Si Sigmund Skard (31 Hulyo 1903 - 26 Mayo 1995) ay isang Noruwegong makata, manunulat ng sanaysay, at propesor ng panitikan. Isa siya sa mga pangunahing Europeong dalubhasa sa literatura ng Estados Unidos.[1]

Sigmund Skard
Kapanganakan31 Hulyo 1903
  • (Agder, Noruwega)
Kamatayan26 Mayo 1995
  • (Akershus, Noruwega)
MamamayanNoruwega
NagtaposUnibersidad ng Oslo
Trabaholingguwista, tagasalin, propesor, makatà, manunulat, pilologo, historyador ng panitikan

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak siya sa Kristiansand, Noruwega. Noong 1938, tumanggap siya ng duktorado mula sa Pamantasan ng Oslo. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dalawang taon siyang gumanap bilang isang kasangguni o konsultante sa Aklatan ng Konggreso ng Washington, D.C. Pagkaraan, naglingkod siya sa Tanggapan ng Kabatirang Pandigmaan ng Estados Unidos (Office of War Information). Noong 1946, nagsimula siyang manungkulan bilang isang propesor ng Panitikang Amerikano sa Oslo.[1]

Bilang may-akda, sinulat niya ang mga aklat na pinamagatang The Study of American Literature (Ang Pag-aaral ng Panitikang Amerikano) noong 1948 at ang The American Myth and the European Mind (Ang Mitong Amerikano at ang Isipang Europeo) noong 1960.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Patrick O'Donovan; Marcus Cunliffe; Alain Clément; Massimo Salvadori; Sigmund Skard; Peter von Zahn; Max Warren; Herbert von Borch; Raymond Aron (1965). "Sigmund Skard". The United States, Life World Library. Time-Life Books, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), paglalarawan sa may-akda ng Kabanata 5: Forging a Nation's Soul and Conscience ng aklat na ito, pahina 92.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.