Tado
Si Arvin Jimenez (Marso 24, 1974 – Pebrero 7, 2014), simpleng kilala lang bilang Tado, ay isang komedyante, artista, personalidad sa radyo, negosyante, may-akda at aktibista mula sa Pilipinas. Nagmula ang bansag sa kanyang "Tado" mula sa murang "tarantado" na kanyang madalas sabihin.[1][2] Pangunahing kilala si Tado sa kanyang programa sa telebisyon na Strangebrew at sa palatuntunan sa radyo ng U92 na The BrewRATs!.
Tado | |
---|---|
Kapanganakang Pangalan | Arvin Impuesto Jimenez |
Kapanganakan | 24 Marso 1974 Baybay, Leyte, Pilipinas |
Kamatayan | 7 Pebrero 2014 Bontoc, Lalawigang Bulubundukin, Pilipinas | (edad 39)
Paraan ng Pagtanghal | Stand-up, telebisyon, radyo, internet |
Genre | Satira/pampolitikang satira/pambalitang satira, komedyang nag-oobserba, |
Paksa | Midyang pangmasa/midyang pambalita/kritisismo ng midya, politika sa Pilipinas, seksuwalidad ng tao, sariling-pagmamaliit |
Asawa | Lei Jimenez |
Maagang buhay
baguhinBago naging sikat, nagtrabaho si Tado sa iba't ibang kakaibang trabaho tulad ng pagiging kawani sa isang ospital pangkaisipan, weyter, tagasulat ng iskrip para sa telebisyon, at isang litratistang mamamahayag. Nagtapos si Tado sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na may digri sa Sikolohiya. Aktibo siyang kasapi ng Scouts Royale Brotherhood (SRB) International Service Fraternity and Sorority na nasa ilalim ng Sangay ng Beta Tau. Nakibahagi siya sa mga usaping panlipunan bilang nag-oorginasang mag-aaral ng Sanlakas.[1]
Habang nasa PUP, naimpluwensyahan si Tado ng kanyang kaibigang artista, na nagdulot sa kanya upang makapasok sa teatro, pagpipinta at potograpiya. Humantong ito sa pagkakatatag ng wala na ngayong pangkalingang samahan na nakabase sa PUP na tinatawag na PANDAY PIRA (Pandayan ng Pilipinong Kultura). Sa kalaunan, nag-aral siya ng paggawa ng pelikula sa Mowelfund Institute.[1]
Sa kalaunan, kasamang itinatag ni Tado ang Dakila ("Noble"), isang pangkat ng mga alagad ng sining na nagtatanim ng makabagong kabayanihan sa karaniwang tao, kasama ang makatang si Lourd de Veyra, ang bahista ng Parokya ni Edgar na si Buwi Meneses at ang aktor na si Ronnie Lazaro.[3]
Nalulong din si Tado sa musika at lumabas minsan kasama ang bandang The Youth bilang bokalista nito na may pahintulot ng orihinal na bokalista na si Dodong Cruz. Siya at ang banda ay lumabas sa programa ng GMA Network na Unang Hirit, na inawit ang sikat na awitin ng banda na "Multong Bakla."[4]
Karera sa shobis
baguhinStrangebrew
baguhinNaging abala si Tado sa telebisyon nang umere ang di-pangkaraniwang palabas pantelebisyong magasin na Strangebrew sa noong pinapatakbo ng NU 107 na UNTV Channel 37, kasama si Angel Rivero bilang kasamang punong-abala, na unang lumabas noong 2001. Dinala sila ng kanilang kulay granateng Volkswagen Beetle sa buong Kalakhang Maynila sa isang pakikipagsapalaran sa "kakaibang itsurang kartun, at isang mapang-asar na talas ng isip" na may "kakatwang pagpapatawa."[1]
Naging kultong kasikatan ang Strangebrew at si Tado hanggang nakansela ang programa pagkalipas ng isang taon, na naitatak sa kanya ang pagiging ikono sa popular na kultura.[1]
Sa halos lahat ng mga episodyo, kapag kinapanayam nila ang isang indibiduwal, laging binabato ni Tado ang tanyag na tanong na "Kuya/ate, sa tagal mo nang ginagawa itong trabaho na ito, umibig ka na ba?"
The BrewRATs!
baguhinMuling nagkasama sila ni Rivero (kasama ang paminsan-minsang tagapag-ambag sa Strangebrew na si Ramon Bautista) sa usapang palabas ng Hit 99.5 FM (99.5 Play FM) tuwing gabi na The BrewRATs![1] na isang paglaro sa salitang-balbal para sa maselang bahagi ng lalaki. Kahit nareporma ang Hit FM sa 99.5 Campus FM at bumalik sa lumang 99.5 RT na tawag, patuloy na umere ang palabas sa himpilan, at patuloy na umukopa sa gabi hanggang lumipat ito sa umaga mula Agosto hanggang Setyembre 2009.
Noong Oktubre 1, 2009, bumalik ang The BrewRATs! sa U92, ang apiliyadong estasyon ng radyo ng MTV Philippines, na kung saan isang personalidad si Bautista sa The Ramon Bautista Show. Nawala uli ito sa ere sa ikalawang pagkakataon dahil nareporma ang U92 sa Radyo5 92.3 News FM at simula noon ang palabas ay umere sa isang radyong internet na DigRadio tuwing Huwebes ng alas 9 ng gabi hanggang hatinggabi.[5][6]
Ibang pinagkakaabalahan
baguhinLimiTado
baguhinMaliban sa radyo, nagdisenyo si Tado ng mga kamiseta na pinangalan niyang LimiTado, at ninegosyo niya ito kasama ang kanyang asawa. Ang panganuhing pambenta ng kanyang disenyong kamiseta ay ang mga kapansin-pansin na mensahe at parodya na nakaimprenta sa kamiseta. Nagbebenta din siya ng ibang gamit tulad ng bag, aksesorya, at mga kinokolektang laruan tulad ng mga die-cast ng Volkswagen.[7] May-ari din siya ng isang tatuhan.
Pampolitikang buhay at aktibismo
baguhinTumakbo si Tado para sa pagiging konsehal ng unang distrito ng Marikina noong 2010 bilang independiyenteng kandidato ngunit natalo siya.
Sumama si Tado sa mga protestang ginawa ng Sanlakas tulad ng kampanya laban sa pagtaas ng singil sa kuryente,[8] at mga demonstrasyon laban sa Pagbabago sa Konstitusyon.[9] Sinuportahan din niya ang piket ng protesta ng mga manggagawa ng Philippine Airlines.[10] Nakita rin siya na bumisita sa Sultan ng Sulu na si Jamalul Kiram III, na inihayag ang kanyang suporta sa angkin sa Sultanato ng Sulu sa Sabah, Hilagang Borneo. Sumali din siya sa demonstrasyon laban sa Priority Development Assistance Fund (Pondo para sa Priyoridad na Tulong sa Pag-unlad), na kilala din bilang pork barrel (bariles ng karne ng baboy).
Tumakbo muli si Tado bilang konsehal ng unang distrito ng Marikina noong 2013 sa ilalim ng Partido Lakas ng Masa ngunit natalo muli siya sa ikalawang pagkakataon.
Kamatayan
baguhinNamatay si Tado Pebrero 7, 2014 sa isang aksidente nang nahulog ang bus ng GV Florida Transport sa labas ng daan sa Sitio Paggang, Talubin, Bontoc, Lalawigang Bulubundukin sa Pilipinas.[11] Sa kabuuan, labing-apat ang namatay at higit sa 32 tao ang nasugatan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Mallari, Perry Gil (2008-09-07). "Tado Jimenez seriously". The Manila Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-30.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Serato, Arniel (2014-02-07). "Comedian Tado Jimenez killed in tragic bus accident in Mountain Province". PEP.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-21. Nakuha noong 2021-05-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Agimat Launches a Central Website for Filipino Artists". The Philippine Daily Inquirer. 2008-08-07. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-01.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles) - ↑ "The Youth (?)". Unanghirit.tv (sa wikang Ingles). 2008-09-27. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-21. Nakuha noong 2021-05-21.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://pinoytuner.com/article/191/the-brewrats-are-coming Naka-arkibo 2011-08-24 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
- ↑ http://pinoytuner.com/popout/192/watch-brewrats Naka-arkibo 2011-08-24 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
- ↑ Pastor, Pam (2007-07-17). "The gospel of Tado's T-shirts". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-17.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Congress urged to repeal EPIRA law | Headlines, News, The Philippine Star | philstar.com (sa Ingles)
- ↑ INQUIRER Politics Naka-arkibo 2013-06-06 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
- ↑ [Press Release] Tado mag-eemcee sa concert para sa PALEA | Human Rights Online Philippines (sa Ingles)
- ↑ http://www.gmanetwork.com/news/story/347387/news/regions/comedian-tado-among-14-dead-in-bus-crash-in-mt-province