbahan".[2]

Saint James the Just
Ikono ni Santiago
Martir, Adelphotheos
Ipinanganakhindi alam
Namatay62 CE(ayon kay Josephus at Jerome) o 69 CE (Ayon kina Hegesippus, Clemente ng Alehandriya, at Eusebio ng Caesarea)[1]
Herusalem
Benerasyon saLahat ng denominasyon ng Kristyanismo
Kanonisasyonpre-kongregasyon
KapistahanMayo 3 (Simbahang Romano Katoliko), Mayo 1 (Anglikano), October 23 (Lutherano), (Episcopal Church (USA)), (Silangang Ortodokso), Disyembre 26 (Silangang Ortodokso)
Katangianfuller's club; taong humahawak ng isang aklat
KontrobersiyaSi Santiago ay minsang kinikilala kay Santiago na anak ni Alfeo at Santiago ang Kaunti. May hindi pagkakasunod tungkol sa kanyang eksaktong relasyon kay Hesus.

Dahil sa doktrinang Walang hanggang pagkabirhen ni Maria sa ilang mga denominasyon ng Kristiyanismo na hindi pumapayag kay Maria na magkaroon ng mga anak pagkatapos ni Hesus, pinapakahulugan nilang ang "kapatid" ay tumutukoy sa "pinsan". Itinuring ni Jeronimo ang terminong "kapatid" ng Panginoon na pinsan at nagbigay konklusyon na ang "Santiagong, Kapatid ng Panginoon sa Galacia 1:19 ay nangangahulugang Santiago na anak ni Alfeo na isa sa Labindalawang Apostol gayundin bilang si Santiago na anak ni Maria Cleofas. [3] Gayunpaman, hindi siya kinikilala kay Dakilang Santiago.[3] Ang ibang mga denominasyong Kristiyano ay tumuturing sa Mateo 1:25 na nagsasaad na "Hindi niya sinipingan ang kaniyang asawa hanggang(heos) sa maipanganak niya ang kaniyang panganay na anak na lalaki." na nangangahulugang si Maria ay nagkaroon ng pakikipagsiping kay Jose pagkatapos ipanganak si Hesus. Kanila ring pinapakahulugan ang mga tinukoy na "kapatid ni Hesus"(Matt. 12:46; Matt. 13:55; Mark 3:31–34; Mark 6:3; Luke 8:19–20; John 2:12, 7:3, 5, 10; Acts 1:14; 1 Cor. 9:5) bilang mga biolohikal na kapatid ni Hesus.

Pinuno ng Simbahan ng Herusalem

baguhin

Ayon kay Apostol Pablo sa Galacia 2:9, sina "Santiago, Cefas(Pedro) at Juan ang mga kinilalang mga haligi" ng Simbahan ng Herusalem. Si Santiago ang autoridad sa Konseho ng Herusalem na nagbigay ng huling hatol sa tanong ng pagsunod ng mga akay na hentil sa pagtutuli at sa mga kautusan ni Moises. Hinatol ni Santiago na huwag magpatuli ang mga hentil ngunit kanyang ipinasya na ang mga hentil ay kailangan pa ring sumunod sa ilang mga kautusan ni Moises gaya ng pag-iwas sa idolatriya(diyos-diyosan), pangangalunya, dugo at mga binigting hayop. Ayon kay Santiago sa Mga Gawa*,

Dahil dito, ang hatol ko ay huwag gambalain iyong mga Gentil na nanumbalik sa Diyos. Sa halip, sulatan natin sila na lumayo sa mga bagay na nadungisan ng diyos-diyosan, sa kasalanang sekswal, sa mga binigti at sa dugo. Ito ay sapagkat mula pa nang unang panahon, sa bawat lungsod ay may mga nangaral na patungkol sa mga isinulat ni Moises. Binabasa ito sa mga sinagoga bawat araw ng Sabbath.

Kahit si Pedro ay napailalim sa autoridad ni Santiago(Galacia 2:12–14),

Nang si Pedro ay dumating sa Antioquia, tinutulan ko siya nang harapan dahil siya ay mali. Ito ay sapagkat nang hindi pa dumarating ang ilang lalaking galing kay Santiago, siya ay kumakaing kasalo ng mga Gentil. Ngunit nang sila ay dumating, lumayo siya at humiwalay dahil sa takot siya sa mga nasa pagtutuli. 13 At ang ibang Judio ay sumama na rin sa kaniyang pagkukunwari, kaya maging si Bernabe ay nahikayat na rin ng kanilang pagkukunwari. Subalit nakita kong hindi sila lumalakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng ebanghelyo. Dahil dito, sinabi ko kay Pedro sa harap ng lahat: Ikaw na isang Judio ay namumuhay nang tulad ng mga Gentil at hindi tulad ng mga Judio, bakit mo pinipilit ang mga Gentil na sumunod sa mga kustombre ng Judio?

at kahit si Apostol Pablo ayon sa Mga Gawa*

Sa pagtahak nila sa mga lungsod, ibinigay nila ang mga batas, na pinagpasiyahan ng mga apostol at ng mga matanda sa Jerusalem na kanilang dapat sundin. Kaya nga, ang mga iglesiya ay naging matibay sa pananampalataya at nadadagdagan ang bilang araw-araw.

Gayunpaman, si Santiago ay nabahala sa pagtuturo ni Apostol Pablo sa mga Hudyo nang hindi pagpapatuli at pagtalikod sa mga kautusan ni Moises ayon sa Mga Gawa*,

Nang dumating kami sa Jerusalem, ay masaya kaming tinanggap ng mga kapatid. 18 Kinabukasan, si Pablo ay kasama naming pumunta kay Santiago. Naroon ang lahat ng mga matanda. Binati sila ni Pablo. Isinalaysay niyang isa-isa ang mga bagay na ginawa ng Diyos sa mga Gentil sa pamamagitan ng kaniyang paglilingkod. Nang marinig nila ito, niluwalhati nila ang Panginoon. Sinabi nila kay Pablo: Kapatid, nakikita mo kung ilang libo sa mga Judio ang sumampalataya. Silang lahat ay masigasig para sa kautusan. Nabalitaan nila ang patungkol sa iyo na tinuturuan mo ang lahat ng mga Judio, na nasa mga Gentil, ng pagtalikod kay Moises. Sinabi mo na huwag tuliin ang kanilang mga anak, ni mamuhay ng ayon sa mga kaugalian. Anong gagawin natin? Tiyak na darating ang maraming tao at magkakatipon sapagkat mababalitaan nilang dumating ka. Gawin mo nga itong sasabihin namin sa iyo. Mayroon kaming apat na lalaking may sinumpaang panata sa kanilang sarili. Isama mo sila. Dalisayiin mo ang iyong sarili kasama nila. Bayaran mo ang kanilang magugugol upang magpaahit sila ng kanilang mga ulo. Upang malaman ng lahat na hindi totoo ang mga bagay na nabalitaan nila patungkol sa iyo. At malalaman din na ikaw ay lumalakad ng maayos na tumutupad ng kautusan. Patungkol naman sa mga Gentil na sumampalataya, sinulatan namin sila. Ipinasiya naming huwag na nilang gawin ang anumang bagay. Ang dapat nilang gawin ay lumayo sa mga bagay na inihandog sa diyos-diyosan, sa dugo, sa binigti at sa kasalanang sekswal.

Ang hatol ni Santiago ng pagbabawal sa mga hentil ng dugo, binigting hayop at sa diyos-diyosan ay sinalungat ni Pablo sa 1 Corinto 10:25 at 1 Corinto 8:4–8.

Ayon kay Eusebio ng Caesarea(263 CE – 339 CE) si Santiago ang Makatarungan ang unang obispo ng Herusalem. Kanya ring isinaad na isinulat ni Clemente ng Alehandriya(150 CE – c. 215 CE) na si Santiago ang Makatarungan ay hinirang nina Pedro, Santiago at Juan na maging obispo ng Herusalem noong unang siglo CE.[4] Ang Herusalem ay kinilala bilang patriarkada sa Konseho ng Chalcedon noong 451 CE. Isinulat ni Hegesippus sa kanyang mga Komentaryo na "Pagkatapos ng mga apostol, si Santiago na kapatid ng Panginoon na tinawag na Makatarungan ang ginawang pinuno ng Simbahan ng Herusalem"[5]Siya ang itinuturing na unang obispo o ang Patriarka sa Griyegong Ortodoksong Simbahan ng Herusalem.

Kamatayan

baguhin

Ayon sa isang talata ng Antiquities of the Jews, pinapatay ng Dakilang Saserdoteng si Ananus na anak ni Ananus ang isang "Santiago na kapatid ni Hesus na tinawag na Kristo" sa pamamagitan ng pagbabato na maaaring isang kalaunang interpolasyon ni Eusebio ng Caesarea o maaaring tumukoy sa Dakilang Saserdoteng si Hesus na anak ni Damneus na pumalit rito.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Eddy, Paul R. and Boyd, Gregory A. (2007) The Jesus Legend: A Case for the Historical Reliability of the Synoptic Jesus Tradition. Baker Academic, pg 189
  2. Abriol, Jose C. (2000). "Sulat ni Santiago". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1766.
  3. 3.0 3.1 Camerlynck, Achille; English translation in Catholic Encyclopedia: Saint James the Less 1910
  4. http://www.newadvent.org/fathers/250102.htm
  5. Schaff "Hegesippus who lived near the apostolic age, in the fifth book of his Commentaries, writing of James, says "After the apostles, James the brother of the Lord surnamed the Just was made head of the Church at Jerusalem.""