Tagagamit:Chitetskoy/burador/Katipunan
Ang Kataas-taasang, Kagalang-galang Katipunan ng̃ mg̃á Anak ng̃ Bayan o mas kilala bilang Katipunan at KKK ay isang lihim na samahan na itinatag sa Pilipinas ni Andres Bonifacio na may layuning palayain ang bansa sa ilalim na ng mga mananakop na Espanyol.
Naitatag ang Katipunan noong Hulyo 7, 1892, matapos na mahuli at maipatapon si Jose Rizal na isa sa mga pinuno ng Kilusang Propaganda at siya ding tagatatag ng La Liga Filipina, na kung saan miyembro rin si Andres Bonifacio. Ang La Liga ay binubuo ng mga panggitnang uri na intelektual o mga ilustrado na nagtataguyod ng mapayapang reporma. Ang paghahadlang ng rehimeng Espanyol sa La Liga ang nagpatunay kay Andres Bonifacio na walang saysay ang mapayapang reporma sa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Ito ay binuo sa isang bahay sa Kalye Azcarraga (ngayon ay Abenida Claro M. Recto) sa Tondo, Maynila.
Dahil sa isang pagiging lihim na samahan, isinailalim ang mga kasapi nito sa lubusang paglilihim at inaasahan sila na tumalima sa mga patakarang ipinapairal ng samahan.[1] Ang mga nais sumapi sa samahan ay pinadadaan sa seremonya ng pagbunsod upang maging ganap na kasapi. Noong una, ang mga kalalakihang Pilipino lamang ang tinatanggap, ngunit noong lumaon ay nagpapasapi na rin sila ng mga kababaihan. May sariling pahayagan ang Katipunan, na tinatawag na Kalayaan na nagkaroon ng una at huling paglimbag noong Marso 1896. Umusbong ang mga kaisipan at gawaing rebolusyonaryo sa samahan, at pinayaman ng ilang mga tanyag na kasapi nito ang literatura ng Pilipinas.
Sa pagpaplano sa rebolusyon, nakipagtalastasan si Bonifacio kay Rizal para sa kaniyang lubos na pagsuporta sa Katipunan kapalit ng pangako ng pagsagip kay Rizal mula sa pagkapiit. Noong Mayo 1896, isang delegasyon ang pinadala sa Emperador ng Hapon para makalikom ng pondo at mga sandata. Nabunyag ang Katipunan sa pamahalaang Kastila noong umamin ang isang kasapi na si Teodoro Patiño sa kaniyang kapatid na babae ukol sa mga ilegal na gawain ng Katipunan, at kinalaunan sa madreng pinuno ng Ampunang Mandaluyong. Pitong taon matapos ang pagkakatuklas ng mga Kastila sa Katipunan, pinunit ni Bonifacio at ang kaniyang mga tauhan ang kanilang mga cedula sa Sigaw sa Pugadlawin, na nagpasimula ng Rebolusyong Pilipino.
Pinanggalingan ng Salita
baguhinAng opisyal na pangalan ng samahang ito ay Kataas-taasan, Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak ng Bayan[2].
Kasaysayan
baguhinDahil sa isang pagiging lihim na samahan, isinailalim ang mga kasapi nito sa lubusang paglilihim at inaasahan sila na tumalima sa mga patakarang ipinapairal ng samahan.[1] Ang mga nais sumapi sa samahan ay pinadadaan sa seremonya ng pagbunsod upang maging ganap na kasapi. Noong una, ang mga kalalakihang Pilipino lamang ang tinatanggap, ngunit noong lumaon ay nagpapasapi na rin sila ng mga kababaihan. May sariling pahayagan ang Katipunan, na tinatawag na Kalayaan na nagkaroon ng una at huling paglimbag noong Marso 1896. Umusbong ang mga kaisipan at gawaing rebolusyonaryo sa samahan, at pinayaman ng ilang mga tanyag na kasapi nito ang literatura ng Pilipinas.
Sa pagpaplano sa rebolusyon, nakipagtalastasan si Bonifacio kay Rizal para sa kaniyang lubos na pagsuporta sa Katipunan kapalit ng pangako ng pagsagip kay Rizal mula sa pagkapiit. Noong Mayo 1896, isang delegasyon ang pinadala sa Emperador ng Hapon para makalikom ng pondo at mga sandata. Nabunyag ang Katipunan sa pamahalaang Kastila noong umamin ang isang kasapi na si Teodoro Patiño sa kaniyang kapatid na babae ukol sa mga ilegal na gawain ng Katipunan, at kinalaunan sa madreng pinuno ng Ampunang Mandaluyong. Pitong taon matapos ang pagkakatuklas ng mga Kastila sa Katipunan, pinunit ni Bonifacio at ang kaniyang mga tauhan ang kanilang mga cedula sa Sigaw sa Pugadlawin, na nagpasimula ng Rebolusyong Pilipino.
Pagtatag
baguhinImpluwensya mula sa Kilusang Propaganda
baguhinAng Katipunan at ang Cuerpo de Compromisarios ay ang humaliling organisasyon sa samahang La Liga Filipina, na tinatag mismo ni Jose Rizal, na nagkaroon ng inspirasyon mula sa pagkamartir ng mga paring si Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora na kilala bilang Gomburza. Ang samahang ito ay bahagi ng Kilusang Propaganda sa Pilipinas noong huling bahagi ng ika-19 siglo. Naging kasapi ng La Liga ang mga pundador ng Katipunan na sina Andres Bonifacio, Ladislao Diwa at Teodoro Plata at naimpluwensiyahan sila ng mga kaisipang makabayan ng Kilusang Propaganda sa Espanya.[3]
Nagbigay din ng inspirasyon sa pagbuo ng Katipunan si Marcelo H. del Pilar, na isa rin sa mga pinuno ng Kilusang Propaganda sa Espanya. Naniniwala ang mga kasalukuyang historyador na mayroon siyang direktang koneksyon sa organisasyon dahil sa kaniyang ginampanan sa Kilusang Propaganda at sa kaniyang tanyag na posisyon sa Masonerya ng Pilipinas, at karamihan sa mga pundador ng Katipunan ay mga mason. Ang mga seremonya ng pagbunsod ng Katipunan ay hinalaw mula sa mga seremonya ng mga mason. Mayroon din itong pagkakahanay ng mga ranggo na katulad sa masonerya. Nakita ng Espanyol na mananalambuhay ni Rizal na si Wenceslao Retana at ng Pilipinong mananalambuhay na si Juan Raymundo Lumawag ang pagkakatatag ng Katipunan bilang tagumpay ni Del Pilar kay Rizal.
Pagtatag ng Katipunan
baguhinNaibunyag sa mga otoridad na Kastila ng mga nahuling kasapi ng Katipunan, na tinatawag na Katipunero, na sila ding kasapi ng La Liga, na mayroong pagkakaiba-iba ng opinyon sa mga kasapi ng La Liga. Iginiit ng isang grupo na ang layunin ng La Liga ay isang mapayapang repormasyon samantala ang iba ay nagnanasa ng armadong rebolusyon.[4]
Noong gabi ng 7 Hunyo 1892, matapos na maipatapon si Jose Rizal sa Dapitan sa Mindanao, itinatag ni Andres Bonifacio, kasapi ng La Liga Filipina, ang Katipunan sa isang tahanan sa Tondo, Maynila.[5] Bonifacio did establish the Katipunan when it was becoming apparent to anti-Spanish Filipinos that societies like the La Liga Filipina would be suppressed by colonial authorities.[6] Sinamahan siya ng dalawa niyang kaibigan, sina Teodoro Plata () at Ladislao Diwa, at kasama din sina Valentin Diaz at Deodato Arellano.[7] Itinatag ang Katipunan sa may Kalye Azcarraga (kasalukuyang Abenida Claro M. Recto) malapit sa Kalye Elcano sa Tondo. [8] Sa kabila ng kanilang reserbasyon ukol sa mapayapang rebolusyon na ninanasa ni Rizal, pinangalan nila si Rizal bilang pandangal na pangulo ng hindi niya nalalaman. Itinatag ang Katipunan bilang isang lihim na samahang kapatiran, sa ilalim ng pangalang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng̃ mg̃á Anak ng̃ Bayan.
May apat na layunin ang Katipunan:
- Upang makapagbuo ng matatag na alyansa sa bawat Katipunero;
- Upang mapagkaisa ang mga Pilipino sa pagiging isang matatag na bansa;
- Upang makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang armadong pakikipaglaban (o rebolusyon);[9]
- Upang makapagtatag ng isang republika matapos ang kasarinlan.[10]
Ang paglago ng Katipunan ay naging hudyat ng pagtatapos ng krusada para sa reporma mula sa Kastila sa pamamagitan ng mapayapang pamamaran. Nabigong makamit ng Kilusang Propaganda na pinamumunuan nina Rizal, del Pilar, Jaena at iba pa ang kanilang layunin, kaya sinimulan ni Bonifacio ang isang militanteng kilusan para sa kasarinlan.
Organisasyon
baguhinAdministrasyon
baguhinPinamumunuan ang Katipunan ng Kataastaasang Sanggunian.[11] Ang unang Kataastaasang Sanggunian ng Katipunan ay binuo noong Agosto 1892, isang buwan matapos ang pagkakatatag ng samahan. Ang Kataastaasang Sanggunian ay pinamumunuan ng isang halal na Pangulo, na sinundan ng mga Kalihim, ng Tagaingat-yaman at ng Tagausig. [12] Ang Kataastaasang Sanggunian ay mayroon ding mga Kasangguni, na ang bilang ay iba-iba sa iba't ibang mga pagkapangulo.[12] Upang maitangi mula sa mga pangulo ng mga mas nakakababang sanggunian, ang pangulo ng Kataastaasang Sanggunian ay tinatawag na Kataastaasang Pangulo, o Presidente Supremo sa Wikang Kastila.[13]
OFFICE | NAME | TERM |
Kataastaasang Pangulo | Deodato Arellano | 1892 - Pebrero 1893 |
Roman Basa | Pebrero 1893 - Enero 1895 | |
Andrés Bonifacio | Enero 1895 - 1896 | |
Tagasiyasat/Tagapamagitan | Andrés Bonifacio | 1892 - August 1893 |
Tagausig | Ladislao Diwa | 1892 - Pebrero 1893 |
Andrés Bonifacio | Pebrero 1893 - 1895 | |
Emilio Jacinto | 1895 | |
Pio Valenzuela | Disyembre 1895 | |
Kalihim (ng Estado) | Teodoro Plata | 1892 - Pebrero 1893 |
Jose Turiano Santiago | Pebrero 1893 - Disyembre 1895 | |
Emilio Jacinto | Disyembre 1895 - 1896 | |
Kalihim ng Digmaan | Teodoro Plata | 1896 |
Kalihim ng Hukuman | Briccio Pantas | 1896 |
Kalihim ng Interyor | Aguedo del Rosario | 1896 |
Kalihim ng Pananalapi | Enrique Pacheco | 1896 |
Tagaingat-yaman | Valentin Diaz | 1892 - Pebrero 1893 |
Vicente Molina | Pebrero 1893 - Disyembre 1895 |
Sa pagsiklab ng Rebolusyon ng 1896, inayos muli ang Sanggunian sa pagiging 'gabinete' kung saan pinalagay ang Katipunan bilang isang tunay na pamahalaang rebolusyonaryo, de facto at de jure.[14]
Sa bawat probinsya na mayroong kasapi ng Katipunan ay itinatag ang isang sangguniang probinsya na tinatawag na Sangguniang Bayan, at sa bawat bayan ay may itinatag na sangguniang pangbayan na tinatawag na Sangguniang Balangay. Ang bawat Bayan at Balangay ay mayroong sariling mga halal na opisyal: ang Pangulo, Kalihim, Tagausig, Tagaingat-yaman, Pangalawang Pangulo, Pangalawang Kalihim, mga Kasanguni, Mabalasig, Taliba, Maniningil, Tagapamahala ng Basahan ng Bayan, Tagapangasiwa, Manunulat, Tagatulong sa PAgsulat, Tagalaan, at Tagalibot.[12] Binigyan ng pagkakataon ang bawat Balangay upang palawigin ang kanilang impluwensya sa pamamagitan ng sistemang triyanggulo upang maitaas ang kanilang mga katayuan sa pagiging Sangguniang Bayan[12] Ang mga bawat Balangay na hindi nakamit ang katayuang Sangguniang Bayan ay binubuwag at sinasanib sa ibang mas malaking sangguniang probinsya o pangbayan.[12]
Ang mga bayan at lungsod na sumusuporta sa layunin ng Katipunan ay binibigyan ng makahulugang pangalan, tulad ng Magdiwang para sa Noveleta, Cavite; Magdalo para sa Kawit; Magwagi para sa Naic; Magtagumpay para sa Maragondon; Walangtinag para sa Indang; at Haligue para sa Imus -lahat ng ito ay nasa probinsya ng Cavite.[15]
Sa loob din ng samahan ay mayroong isang lihim na kamara, na tinatawag na Camara Reina,[16] na pinamumunuan ni Bonifacio, Jacinto, at Pio Valenzuela. Ang kamarang ito ay naglilitis sa sinumang nagtaksil sa kanilang mga sinumpaan at sa mga inaakusahan ng ilang mga paglabag sa mga alituntunin ng Katipunan. Ang bawat katipunero ay mayroong pagkahangang pagkatakot sa kamarang ito. Ayon kay Jose P. Santos, sa buong panahon ng pag-iral ng kamarang ito, mayroong limang mga Katipunero ang nahatulan at nasintensyahan ng kamatayan. Ang sintensyang kamatayan ay ibinababa sa pamamagitan ng isang tasa na may serpyente na nakapalibot dito.[17]
Kasaysayan ng Pamunuan
baguhinNoong 1892, matapos na maitatag ang Katipunan, ang mga bumubuo ng Kataastaasang Sanggunian ay sina Arellano bilang pangulo, Bonifacio bilang tagasiyasat, Diwa bilang taga-usig, Plata bilag kalihim at Diaz bilang tagaingat-yaman.[18]
Noong 1893, ang mga bumubuo ng Kataastaasang Sanggunian ay sina Ramon Basa bilang pangulo, Bonifacio bilang tagausig, Jose Turiano Santiago bilang kalihim, VIcente Molina bilang tagaingat-yaman at sina Restituto Javier, Briccio Pantas, at Teodoro Gonzales. Sina Gonzales, Plata at Diwa ay mga kasangguni.[18] Sa ilalim ng pamumuno ni Basa nagkaroon ng Katipunan ng isang pangkat para sa mga kababaihan. Ang mga naging unang kasapi nito ay sina Gregoria de Jesus, na siyang kakakasal lang kay Bonifacio, at Marina Dizon, anak ni Jose Dizon. Noong 1893 ay naitatag nina Basa at Diwa ang sangguniang probinsya ng Cavite, na siyang magiging pinakamatagumpay na sanggunian ng Katipunan.
Naiulat ng iskolar na Pilipino na si Maximo Kalaw na isinuko ni Basa ang pagkapangulo kay Bonifacio noong 1984 dahil sa alitan ukol sa pagiging pakinabang ng mga ritwal pangbunsod at sa pamamalakad ni Bonifacio sa samahan. Tinutulan pa ni Basa ang gawain ni Bonifacio na pautangin ang mga nangangailangang mga kasapi gamit ang pondo ng samahan, na ginagamitan pa ng liham pangako.[19][20] Ang isa pa nito, hindi rin pinasali ni Basa ang kaniyang anak sa samahan.
Sa taon din ng 1894 sumapi sa Katipunan si Emilio Jacinto, pamangkin ni Dizon na nag-aaral ng abogasya sa Pamantasan ng Santo Tomas. Siya ang bumuo sa mga prinsipyo ng samahan at isinulat niya ito sa isang aklat na tinatawag na Kartilla'. Isinulat ito sa wikang Tagalog at kinakailangan ang mga gustong sumapi na manumpa dito ng buong puso bago pa man sila isalang sa ritwal pambunsod. Dahil dito kinilala si Jacinto bilang Utak ng Katipunan.
Sa panahon ding iyon, naging patnugot si Jacinto ng Kalayaan, ang opisyal na pahayagan ng Katipunan. Ngunit isang isyu lang nailathala, dahil noong inihahanda ang pangalawang isyu ay natuklasan ang Katipunan. Inilimbag ang Kalayaan gamit ang palimbagan ng Diario de Manila na isang pahayagang Kastila. Ang palimbagang ito at ang mga manggagawa dito ay magkakaroon ng malaking papel sa pagsiklab ng rebolusyon.
Noong 1895 ay pinatalsik sa samahan si Jose Turiano Santiago, na isang malapit na kaibigan ni Bonifacio, dahil nahulog ang isang kinodigong mensahe ng Katipunan sa kamay ng isang Kastilang pari na nagtuturo sa Pamantasan ng Santo Tomas. Dahil kaibigan ng pari ang kapatid ni Santiago, inakusahan siya at maging ang kaniyang kapatid sa labas na si Restituto Javier ng pagtataksil. Sa kabila nito mananatiling tapat ang dalawa sa Katipunan, at kinalaunan ay sasapi rin si Santiago sa hukbong rebolusyonaryong Pilipino sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Si Jacinto ang pumalit kay Santiago bilang kalihim.
Noong mga unang araw ng 1895, nagpatawag ng pagpupulong si Bonifacio. Ihinalal sina Bonifacio bilang pangulo, Jacinto bilang tagausig, Santiago bilang kalihim, Molina bilang kalihim, Pio Valenzuela at Pantaleon Torres bilang manggagamot, at Aguedo del Rosario at Doroteo Trinidad bilang kasangguni.[21]
Noong 31 Disyembre 1895, isang halalan ang muling ginanap, at nahalal sina Bonifacio bilang pangulo, Jacinto bilang tagausig, Santiago bilang kalihim, Molina bilang kalihim, Pio Valenzuela at Pantaleon Torres bilang manggagamot, at Aguedo del Rosario at Doroteo Trinidad bilang kasangguni.[22]
Ang mga naging kasapi ng Kataastaasang Sanggunian noong 1895 ay sina Bonifacio bilang pangulo, Valenzuela bilang tagausig at manggagamot, Jacinto bilang kalihim, at Molina bilang tagaingat-yaman. Sina Enrico Pacheo, Pantaleon Torres, Balbino Florentino, Francisco Carreon at Hermenegildo Reyes ang naging mga kasangguni.[22]
Matapos ang walong buwan, noong Agosto 1896, nagkaroon ng halalan para sa ikalima at kahulihulihang Kataastaasang Sanggunian sa mga posisyong binago ang pangalan. Ihinalal sina Bonifacio bilang Supremo, Jacinto bilang Kalihim ng Estado, Plata bilang Kalihim ng Digmaan, Brico Pantas bilang Kalihim ng Hukuman, Aguedo del Rosario bilang Kalihim ng Panloob at Enrice Pacheco bilang Kalihim ng Pananalapi.[22]
Mga Kasapi
baguhinPatuloy na nag-aakay ng mga bagong kasapi ang Katipunan sa mga sumunod na apat na taon. Noong panahon na natuklasan ang Katipunan, itinaya ng manunulat ng Amerikano na si James Le Roy na ang dami ng mga Katipunero ay umaabot sa 100,000 hanggang 400,000 mga kasapi. Itinaya ng historyador na si Teodoro Agoncillo na ang mga kasapi ay lumago hanggang 30,000 noong 1896.[23] Itinaya ng manunulat na Ilokano na si Isabelo de los Reyes na ang mga naging kasapi ay nasa 15,000 hanggang 50,000.
Maliban sa Maynila, nagkaroon din ang Katipunan ng mga malagong sangay sa Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, Pampanga, Tarlac, at Nueva Ecija. Mayroon ding mga mas maliit na sangay sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, Pangasian at sa Kabikulan. Iginugol ng mga tagapagtatag ng Katipunan ang kanilang libreng oras sa pag-aakay ng mga kasapi. Halimbawa, si Diwa na isang kawani ng isang korteng hukuman, ay itinalaga sa isang hukuman pangkapayapaan sa Pampanga. Nag-akay siya ng mga kasapi sa probinsyang iyon at maging sa karatig-probinsya ng Bulacan, Tarlac, at Nueva Ecija. Karamihan sa mga Katipunero ay mga karaniwang tao ngunit mayroon ding mga mayayamang mga makabayan na sumapi sa Katipunan at kinilala ang pamumuno ni Bonifacio.
Sistemang Patatsulok at mga Antas
baguhinKasama na sa orihinal na balak ni Bonifacio ang pagpapalawak ng kasapian ng Katipunan sa pamamagitan ng sistemang patatsulok. Nabuo niya ang kauna-unahang tatsulok kasama ang kaniyang dalawang mga kasamang sina Teodoro Plata at Ladislaw Diwa. Tinuro ng bawat isa ang kaisipang Katipunan sa dalawa pang mga bagong kasapi. Alam ng nagbuo ng tatsulok ang dalawang mga bagong kasapi, ngunit hindi alam ng huli ang isa't isa. Ngunit binuwag ang sistemang ito noong Disyembre 1892 dahil sa pagiging kumplikado ng prosesong ito,[24] at pinalitan ito ng bagong sistema ng pagsasapi na hango sa Masonerya.[25]
Noong umabot na sa higit sandaang kasapi ang Katipunan, hinati ni Bonifacio ang mga kasapi sa tatlong antas: ang Katipon na pinakamababang antas; ang Kawal, at ang Bayani. Sa pagpupulong ng samahan, nagsusuot ang mga Katipion ng itim na talukbong na may tatsulok ng puting laso na may mga titik na "Z. Ll. B", na kumakatawan sa romanong "A. N. B." na nangangahulugang Anak ng Bayan. Nakasuot naman ang mga Kawal ng lunting talukbong na may medalya na may mga titik "ka" sa sulat na Baybayin sa itaas ng imahe ng naka-krus na mga espada at watawat. Ang kontrasenyas ay Gom-Bur-Za, na hinango sa tatlong martir na sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora. Nakasuot naman ang mga Bayani ng pulang maskara na may sintas, na may lunting gilid, na sumisimbolo sa katapangan at pag-asa. Ang harapan ng maskara ay may puting linya na bumubuo sa tatsulok na may tatlong titik K na nakahanay sa bawat panloob na sulok ng tatsulok, at may mga titik na "Z. Ll. B." sa ibaba. Ang kontrasenyas ay Rizal. Ginagamit ang mga kontrasenyas para makilala nila ang iba nilang kasapi sa lansangan. Kapag nagkikita ang isang kasapi sa isa pang kasapi, nilalagay niya ang kaniyang kanang palad sa dibdib, at habang padaan siya sa kasaping iyon ay isinasara niya ang kaniyang mga kamay upang maidikit ang kaniyang hinlalaki at hintuturo sa kanang kamay. [26]
Mga nakatalagang kulay:
- Katipon. Mga kasapi sa unang antas: Iba pang mga simbolo: Itim na talukbong, rebolber at/o bolo.
- Kawal. Mga kasapi sa ikalawang antas. Iba pang mga simbolo: medalyon na may lasong lunti at may nakasulat na K.
- Bayani. Kasapi sa ikatlong antas. Iba pang mga simbolo: Pulang talukbong at laso, na may lunting gilid.
Maaaring maging Kawal ang Katipon kapag nakapagdala siya ng mga bagong kasapi sa kilusan. Maaaring maging Bayani ang Kawal kapag nahalal siya bilang isang opisyal ng samahan.[27]
Pagsasapi
baguhinAnumang tao na nais sumapi sa Katipunan ay dumadaan sa mga ritwal na halintulad sa mga ritwal ng Masonerya upang subukin ang kaniyang katapangan, pagka-makabansa at katapatan.[28] Tatlong bagong kasapi ang dumadaan sa mga panimulang ritwal kada pagkakataon, upang sa ganoon ay walang kasapi ang makaalam sa higit na dalawang iba pang mga kasapi sa samahan. Tinatakluban ang mata ng baguhan at dinadala siya sa isang madilim na silid na pinapailawan ng iisang kandila at may itim na kurtina, at inaalis ang kaniyang taklob sa mata niya. Dalawang mga paalala ang nakapaskil papasok ng silid:
“ | Kung may lakás at tapang, ìkaw'y makatutuloy![29] | ” |
“ | Kung ang pag-uusisa ang nagdalá sa iyó dito'y umurong ka.[29] | ” |
“ | Kung di ka marunong pumigil ng̃ iyong masasamang hilig, umurong ka; kailan man ang pintuan ng̃ May-kapangyarihan at Kagalanggalang Katipunan ng̃ mg̃á Anak ng̃ Baya'y hindi bubuksan nang dahil sa iyó.[29] |
” |
Sa loob ng silid ay idadala sila sa isang hapag na mayroong bungo at bolo. Doon ay isusumpa nila ang mga pang-aabuso ng pamahalaang Kastila at mamamanatang lalabanin ang panggigipit ng mga dayuhan:[30][31]
1. ¿Anó ang kalagayan nitóng Katagalugan[32] nang unang panahun?
- (Inaasahang sagot) "Noong dumating ang mga Katila sa baybayi ng Pilipinas noong Marso 16, 1521, mayroon nang sibilisadong estado ang Pilipinas. Mayroon silang malayang pamahalaan; mayroon silang mga artilerya; mayroon silang mga sedang damit; mayroon silang kalakalan sa Asya; mayroon silang sariling relihiyon at panulat. Sa madaling salita, mayroon silang kalayaan at kasarinlan."
2. ¿Anó ang kalagayan sa ngayón?
- (Inaasahang sagot) "Hindi dinala ng mga prayle ang mga Pilipino sa kabihasnan, dahil salungat sa mga interes nila ang pagmulat. Ang mga Pilipino (na tinatawag na mga Tagalog ng mga Katipunan) ay tinuruan lamang ng mga pormula ng Katekismo kung saan nagbabayad sila ng mararaming mga magagastos na pista para sa kapakanan ng mga prayle."
3. ¿Anó ang magiging kalagayan sa darating na panahun?
- (Inaasahang sagot) "Sa pamamagitan ng pananampalataya, giting at tiyaga, malulunasan ang mga kasamaang ito."
Noong panahon ni Bonifacio, lahat ng mga Pilipino ay tinatawag ng Katipunan bilang mga Tagalog, at ang Pilipinas bilang Katagalugan.[31]
Ang sumunod na hakbang sa panimulang ritwal ay ang pagtuturo na pinamumunuan ng tagapamahala ng seremonya na tinatawag na Mabalasig/Mabalasik, na siyang nagpapayo sa baguhan na umatras kung wala siyang tapang dahil wala siyang kalulugaran sa lipunang makabayan. Kung nais magpatuloy ng baguhan, ay pinapakilala siya sa asamblea ng mga magkakapatid, kung saan sinasabak siya sa iba't ibang mga pagsubok tulad ng pagtataklob sa kanyang mga mata at ipapabaril sa kaniya kunwari ang isang tao gamit ang rebolber, o ipapatalon siya sa kunwaring mainit na apoy. Pagkatapos ng mga pagsusubok ay ang huling ritwal: ang pacto de sangre o ang pagsasandugo, kung saan nilalagdaan ng baguhan ang isang sumpa gamit ang dugo na galing sa kaniyang braso. Pagkatapos ay tatanggapin siya bilang isang ganap na kasapi, na may simbolikong pangalan kung saan siya makikilala sa loob ng Katipunan. Ang simbolikong pangalan ni Bonifacio ay Maypagasa, si Jacinto bilang Pingkian at si Artemio Ricarte bilang Vibora.
Pagtanggap ng mga kababaihan sa lipunan
baguhinNoong una ay mga kalalakihan lamang ang tinatanggap sa Katipunan. Dahil sa pag-aalala sa mga pag-uusisa sa mga kababaihan ukol sa mga gabi-gabing pagkawala ng kanilang mga asawa, sa pagbawas ng kanilang kita at "mahabang oras ng paggawa", pinasya ni Bonifacio na dalhin sila sa loob ng KKK. Isang pangkat ng mga kababaihan sa Katipunan ang binuo: at upang makasapi ay kailangan niyang maging asawa, anak o kapatid ng lalaking katipunero. Tinatayang mga 20 hanggang 50 kababaihan ang naging kasapi ng lipunan.[33]
Ang unang kababaihan na naging kasapi ng Katipunan ay si Gregoria de Jesus, maybahay ni Bonifacio.[33] Tinawag siyang Lakambini ng Katipunan.[34] Noong una ay mga 29 kababaihan ang pinasapi sa Katipunan: sina Gregoria de Jesus, Maria Dizon, pangulo ng pangkat ng mga kababaihan; sina Josefa at Trinidad Rizal, mga kapatid ni Dr. Jose Rizal; Angelica Lopez at Delfina Herbosa Natividad, malapit na kamag-anak ni Dr. RIzal; Carmen Rodriguez; Marina Hizon; Benita Rodrigurz; Semiona de Remigio; Gregoria Montoya; Agueda Kabahagan, Teresa Magbanua, Trinidad Tecson, na tinatawag na "Ina ng Biak-na-Bato";[35] Nazaria Lagos; Patronica Gamboa; Marcela Agoncillo; Melchora Aquino, ang "Dakilang Matandang Babae ng Balintawak"[35]; Marta Saldaña at Macaria Pangilinan.[36]
Mahalaga ang papel na ginampanan ng mga kababaihan sa Katipunan.[37] Iningatan nila ang mga lihim na papeles at dokumento ng lipunan. Kapag may nagaganap na pagpupulong ang Katipunan sa isang bahay, masasaya silang nag-aawitan at nagsasayawan kasama ang ilang mga kalalakihan sa sala upang walang makitaan ang mga guwardya sibil liban sa isang inosenteng piging sosyal.[33]
Bagaman sinasabing mga kasapi ng Katipunan ang mga kababaihan, iilan lang ang mga nakalap na impormasyon ukol sa pangkat ng mga kababaihan, at ang ilan pa sa kanila ay magkakasalungat.[12] Halimbawa, inalis ni Teodoroa Agoncillo si Marina Dizon at sinabing si Josefa Rizal lamang ang naging Pangulo ng nasabing pangkat.[38] Ngunit binanggit ni Gregorio Zaide ang tungkol sa pagkapangulo ni Dizon sa kaniyang aklat na History of the Katipunan (Kasaysayan ng Katipunan) noong 1939[39], ngunit binago niya ito noong inangkin niya ang kuro-kuro ni Dr. Pio Valenzuela na hindi naghahalal ng mga opisyal ang mga babaeng kasapi, kaya walang maaaring puwesto para sa pangulo.[40]
Mga panitikan ng lipunan
baguhinSa buong panahon ng Katipunan ay umusbong ang panitikan sa pamamagitan ng mga prominenteng manunulat tulad ni Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Dr. Pio Valenzuela. Ang bawat mga katha nila ay ukol sa makabayang damdamin at naglalayon na palawigin ang kaisipang rebolusyonaryo at saloobin ng lipunan.[41]
- Mga gawa ni Bonifacio. Marahil ang ilan sa mga pinakamabuting na mga katha ng Katipunan ay sinulat ni Andres Bonifacio, ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa [42], isang tula na naglalaman ng masidhing damdaming makabayan. Inilathala ang tulang ito sa kaisa-isang palathala ng Kalayaan noong Enero 1896, gamit ang pangalang-panulat Agapito Bagumbayan. Ayon kay Manuel Artigas y Cuerva, ang pangalang Agapito Bagumbayan ay hango sa kombinasyon na agap-ito, bagum-bayan, na nangangahulugan na narito na ang bagong bayan, at handa na..[43][44] Walang nakakalaam sa orihinal na pinagmulan ng Pag-ibig, dahil walang natirang kopya ng Kalayaan sa kasalukuyan. Ang dalawang nanatiling mga teksto ay nilimbag sa mga aklat ni Jose P. Santos noong 1935. Mayroong isa pang kopya na nasa pangangalaga ng aklatang militar ng Madrid, na naglalaman ng kaunti at kilalang pagkakaiba sa mga limbag ni Santos. [43]
- Matapos barilin si Rizal sa Bagumbayan noong 30 Disyembre 1896, isinulat ni Bonifacio ang unang salin sa Tagalog ng Mi Ultimo Adios o Huling Paalam, na sinulat ni Rizal, at binigyan ng pamagat bilang Pahimakas. Sinulat din niya ang prosa na Katungkulang Gagawin ng mga Z. Ll. B. na hindi nailimbag dahil sa paniniwala niyang mas mataas ang Kartilya ni Jacinto kaysa sa kaniya.[45] Isinulat din ni Bonifacio ang Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog na isang sanaysay politiko-makasaysayan.
- Mga gawa ni Jacinto. Kinikilala si Emilio Jacinto bilang Utak ng Katipunan. Ang kaniyang obrang tula na sinulat sa Laguna noong 8 Oktubre 1897 ay ang A la Patria (Sa aking Amang-bayan), na nabigyan ng inspirasyon mula sa Mi Ultimo Adios ni Rizal.[41] Sinulat din niya ang isa pang tula na pinamagatang A mi Madre (Sa Aking Ina). Ang kaniyang obra sa prosa ay ang Kartilla na nagsilbing Biblia ng Katipunan.[41] Ang iba pa niyang lathalain ay ang Liwanag at Dilim, isang serye ng mga artikulo ukol sa karapatang pantao, kalayaan, pagkakapantay-pantay, paggawa, pamahalaan at pagmamahal sa bayan. Ang kaniyang pangalang-panulat ay Dimas-Ilaw.
- Mga gawa ni Valenzuela. Manggagamot bilang propesyon si Dr. Pio Valenzuela. Noong 1896, sa unang isyu ng Kalayaan, tinulungan ni Valenzuela si Bonifacio at Jacinto sa pamamatnugot ng pahayagan. Isinulat din niya ang Catuiran? (Makatuwiran ba?) na nagpapaliwanag ng pagmamalupit ng mga prayleng Kastila at gwardya sibil ng San Francisco del Monte (ngayo'y nasa Lungsod Quezon) sa isang kawawang tenyente ng bayan.[46] Nakipagtulungan din siya kay Bonifacio sa pagsuuslat ng artikulong Sa Mga Kababayan, isang sanaysay para sa inang-bayan. Ang kaniyang pangalang-panulat ay Madlang-Away.[41]
- Noong sumiklab ang Sigaw sa Balintawak, naging Pangkalahatang Manggagamot ng Katipunan si Valenzuela.[47]
Kalayaan
baguhinKalayaan ang opisyal na pahayagan ng Katipunan. Una itong inilimbag noong Marso 1896 (bagaman nakapetsa ito sa Enero 1896).[48] Hindi na nasundan ang isyu na ito.
Noong 1895, nakabili ang Katipunan ng isang lumang manu-manong imprentahan gamit ang salaping pinagkaloob ng dalawang makabayang Bisaya, sina Francisco del Castillo at Candido Iban, na bumalik sa bansa matapos magtrabaho sa Australia bilang tagasisid ng perlas at kabibi, at nakakuha ng salapi mula sa panalo sa loterya. [48][49] Kasama sa biniling imprentahan ang kaunting piraso ng mga typeface mula sa "Bazar el Cisne" ni Antonio Salazar sa Kalye Carriedo, at dinala ni Del Castillio ang mga ito sa bahay ni Andres Bonifacio sa Santa Cruz, Maynila.[48] Noong 1 Enero, 1896, tinanggap ni Valenzuela ang posisyon bilang "piskal" ng Katipunan kapalit ang pahintulot ni Bonifacio na ilagay ang imprentahan sa kaniyang bahay sa Kalye de Lavezares, San Nicolas, Maynila, "upang masubaybay at mapatnugot ang buwan-buwang paglilimbag ng magiging pangunahing pahayagan ng Katipunan".[48] Pumayag si Bonifacio, at sa kalagitnaan ng Enero ay idinala ang imprentahan sa San Nicolas.
Si Dr. Valenzuela ang nagmungkahi ng pangalang Kalayaan, na siya namang sinang-ayunan ni Bonifacio at ni Jacinto.[46] Bagaman napili si Valenzuela bilang patnugot ng pahayagan, pinagpasya nilang lahat na gamitin ang pangalan ni Marcelo H. del Pilar bilang patnugot. Para malito ang rehimeng Kastila, ipinahayag ng Kalayaan na nililimbag ito sa Yokohama, Hapon.[50]
Sa buwan ding iyon nagsimula ang paglilimbag ng Kalayaan. Inasahan ni Valenzuela na matatapos ito sa katapusan ng buwan, kaya pinetsa nila ito sa Enero.[48] Pinanatili nilang lihim ang pagkakaroon ng palimbagan. Sa pangangasiwa ni Valenzuela, dalawang taga-imprenta, sina Faustino Duque, mag-aaral ng Colegio de San Juan de Letran, at si Ulpiano Fernandez, na nagtatrabaho din sa El Comercio bilang taga-imprenta, ang nag-imprenta ng mga panitikang rebolusyonaryo ng lipunan at ng Kalayaan.
Noong tinalaga si Valenzuela bilang pangkalahatang manggagamot ng Katipunan, ipinasa niya ang responsibilidad sa paglilimbag kay Emilio Jacinto. Tinanggap ni Jacinto ang trabaho, at pinapatnugot niya ang mga artikulo matapos ang kaniyang klase sa Pamantasan ng Santo Tomas. Dahil nasa lumang ortograpiya ang palimbagan at hindi sa kung tawagin ng mga Kastila ay mga alpabetong "sina-Aleman", wala itong mga titik sa Tagalog gaya ng "k", "w", "h" at "y". Upang masolusyonan ang suliraning ito, pinakiusapan ni Jacinto ang kaniyang inang si Josefa Dizon na bumili ng mga typeface na katulad ng mga nabanggit na titik.[48] Binili ang mga type na ito mula sa tagalimbag na si Isabelo de los Reyes, ngunit marami ang lihim na kinupit mula sa palimbagan ng Diario de Manila ng mga Pilipinong manggagawa na kasapi ng Katipunan.[50]
Ayon kay Valenzuela, sadyang matrabaho ang proseso ng pag-imprenta, kaya ang pagbuo sa walong pahina ng typeset ay inaabot ng dalawang buwan.[48] Nagsalit-salitan sina Jacinto, Duque at Fernandez (at minsan, si Valenzuela) sa pagbuo sa mga pahina ng Kalayaan, na tinatayang may sukat na siyam na pulgada ang lapad at labindalawang pulgada ang taas.[46] Noong Marso 1896, inilabas ang unang mga kopya (nakapetsa bilang Enero 1896) at mga 2,000 kopya ang lihim na pinalaganap, ayon kay Valenzuela.[46] Ayon kay Epifanio de los Santos, 1,000 kopya lamang ang nailimbag: 700 ang pinalaganap ni Bonifacio, 300 ni Aguinaldo, at 100 ni Valenzuela.[48][51]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangWoods 2006 p=43
); $2 - ↑ Cruz & November 16, 1922 Kapitulo 2, Tanong 12.
Tagalog: "Kailan at saan itinayo ang "Samahang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng̃ mg̃á Anak ng̃ Bayan?" - ↑ St. Clair 1902, pp. 37–39
- ↑ The Founding of the Katipunan
- ↑ Diwa & December 24, 1926, p. 3
- ↑ Guererro, Milagros; Encarnacion, Emmanuel; Villegas, Ramon (1996). "Andres Bonifacio and the 1896 Revolution". Sulyap Kultura. National Commission for Culture and the Arts. 1 (2): 3–12.
{{cite journal}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Epifanio 1918, p. 38
- ↑ Epifanio 1918, p. 41
- ↑ Fernandez 1926, p. 15
- ↑ Isabelo de los Reyes 1899, p. 27
- ↑ Kalaw 1925, p. 87
- ↑ 12.0 12.1 12.2 12.3 12.4 12.5 Richardson, Jim (Pebrero 2007). "Studies on the Katipunan: Notes on the Katipunan in Manila, 1892-96". Nakuha noong 2009-08-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ [1]
- ↑ Ricarte 1926, p. 27
- ↑ Zaide 1984, pp. 158–162
- ↑ Lamberto Gabriel,Ang Pilipinas:Heograpiya,Kasaysayan at Pamahalaan(Isang Pagsusuri) ISBN 971-621-192-9
- ↑ Santos 1930, pp. 17–21
- ↑ 18.0 18.1 Agoncillo 1990, p. 151
- ↑ Kalaw 1926, p. 75
- ↑ Borromeo-Buehler 1998, pp. 169, 171
- ↑ Agoncillo 1990, pp. 151–152
- ↑ 22.0 22.1 22.2 Agoncillo 1990, p. 152
- ↑ Agoncillo 1990, p. 166
- ↑ Artigas y Cuerva 1911, p. 30
- ↑ Artigas y Cuerva 1911, pp. 30–31
- ↑ Agoncillo 1990, pp. 152–153
- ↑ Agoncillo 1990, p. 153
- ↑ Artigas y Cuerva 1911, pp. 32–33
- ↑ 29.0 29.1 29.2 Kartilyang Makabayan, by Hermenegildo Cruz
- ↑ Artigas y Cuerva 1911, pp. 45–49
- ↑ 31.0 31.1 "Ang Aklat ni Andres Bonifacio". Nakuha noong 13 Nobyembre 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ipinahayag ni Bonifacio na ang Katagalugan ay kumakatawan sa buong teritoryo ng Pilipinas.
- ↑ 33.0 33.1 33.2 Zaide 1957, p. 157
- ↑ Gregoria de Jesus 1932
- ↑ 35.0 35.1 Rojas, Jean. "Filipino Women Warriors". Nakuha noong 2009-08-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fernandez 1930
- ↑ Zaide & November 26, 1932
- ↑ Agoncillo 1956, p. 55
- ↑ Zaide 1939, p. 21
- ↑ Zaide 1973, p. 44
- ↑ 41.0 41.1 41.2 41.3 Zaide 1957, p. 156
- ↑ o sa ibang mga sanggunian ito ay pinamagatan bilang Pag-ibig sa Tinubuang Bayan
- ↑ 43.0 43.1 "Documents of the Katipunan: Andrés Bonifacio (attrib.) "Pagibig sa Tinubuang Bayan"". Nakuha noong 2009-08-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Artigas y Cuerva 1911, p. 403
- ↑ "Documents of the Katipunan: Andrés Bonifacio: Katungkulang Gagawin ng mga Z. Ll. B." Nakuha noong 2009-08-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 46.0 46.1 46.2 46.3 "Kalayaan: The Katipunan Newspaper". Filipino.biz.ph. Nakuha noong 2009-08-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Richardson, Jim (Oktubre 2005). "Roster of Katipuneros at Balintawak, August 1896". Nakuha noong 2009-08-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 48.0 48.1 48.2 48.3 48.4 48.5 48.6 48.7 Rihardson, Jim (Nobyembre 2005). "Notes on Kalayaan, the Katipunan paper". Nakuha noong 2009-08-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zaide & October 25, 1930
- ↑ 50.0 50.1 Zaide 1957, p. 158
- ↑ Epifanio 1918, p. 79