Pagtutuli
Ang pagtutuli o pagsusunat o tuli ay isang paraan ng pagtatanggal ng ilan o lahat ng mga prepusyo o harapang balat ng titi.[1] Sa pinakapayak na paglalarawan, ito ang pagtanggal ng balat sa may dulo ng isang titi, partikular na ang balat na sumasaklob at bumbalot sa tinatawag na burat (glans penis) ng titi.[2][3] Ang pagtutuli ay hindi karaniwan sa lahat ng bansa sa buong mundo. Ito ay karaniwan lámang sa mga bansang may populasyong maraming relihoyoso gaya ng mga tagasunod ng mga relihiyong Islam, Kristiyanismo at Hudaismo. Gayunpaman, sa maraming mga bansang Katoliko o Orthodox gaya ng sa Timog Amerika at Silangang Europa, ang pagtutuli ay hindi karaniwan.
Pagtutuli | |
---|---|
Paglulunas | |
ICD-10-PCS | Z41.2 |
ICD-9-CM | V50.2 |
MeSH | D002944 |
MedlinePlus | 002998 |
eMedicine | 1015820 |
Ang ilan sa mga dahilan ng pagpapatuli ay kultural o relihiyoso, estetiko (histura), o paggamot sa mga karamdamang gaya ng balanitis xerotica obliterans, paraphimosis, balanitis, posthitis, balanoposthitis at mga impeksiyong ng pang-ihing trakto. Bukod dito, may malakas na ebidensiya rin na nagpapabawas ng panganib ng pagkahawa sa HIV sa mga heteroseksuwal na laláki sa mga populasyong mataas ang panganib. Ang ebidensiya sa mga heteroseksuwal na laláki sa sub-Saharan Aprika ay nagpapakitang bumawas ng panganib sa pagitan ng 38 at 66 bahagdan sa loob ng dalawang taon at ang mga pag-aaral ay nagpakitang ito ay epektibo sa gastos sa populasyong ito. Gayunpaman, kung ito ay benepisyal sa mga kakabaihan na nakipagtalik sa tuling lalaki ay pinagtatalunan pa at gayundin ang kung ito ay benepisyal sa mga maunlad na bansa at sa mga laláking nakikipagtalik sa kapwa laláki. Sa kasalukuyan, ay nirerekomiyenda ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) ang pagtutuli bílang bahagi ng komprehensibong programa sa pag-iwas ng pagpasa ng HIV sa mga lugar na may mataas na bílang endemiko ng HIV. Ang mga etikal na pagkabahala ay nanatili tungkol sa pagsasagawa ng mga kampanyang nagtataguyod ng pagpapatuli.
Ayon sa Royal Dutch Medical Association (2010) sa Netherlands, walang propesyonal na asosiyasyon ng mga doktor ang kasalukuyang nagrerekomenda ng pamantayang pagtutuli sa mga populasyon nito. Ang ilang mga katawang medikal ay tumalakay sa kung anong mga sirkunstansiya ang pagtutuli ng bagong panganak na sanggol ay etikal.
Sa kasalukuyan ay may kontrobersiya o pagtatalo sa pagpapatuli ng mga laláki. Ang mga argumentong itinaas sa pagtutol sa pagtutuli ay kinabibilangan ng: nakasasamang mga epekto sa tungkulin ng titi at nagbabawas ng kaligayahang seksuwal, na ito ay pinangangatwiran lámang ng mga mitong (myths) medikal, at ito ay paglabag sa karapatang pantao. Ang mga argumento na pabor sa pagtutuli ay kinabibilangan ng benepisyong pangkalusugan na mas matimbang sa mga panganib, walang malaking mga epekto sa tungkulin ng titi at mababang komplikasyon kung isinagawa ng isang may karanasang doktor at mas maiging isagawa sa bagong panganak na sanggol.
Relihiyon
Ang pagtutuli ay isang ritwal sa Hudaismo na bahagi ng sinasabing tipan kay Abraham at ng mga Israelita kaya ito ay isinasagawa rin ng mga kasalukuyang mga sekta ng Hudaismo, Islam at ilang mga sektang Kristiyano.
Hudaismo
Sa mga sekta ng Hudaismo, ang pagtutuli ay isang seremonyang pampananampalataya at tinatawag itong brit mila (Ebreo: ברית מילה), na ang ibig sabihin ay "tipan ng pagtuli" sa Ebreo. Sa kasalukuyang mga sekta ng Hudaismo, ang pagtutuli ay dapat maganap mga walong araw pagkatapos ng kapanganakan ng isang sanggol kahit pa ito ay bumagsak sa araw ng Shabbat at ito ay isinasagawa ng isang mohel. Ang sanggol ay dapat medikal na pwedeng tuliin at ang batas ng Hudyo ay nagbabawal sa mga magulang na ipatuli ang kanilang anak na laláki kung sinabi ng mga doktor na manganganib ang kalusugan ng sanggol kung isasagawa ito, halimbawa sa kaso ng hemophilia. Sa dahilang ang kahinaan o sakit ng sanggol ay nagpaliban ng pagpapatuli, ang pagtutuli ay hindi dapat mangyari sa shabbat. Katungkulan ng isang ama na ipatuli ang kanyang sanggol at kung siya'y mabigo, ang beth din ng siyudad na kanyang tinitirhan ay sisiguruhing maisasagawa ang ritwal na ito. Sa kawalan ng matandang dalubhasang Hudyong magsasagawa ng pagtutuli, ang mga babe, bata o alipin na may kinakailangang kasanayan sa pagtutuli ay binibigyan rin ng kapangyarihang magsagawa ng pagtutuli sa kondisyong ang mga ito ay Hudyo rin. Kahit pa ang pagtutuli ay mahalaga, ito ay hindi isang sakramento sa mga Hudyo hindi tulad ng bautismo sa Kristiyanismo. Ang pagtutuli ay hindi umaapekto sa katayuang pagka-Hudyo ng isang indibidwal. Ang isang Hudyong ipinanganak na Hudyo ay buong Hudyo kahit hindi pa ito tuli.
Kristiyanismo
Ayon sa mga sulat ni Pablo sa Bagong Tipan sa Bibliya, ang pagtutuli sa Hudaismo ay binuwag o pinawalang bisa na (1 Cor 7:18-19). Bagaman pinuri ni Pablo ang pagtutuli (Roma 3:1-2), kanyang ikinatwiran na ang pagtutuli ay hindi na nangangahulugang pisikal kundi espiritwal (Rom 2:25–29).
Ang pagtutuli ay kontrobersiyal sa yugto ng sinaunang Kristiyanismo bago ang 325 CE. Ang unang Konseho sa Herusalem ayon sa Bibliya ay naghayag na ang pagtutuli ay hindi kinakailangan sa mga akay na hentil (Gawa 15). Gayunpaman, ang pagtutuli ay kinagawian sa mga iglesiang Kristiyanong Coptic, Ethiopian, at Eritrean Orthodox gayundin ang ilang mga iglesiang Aprikano. Ang ilan sa mga iglesia sa Timog Aprika ay tumutol sa pagtutuli dahil sa nakita nitong isa itong paganong ritwal samantalang sa ibang mga sektang Kristiyano kabilang ang Nomiya church sa Kenya ay nag-aatas sa mga kasapi nitong magpatuli. Bagamang isinumpa ng Simbahang Katoliko ang gawain ng pagtutuli bilang isang mortal na sala,[4]
Ang pagtutuli ay hindi pangkalahatan sa mga katoliko, halimbawa, bagaman itong karaniwan o isang kultural sa bansang Pilipinas, ito ay hindi karaniwan sa iba pang mga Katolikong bansa gaya ng Espanya, Italya, Timog Amerika at iba pa.
Islam
Ang pandaigdigang pagtatantiya ng World Health Organization (WHO) ay nagmumungkahing ang 30 porsiyento ng mga laláki ay tuli na halos 70 porsiyento nito ay Muslim.
Pagiging laganap sa buong mundo
Ang pagtatantiya ng mga proporsiyon ng laláking tuli sa buong mundo ay iba iba mula 1/6[5] hanggang 1/3.[6] Tinantiya ng World Health Organization na ang 664,500,000 laláking may edad na 15 pataas ay tuli o 30% ng pagiging laganap sa mundo. Ang halos 70% nito ay mga Muslim.[7] Ang pagtutuli ay laganap sa mga bansang Muslim, sa ilang bahagi ng Timog Silangang Asya kabílang ang Pilipinas, Aprika, Estados Unidos, Israel, Timog Korea. Ito ay bihira sa Europa, Timog Amerika, mga bahagi ng Timog Aprika, karamihan ng Asya at Oceania. Ang pagiging laganap ay halos lahat sa Gitnang Silangan at Sentral na Asya.[7] Ang WHO ay nagpakita ng mapa ng pagtatantiya ng kalaganapan ng pagtutuli na ang level ay pangkalahatang mababa (< 20%) sa buong Europa.[8] Sa Timog Amerika, ang pagiging laganap ng pagtutuli ay pangkalahatang mababa.[9] Ang mga pagtatantiya sa mga indibdwal na bansa ay kinabibilangan ng Espanya,[10] Colombia[10] at Denmark na[11] mababa sa 2%, Finland 0.006%[12] at 7%,[13] Brazil[10] 7%, Taiwan[14] 9%, Thailand[10] 13% at Australia[15] 58.7%.
Ang pagtatantiya ng WHO sa pagiging laganap ng pagtutuli sa Estados Unidos at Canada ay respektibong 75% at 30%[7] Ang pagiging laganap sa Aprika ay nag-iiba-iba mula sa bababa sa 20% sa ilang katimugang bansa hanggang sa halos pangkalahatan sa Hilaga at Kanluraning mga bansa.[9]
Pilipinas
Sa Pilipinas ang isang laláki ay karaniwang nagpatuli sa mga edad na 8 hanggang 15. Ang mga laláking nakapagpatuli na ay tinatawag na "tulî" at ang mga hindi pa ay tinatawag na "supót". Ito ay tinuturing na ritwal ng pagtuloy (rite of passage) sa pagbibinata ng isang laláki at itinuturing na may malaking stigmang kaugnay sa mga laláking hindi tuli o supot. Ang karaniwang paraan ng pagtutuli sa mga laláki sa Pilipinas ay tinatawag na dorsal slit (hiwa sa dorsal) o pukpok na paghihiwa lamang sa kahabaan ng ibabaw ng harapang balat (foreskin) ng titi at walang tinatanggal na anumang balat. Ito ang paraan na karaniwang ginagawa sa mga libreng pagtutuli na ginagawa sa mga klinika o sentrong pangkalusugan tuwing panahon ng tag-init. Ito ay karaniwan ring matatagpuan sa mga Tagaislang Pasipiko bukod sa Pilipinas. Gayunpaman, ang ilang mga laláking nasa Pilipinas ay sumasailalim sa kumpletong pag-aalis ng balat. Sa mga Kanluraning Bansa, ang dorsal slit ay maaaring isagawa bílang alternatibo sa kompletong pagtutuli o pag-aalis ng balat upang maginhawaan ang mga kondisyong gaya ng phimosis at paraphimosis. Isa sa mga maling pananiniwala sa pagtutuli ang paniniwalang ang pagpapatuli ay nagpapatangkad sa isang batang laláki. Ang paglaking ("growth spurt") ito ay dulot ng pampalagong hormone na inilalabas sa pubertad ng mga laláki at hindi ng pagpapatuli.
Canada
Natuklasan ng isang pasisiyasat ng mga pagsasanay ng mga ina sa Canada na ginawa noong 2006/2007 at nilathala noong 2009 ng pambansang pampublikong kalusugan ang rate o grado ng nagpapatuling bagong panganak ay nasa 31.9% Iba't iba ang mga grado sa buong bansa, mula pinakamalapit sa sero sa Newfoundland at Labrador hanggang 44.3% sa Alberta. Noong 2015, ginamit ng Canadian Paediatric Society ang mga estadistikang iyon upang matukoy ang pambansang grado ng pagtutuli na kasalukuyang sinisipi.[16][17]
Lalawigan/Teritoryo | Bahagdan |
---|---|
Alberta | 44.3 |
British Columbia | 30.2 |
Canada | 31.9 |
Manitoba | 31.6 |
New Brunswick | 18.0 |
Newfoundland at Labrador | * |
Northwest Territories | 9.7 |
Nova Scotia | 6.8 |
Nunavut | * |
Ontario | 43.7 |
Prince Edward Island | 39.2 |
Quebec | 12.3 |
Saskatchewan | 35.6 |
Yukon | * |
* Napakaliit ng numerador para sa kalkulasyon ng grado |
Estados Unidos
Noong 2014, tinatayang nasa 80.5% ang tuling lalaking Amerikano, at tinuturing ang paglaganap ng pamamaraan na halos pangkalahatan sa bansa.[18][19]
Pagtutuli sa mga babae
Sa ibang mga kultura partikular sa Aprika, isinasagawa rin ang pagtutuli sa mga kababaihan. Ang mga ito ay inuuri sa apat na klasipikasyon ng World Health Organization (WHO) na ang pangunahing tatlo ay: Uring I na pagtanggal ng takip ng tinggil (clitoris) na halos sinasamahan ng pagtanggal ng mismong tinggil (clitoridectomy); Uring II na pagtangal ng tinggil at panloob na labial; Uring III na pagtangal ng lahat o bahagi ng panloob at panlabas na labia (infibulation) at karaniwan ang tinggil at pagsasanib at pagsasara ng sugat na nag-iiwan ng maliit na butas para daanan ng ihi o regla-ang sinarang sugat ay binubuksan sa pakikipagtalik o panganganak. Ang mga 85 porsiyento ng babaeng sumailalim sa pagtutuli ay dumanas ng mga uring I at II at 15 porsiyento ng Uring III bagaman ito ang pinakaraniwang paraan sa mga bansang kinabibilangan ng Sudan, Somalia, and Djibouti. Ang ilan sa ibat ibang paraan ay inuri na pang-apat (Uring IV) na kinabibilangan ng simbolikong pagtusok sa tinggil o labia o pagsunog ng tinggil, paghiwa sa puke upang palakihin ito at pagpapakila ng mga nakasusunog na substansiya upang pasikipin ito.
Isyung medikal
Harapang balat ng titi
Isinaad ng World Health Organization na mayroong "debate tungkol sa tungkulin ng harapang balat (foreskin) na ang mga posibleng tungkulin ay kinabibilangan ng pagpapanatili sa ulo ng titi (glans penis) na basa, pagpoprotekta sa titi sa utero o pagpapalakas ng kaligayahang (pleasure) seksuwal dahil sa presensiya ng mga reseptor ng nerbo (nerve)."[20]
Sikolohikal
Ang British Medical Association (BMA) ay nagsaad na "malawak na tinatanggap ngayon kabílang ng BMA na ang pamamarang siruhikal na ito ay may mga panganib na medikal at sikolohikal.[21] Ipinangatwiran nina Milos at Macris (1992) na ang pagtutuli ay nagkokodigo sa perinatal (ipanganganak) na utak ng karahasan at negatibong umaapekto sa pagbibigkis (bonding) na sanggol-ina at pagtitiwala.[22] Tinalakay din ni Goldman ang posibleng trauma sa pagtutuli sa bata at mga magulang nito, pagkabalisa sa katayuang tuli, at kagawiang maulit ang trauma at nagmungkahi ng pangangailangan sa bahagi ng mga doktor na maghanap ng medikal na pangangatwiran para sa pamamaraang ito.[23] Sa karagdagan, iniulat ni Schultheiss (1998) ang mga laláking nagtatangkang baliktaring ang epekto ng pagtutuli sa pamamagitan ng restorasyon ng harapang balat.[24] Ayon naman kina Moses et al. (1998), ang ebidensiyang siyentipiko ay kulang para sa panganib emosyonal at sikolohikal na nagbanggit ng isang longhitudinal na pag-aaral na hindi nakahanap ng pagkakaiba kaugnay sa bilang ng mga pag-unlad at pag-aasal na indeks.[25] Ang isang repasong panitikan nina Gerharz at Haarmann (2000) ay umabot sa parehong konklusyon.[26] Isinaad nina Boyle et al. (2002) na ang pagtutuli ay maaaring magresulta ng sikolohikal na panganib kabilang ang pagkatapos na traumatikong stress na diperensiya(post-traumatic stress disorder o PTSD) na nagbanggit ng isang pag-aaral na nag-uulat ng mataas na rate ng PTSD sa mga batang Plipino pagkatapos ng ritwal o medikal na pagtutuli.[27] Isinaad nina Hirji et al. (2005) na ang mga ulat ng sikolohikal na trauma ay hindi nagmula sa mga pag-aaral ngunit nananatiling ebidensiyang anekdotal na sanhi ng pagkabahala.[28]
Tingnan din
Mga sanggunian
- ↑ Operasyon:
- "Ang pagtutuli ay isang operasyong pagaalis ng lahat o ilan sa mga prepusyo ng titi." Information Package on Male Circumcision and HIV Prevention:Insert 1, World Health Organization
- "Pagtutuli, isang operasyong pagaalis ng lahat o ilan sa mga prepusyo ng titi sa mga lalaki...
- "Ang pagtutuling panglalaki ay isang opsyonal na operasyong pagaalis ng prepusyo..."
- "Ang pagsusunat ay isang operasyong..." Pain and Your Infant: Medical Procedures, Circumcision and Teething (Hapdi at ang iyong sanggol: Mga pamamaraang pang-medisina, pagtutuli at pagtubo ng mga ngipin) Naka-arkibo 2010-03-24 sa Wayback Machine., Pamantasan ng Michigan Health System (Sistemang Pangkalusugan), Pebrero 2007. Retrieved 18 Hulyo 2007.
- "Ang pagtutuli ay ang paggupit ng bahagi ng prepusyo... Kapag isinakatuparanang operasyong ito..." Newborn Care Naka-arkibo 2009-08-27 sa Wayback Machine. (Pangangalaga sa bagong-silang), websayt ng Pagamutang Danbury. Isinangguni noong 18 Hulyo 2007.
- ↑ Gaboy, Luciano L. Foreskin, Burat - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ The Committee on Bible Translation (1984). "Circumcise". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Circumcision Reference Library". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2006-08-16. Nakuha noong 2009-01-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Williams, N; L. Kapila (1993). [/library/complications/williams-kapila/ "Complications of circumcision"]. British Journal of Surgery. 80 (10): 1231–1236. doi:10.1002/bjs.1800801005. PMID 8242285. Nakuha noong 2006-07-11.
{{cite journal}}
: Check|url=
value (tulong); Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Crawford, DA (2002). [/cgi/content/abstract/6/4/259 "Circumcision: a consideration of some of the controversy"]. J Child Health Care. 6 (4): 259–270. doi:10.1177/136749350200600403. PMID 12503896.
{{cite journal}}
: Check|url=
value (tulong); Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2 [/publications/2007/9789241596169_eng.pdf "Male circumcision: Global trends and determinants of prevalence, safety and acceptability"] (PDF). World Health Organization. 2007. Nakuha noong 2009-03-04.
{{cite web}}
: Check|url=
value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Klavs I, Hamers FF (2008). "Male circumcision in Slovenia: results from a national probability sample survey". Sexually Transmitted Infections. 84 (1): 49–50. doi:10.1136/sti.2007.027524. PMID 17881413.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 Drain PK, Halperin DT, Hughes JP, Klausner JD, Bailey RC (2006). "Male circumcision, religion, and infectious diseases: an ecologic analysis of 118 developing countries". BMC Infectious Diseases. 6: 172. doi:10.1186/1471-2334-6-172. PMC 1764746. PMID 17137513.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ 10.0 10.1 10.2 10.3 Castellsagué X, Bosch FX, Muñoz N; atbp. (2002). "Male circumcision, penile human papillomavirus infection, and cervical cancer in female partners". The New England Journal of Medicine. 346 (15): 1105–12. doi:10.1056/NEJMoa011688. PMID 11948269.
{{cite journal}}
: Explicit use of et al. in:|author=
(tulong); Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Frisch M, Friis S, Kjaer SK, Melbye M (1995). [/cgi/pmidlookup?view=long&pmid=8520335 "Falling incidence of penis cancer in an uncircumcised population (Denmark 1943–90)"]. BMJ. 311 (7018): 1471. PMC 2543732. PMID 8520335.
{{cite journal}}
: Check|url=
value (tulong); Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Denniston, G (1996). "Circumcision and the Code of Ethics". Humane Health Care International. 12: 78–80.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Schoen EJ, Colby CJ, To TT (2006). "Cost analysis of neonatal circumcision in a large health maintenance organization". The Journal of Urology. 175 (3 Pt 1): 1111–5. doi:10.1016/S0022-5347(05)00399-X. PMID 16469634.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Ko MC, Liu CK, Lee WK, Jeng HS, Chiang HS, Li CY (2007). "Age-specific prevalence rates of phimosis and circumcision in Taiwanese boys". Journal of the Formosan Medical Association = Taiwan Yi Zhi. 106 (4): 302–7. doi:10.1016/S0929-6646(09)60256-4. PMID 17475607.
…the prevalence of circumcision slightly increased with age from 7.2% (95% CI, 5.3–10.8%) for boys aged 7 years to 8.7% (95% CI, 6.5–13.3%) for boys aged 13 years.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Richters, J; atbp. (2006). [/library/general/richters1/ "Circumcision in Australia: prevalence and effects on sexual health"]. Int J STD AIDS. 17 (8): 547–554. doi:10.1258/095646206778145730. PMID 16925903.
Neonatal circumcision was routine in Australia until the 1970s … In the last generation, Australia has changed from a country where most newborn boys are circumcised to one where circumcision is the minority experience.
{{cite journal}}
: Check|url=
value (tulong); Explicit use of et al. in:|author2=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangphac
); $2 - ↑ Sorakan ST, Finlay JC, Jefferies AL (2015). "Newborn male circumcision". Paediatr Child Health. 20 (6): 311–5. doi:10.1093/pch/20.6.311. PMC 4578472. PMID 26435672.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang:0
); $2 - ↑ Introcaso, Camille E. (Hulyo 2013). "Prevalence of Circumcision Among Men and Boys Aged 14 to 59 Years in the United States, National Health and Nutrition Examination Surveys 2005–2010". Sexually Transmitted Diseases. American Sexually Transmitted Diseases Association. 40 (7): 521–525. doi:10.1097/01.OLQ.0000430797.56499.0d. PMID 23965763. S2CID 31883301.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ [/publications/2007/9789241596169_eng.pdf "Male circumcision: Global trends and determinants of prevalence, safety and acceptability"] (PDF). World Health Organization. p. 13.
{{cite web}}
: Check|url=
value (tulong) - ↑ Medical Ethics Committee (2006). [/images/Circumcision_tcm41-147277.pdf "The law and ethics of male circumcision – guidance for doctors"] (PDF). British Medical Association. Nakuha noong 2006-07-01.
{{cite web}}
: Check|url=
value (tulong); Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Milos, MF; Macris, D (1992). [/library/ethics/milos-macris/ "Circumcision: A medical or a human rights issue?"]. Journal of Nurse-Midwifery. 37 (2 Suppl): 87S–96S. doi:10.1016/0091-2182(92)90012-R. PMID 1573462.
{{cite journal}}
: Check|url=
value (tulong); Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Goldman, R. (1999). [/doi/pdf/10.1046/j.1464-410x.1999.0830s1093.x "The psychological impact of circumcision"] (PDF). BJU International. 83 (S1): 93–102. doi:10.1046/j.1464-410x.1999.0830s1093.x. Nakuha noong 2006-07-02.
{{cite journal}}
: Check|url=
value (tulong); Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Schultheiss D, Truss MC, Stief CG, Jonas U (1998). "Uncircumcision: A Historical Review of Preputial Restoration". Plast Reconstr Surg. 101 (7): 1990–8. doi:10.1097/00006534-199806000-00037. PMID 9623850.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Moses, S; Bailey, RC; Ronald AR (1998). "Male circumcision: assessment of health benefits and risks". Sex Transm Infect. 74 (5): 368–73. doi:10.1136/sti.74.5.368. PMC 1758146. PMID 10195035.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Gerharz EW, Haarmann C (2000). "The first cut is the deepest? Medicolegal aspects of male circumcision". BJU Int. 86 (3): 332–8. doi:10.1046/j.1464-410x.2000.00103.x. PMID 10930942.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Boyle, G; Goldman, R; Svoboda, JS; Fernandez E (2002). "Male Circumcision: Pain, Trauma and Psychosexual Sequelae". Journal of Health Psychology. 7 (3): 329–343. doi:10.1177/1359105302007003225.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Hirji, H; Charlton, R; Sarmah S (2005). [/periodicals/jmhg/article/PIIS1571891305000105/abstract "Male circumcision: a review of the evidence"]. Journal of men's health. 2 (1): 21–30.
{{cite journal}}
: Check|url=
value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)