Dinastiyang Shang

(Idinirekta mula sa Shang Dynasty)

Ang Dinastiyang Shang (Tsino: 商朝; pinyin: Shāng cháo) o Dinastiyang Yin (Tsino: 殷代; pinyin: Yīn dài), ayon sa tradisyonal na historyograpiya, ay namahala sa lambak ng Ilog Dilaw sa ikalawang milenyo BK, sumunod sa Dinastiyang Xia at sinundan ng Dinastiyang Zhou. Ang klasikong pahayag tungkol sa mga Shang ay nanggagaling sa mga teksto tulad ng Aklat ng mga Dokumento, Mga Salaysay sa Kawayan at Mga Talaan ng Dakilang Historyador. Ayon sa tradisyonal na kronolohiya na batay sa mga kalkulasyon na ginawa noong humigit-kumulang 3 ,000 taon na ang nakakaraan ni Liu Xin, ang Shang ay namahala mula 1766 hanggang 1122 BK, ngunit ayon sa mga kronolohiya batay sa mga "kasalukuyang teksto" ng Mga Salaysay sa Kawayan, sila ay namahala mula 1556 hanggang 1046 BK. Pinetsahan sila ng Kronolohiyang Proyektong Xia–Shang–Zhou mula sa c. 1600 hanggang 1046 BK.

Dinastiyang Shang
商朝
c. 1750 BK–c. 1027 BK
Mga labi ng mga sulong na nagsasapin-sapin na lipunan na itinayo noong panahong Shang ay natagpuan sa Lambak ng Dilaw na Ilog.
Mga labi ng mga sulong na nagsasapin-sapin na lipunan na itinayo noong panahong Shang ay natagpuan sa Lambak ng Dilaw na Ilog.
KatayuanKaharian
KabiseraYin (kasalukuyang Anyang)
Karaniwang wikaLumang Tsino
Relihiyon
Katutubong Tsinong relihiyon
PamahalaanMonarkiya
Hari 
PanahonPanahon ng Tansong Pula
• Naitatag
c. 1750 BK
• Labanan ng Muye
c. 1027 BK
Lawak
1122 BC est.[1]1,250,000 km2 (480,000 mi kuw)
Pinalitan
Pumalit
Dinastiyang Xia
Dinastiyang Zhou
Bahagi ngayon ng Tsina
Dinastiyang Shang
"Shang" in oracle bone script (top left), bronze script (top right), seal script (bottom left), and modern (bottom right) Chinese characters
Tsino商朝
Kahulugang literalShang dynasty
Alternatibong pangalang Tsino
Tsino殷代
Kahulugang literalYin era
Kasaysayan ng Tsina
Kasaysayan ng Tsina
Kasaysayan ng Tsina
SINAUNA
Neolitikong Tsina c. 8500 - c. 2070 BC
Dinastiyang Xia c. 2070 – c. 1600 BC
Dinastiyang Shang 1600–1046 BC
Dinastiyang Zhou c. 1046 – 256 BC
  Kanluraning Zhou
  Silanganing Zhou
    Panahon ng Tagsibol at Taglagas
    Panahon ng Nagdirigmaang mga Estado
IMPERYAL
Dinastiyang Qin 221 BC–206 BC
Dinastiyang Han 206 BC–220 AD
  Kanluraning Han
  Dinastiyang Xin
  Silanganing Han
Tatlong Kaharian 220–280
  Wei, Shu & Wu
Dinastiyang Jin 265–420
  Kanluraning Jin Labing-anim na Kaharian 304–439
  Silanganing Jin
Katimugan at Hilagaing mga Dinastiya 420–589
Dinastiyang Sui 581–618
Dinastiyang Tang 618–907
  ( Ikalawang Zhou 690–705 )
Limang Dinastiya at Sampung Kaharian
907–960
Dinastiyang Liao
907–1125
Dinastiyang Song
960–1279
  Hilagaing Song Kanluraning Xia
  Katimugang Song Jin
Dinastiyang Yuan 1271–1368
Dinastiyang Ming 1368–1644
Dinastiyang Qing 1644–1912
MAKABAGO
Republika ng Tsina 1912–1949
Republikang Bayan
ng Tsina
1949–kasalukuyan

Republika ng Tsina
(Taiwan) 1949–kasalukuyan

Ang Dinastiyang Shang ay ang pinakamaagang dinastiya ng tradisyonal na Tsinong kasaysayan na suportado ng arkeolohikal na katibayan. Ang mga paghuhukay sa Mga Guho ng Yin (malapit sa kasalukuyang araw na Anyang), na kung alin ay natukoy bilang ang huling Shang na kabisera, ay nakatuklas ng labing-isang mga mahahalagang maharlikang puntod at ang mga pundasyon ng mga palasyo at mga lugar ng pagsusulinaw, na naglalaman ng mga sandatang pandigma at mga labi mula sa parehong mga hayop at taong sakripisyo. Libu-libong mga tansong pula, hade, bato, buto, at mga seramikang artipakto ang natagpuan.

Ang lugar sa Anyang ay nagbunga ng pinakamaagang alam na katawan ng Tsinong pagsusulat, karamihan ay mga panghuhula na nakaukit sa butong orakulo - mga talukob ng pagong, mga paypay ng baka, o iba pang mga buto. Higit sa 20,000 ang natuklasan sa unang pang-agham na mga paghuhukay sa panahon ng mga 1920 at 1930, at mahigit apat na beses karami ang natagpuan mula noon. Ang mga paguukit ay nagkakaloob ng mahahalagang pananaw sa maraming mga paksa mula sa pulitika, ekonomiya, at relihiyosong gawain pati na rin sa sining at panggagamot sa maagang yugto ng kabihasnang Tsino.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Turchin, Peter; Adams, Jonathan M; Hall, Thomas D (Disyembre 2006). "East-West Orientation of Historical Empires" (PDF). Journal of world-systems research. 12 (2): 219–29. ISSN 1076-156X. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 22 Oktubre 2013. Nakuha noong 21 Mayo 2015.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Tsina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.