Seymchan
Ang Seymchan (Ruso: Сеймча́н, IPA [sʲɪjmˈtɕan]) ay isang lokalidad urbano (isang pamayanang uring-urbano) at ang sentrong pampangasiwaan ng Srednekansky District ng Magadan Oblast, Rusya. Matatagpuan ito sa kanang pampang ng Ilog Seymchan malapit sa tagpuan nito sa Ilog Kolyma, at mga 350 kilometro (220 milya) hilaga ng Magadan.
Seymchan Сеймчан | |
---|---|
Mga koordinado: 62°55′51″N 152°23′06″E / 62.93083°N 152.38500°E | |
Bansa | Rusya |
Kasakupang pederal | Magadan Oblast[1] |
Distritong administratibo | Srednekansky District[1] |
Populasyon (Senso noong 2010)[1] | |
• Kabuuan | 2,818 |
• Kabisera ng | Srednekansky District[1] |
Sona ng oras | UTC+11 ([2]) |
(Mga) kodigong postal[3] | 686160 |
OKTMO ID | 44710000051 |
Hango ang pangalan nito sa salitang Yakut na Kheymchen, na nangangahulugang Polynya.
Kasaysayan
baguhinItinatag ng mga Yakut ang Seymchan noong kahulihan ng ika-17 dantaon. Noong ika-19 dantaon, itinayo ang rutang pangkalakal na "Ola-Kolyma-Trakt" sa pagitan ng rehiyong Kolyma at Dagat Okhotsk. Dumaan ang nasabing ruta sa Seymchan.
Dumami ang pag-unlad ng ekonomiya ng pamayanan kalakip ang pagbubukas ng mga unang minahan ng ginto noong 1931, at ang pagtuklas at paglaong pagsasamantala ng mga reserba ng karbong kayumanggi sa Elgen noong 1932, reserba ng tinggaputi noong 1937 at inang-bato ng kobalt noong unang bahagi ng dekada-1940.
Nagsimula ang pagtatayo ng makabagong pamayanan ng Seymchan noong 1940. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, itinayo ang isang palapagan airfield upang mapayagan ang paghahatid ng sasakyang panghimpapawid sa pamamagitan ng Programang Lend-Lease sa pagitan ng Unyong Sobyet at Estados Unidos.
Mula 1949 hanggang 1955, ang sub-settlement na Nizhny-Seymchan (kalaunan tinawag na Kolymskoye at inabandona noong 2005, na matatagpuan sa Kolyma sa timog, ay ang kinaroroonan ng isang kampong bilangguan ng Dalstroy, bahagi ng sistemang kampo ng Gulag. Aabot sa 5,700 bilanggo ay ginamit sa pagmimina ng ginto at tingga, gayundin sa paggawa sa pangangahoy[4]
Ginawaran ng katayuang pampamayanang uring-urbano ang Seymchan noong 1953.
Demograpiya
baguhinTaon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1989 | 9,963 | — |
2002 | 3,725 | −62.6% |
2010 | 2,818 | −24.3% |
Senso 2010: [1]; Senso 2002: [5]; Senso 1989: [6] |
Ekonomiya at transportasyon
baguhinIsang panrehiyon na sentro ng industriyang pagpoproseso ng pagkain at pavtotroso.
Nakadugtong ang Seymchan sa daan sa Magadan sa pamamagitan ng daang sangay ng Lansangang Kolyma Ang Paliparan ng Seymchan ay matatagpuan sa kalahatian sa pagitan ng Seymchan at Kolymskoye, na may sementadong RWY 18/36.[7] Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginamit ang paliparan upang maipamahagi ang Lend -Lease na materyal pandigma ng Estados Unidos sa mga pasilidad paggawa sa Unyong Sobyet.
Klima
baguhinAng Seymchan ay may lubhang klimang subarctiko (Köppen climate classification Dsd), na may lubahng maginaw na taglamig at banayad na tag-init. Ganap na mababa ang ulan ngunit medyo mas-mataas sa tag-init kaysa sa ibang bahagi ng taon.
Datos ng klima para sa Seymchan | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | −14.4 (6.1) |
−7.0 (19.4) |
3.3 (37.9) |
12.6 (54.7) |
28.0 (82.4) |
35.2 (95.4) |
35.9 (96.6) |
35.0 (95) |
27.8 (82) |
17.2 (63) |
6.7 (44.1) |
0.9 (33.6) |
35.9 (96.6) |
Katamtamang taas °S (°P) | −33.6 (−28.5) |
−27.8 (−18) |
−16.9 (1.6) |
−3.7 (25.3) |
9.5 (49.1) |
20.7 (69.3) |
22.8 (73) |
19.1 (66.4) |
10.6 (51.1) |
−5.4 (22.3) |
−23.4 (−10.1) |
−33.0 (−27.4) |
−5.09 (22.84) |
Arawang tamtaman °S (°P) | −37.5 (−35.5) |
−33.6 (−28.5) |
−25.4 (−13.7) |
−10.8 (12.6) |
4.0 (39.2) |
13.8 (56.8) |
15.8 (60.4) |
12.1 (53.8) |
4.1 (39.4) |
−11.0 (12.2) |
−27.9 (−18.2) |
−36.6 (−33.9) |
−11.08 (12.05) |
Katamtamang baba °S (°P) | −41.6 (−42.9) |
−38.8 (−37.8) |
−33.0 (−27.4) |
−18.9 (−2) |
−2.3 (27.9) |
6.2 (43.2) |
8.6 (47.5) |
5.2 (41.4) |
−1.6 (29.1) |
−15.9 (3.4) |
−32.4 (−26.3) |
−40.6 (−41.1) |
−17.09 (1.25) |
Sukdulang baba °S (°P) | −59.1 (−74.4) |
−58.2 (−72.8) |
−53.4 (−64.1) |
−44.7 (−48.5) |
−27.9 (−18.2) |
−6.4 (20.5) |
−4.2 (24.4) |
−9.0 (15.8) |
−20.0 (−4) |
−40.1 (−40.2) |
−53.6 (−64.5) |
−57.2 (−71) |
−59.1 (−74.4) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 26.3 (1.035) |
20.6 (0.811) |
14.1 (0.555) |
8.8 (0.346) |
13.5 (0.531) |
31.6 (1.244) |
45.5 (1.791) |
41.7 (1.642) |
29.2 (1.15) |
21.4 (0.843) |
28.6 (1.126) |
22.7 (0.894) |
304 (11.968) |
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 0.1 mm) | 20.8 | 20.7 | 19.2 | 10.6 | 9.4 | 10.1 | 9.7 | 13.4 | 14.2 | 18.5 | 20.8 | 23.3 | 190.7 |
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) | 72.6 | 70.0 | 66.9 | 62.7 | 55.8 | 61.0 | 65.0 | 73.8 | 72.5 | 76.8 | 76.6 | 74.2 | 68.99 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 21.7 | 75.6 | 164.3 | 285.0 | 263.5 | 285.0 | 285.2 | 189.1 | 144.0 | 89.9 | 48.0 | 3.1 | 1,854.4 |
Sanggunian: climatebase.ru[8] |
Bulalato
baguhinAng pangalan ng pamayanan ay ginamit upang matukoy ang isang napakalaking olibino na nagtataglay ng mabatong-bakal na bulalato (meteorite) ng higit sa 800 libra. Tinawag itong bulalatong Seymchan na natuklasan sa lunas ng isang batis sa tag-init ng taong 1967.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service.
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Об исчислении времени". Официальный интернет-портал правовой информации (sa wikang Ruso). 3 Hunyo 2011. Nakuha noong 19 Enero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Почта России. Информационно-вычислительный центр ОАСУ РПО. (Russian Post). Поиск объектов почтовой связи (Postal Objects Search) (sa Ruso)
- ↑ South-west labour camp, Dalstroy (German)
- ↑ Russian Federal State Statistics Service (21 Mayo 2004). "Численность населения России, субъектов Российской Федерации в составе федеральных округов, районов, городских поселений, сельских населённых пунктов – районных центров и сельских населённых пунктов с населением 3 тысячи и более человек" [Population of Russia, Its Federal Districts, Federal Subjects, Districts, Urban Localities, Rural Localities—Administrative Centers, and Rural Localities with Population of Over 3,000] (XLS). Всероссийская перепись населения 2002 года [All-Russia Population Census of 2002] (sa wikang Ruso).
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa wikang Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly.
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Seymchan Airport". OurAirports. Nakuha noong Enero 20, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Seymchan, Russia". Climatebase.ru. Nakuha noong 21 Enero 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- Hindi opisyat na websayt ng Seymchan Naka-arkibo 2007-05-04 sa Wayback Machine. (sa Ruso)