Seksuwalidad ng hayop

Ang seksuwalidad ng hayop o ugaling pampagtatalik ng hayop ay tumutukoy sa kaasalang seksuwal ng mga hayop na bukod pa sa tao. Ang seksuwalidad ng hayop ay mayroong marami at iba't ibang mga anyo, kahit na sa loob ng katulad na mga uri o mga espesye. Sa mga hayop, ang mga mananaliksik ay nakapagmasid ng mga gawaing may kaugnayan sa monogamiya, kaalibughaan, pagtatalik sa pagitan ng mga uri, pagkaantig na seksuwal na sanhi ng mga bagay o mga lugar, panggagahasa, nekropilya (pakikipagtalik sa patay nang hayop), homoseksuwalidad, heteroseksuwalidad, at biseksuwalidad, ugaling seksuwal na pangsitwasyon, at isang kasaklawan ng iba pang mga gawain. Mayroon ding mga pag-aaral na nakapagtala ng pagkakaiba-iba o dibersidad sa mga katawang pampagtatalik at mga ugaling pangkasarian, katulad ng may kaugnayan sa interseks at transhender.

Ang pag-aaral ng seksuwalidad sa hayop, partikular na ang seksuwalidad ng mga primado, ay isang mabilis na umuunlad na larangan. Noong dati, pinaniniwalaan na ang mga tao lamang at isang mabibilang na iba pang mga uri ang nakapagsasagawa ng mga gawaing seksuwal na may bukod na layuning may kaugnayan sa prokreasyon, at na ang seksuwalidad ng mga hayop ay instintibo at isang payak na tugon lamang sa tama o tumpak na estimulasyon (iyong sa estimulasyon ng pananaw o kaya ng pang-amoy). Sa pangkasalukuyang pagkakaunawa, maraming mga uri na dating pinaniniwalaang monogamo ay napatunayan nang alibugha o nagsasagawa ng promiskuwidad o kaya ay likas na oportunistiko (kumukuha o naghihintay lamang ng pagkakataon o marapat na panahon). Mayroon ding natuklasan na mga uri tila may kakayahang magsalsal at gumagamit ng mga bagay na pantulong upang maisagawa ito. Sa maraming mga espesye, mayroong mga hayop na nagtatangkang magbigay at makakuha ng estimulasyong seksuwal sa piling ng ibang mga hayop kung saan ang layunin ay hindi ang prokreasyon. Napansin din ang ugaling homoseksuwal sa 1,500 na mga espesye, at sa 500 mula sa bilang na ito ay nakapagsagawa ng matibay na dokumentasyon.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "1,500 animal species practice homosexuality". News-medical.net. 2006-10-23. Nakuha noong 2007-02-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)