Tanyag, Taguig

barangay ng Pilipinas sa lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila

Ang Barangay Tanyag (PSGC: 137607001) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ito ay napaliligiran ng sangay ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya sa Bicutan sa hilaga, Daughters of Charity sa Lungsod ng Parañaque sa Timog, Barangay Bagumbayan sa silangan, at South Superhighway sa kanluran.

Barangay Tanyag,
Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila
Barangay
Opisyal na sagisag ng Barangay Tanyag, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila
Sagisag
RehiyonKalakhang Maynila
LungsodTaguig
Pamahalaan
 • UriBarangay
 • Kapitan ng BarangayCecilia C. Teodoro
Sona ng orasGMT (UTC+8)
Zip Code
1631
Kodigo ng lugar02

Kasaysayan

baguhin

Isa sa pinakamalaking barangay ng Lungsod ng Taguig, ay ang Barangay Bagong Tanyag, Mahigit sa dalawampu't apat na libo (31,000) ang populasyon nito, at may humigit-kumulang labinlimang libong botante. Ito ay binubuo ng tatlong (3) sitio, ang North Daang Hari, Tanyag Proper, at South Daang Hari, kasama ang Perpetual Village.

Ang titulong “Bagong Tanyag”, ay buong karangalang ipinangalan sa barangay na ito, bilang paggunita at pagdakila sa maningning na paglilingkod sa Bayan ng Taguig ng yumao at dating Punong-bayan, Kgg. Mayor Monico Tanyag.

Sa mahigit na dalawampu't apat na libong populasyon ng Bagong Tanyag, nakahihigit sa dami ang mga babae kaysa lalake. Masasabing ang komunidad na ito, ay nasa gitna ang antas ng kinikita, sapagkat higit na nakararami ang mga “factory workers” at mga ‘self employed” kaysa mga propesyonal. Ang barangay ay may anim (6) na doktor, tatlong (3) manananggol, siyam (9) na registradong komadrona, dalawang (2) inhinyero, at tatlong (3) nars.

Ang barangay ay may tatlong (3) bahay-sambahan (kapilya) para sa mga katoliko, at isang kapilya ng protestante. May tatlong paaralang elementarya, bukod pa sa ilang preparatory schools, gaya ng Day Care Center, R.I.C. at isang Non-Government Organization (NGO) kindergarten class na pinamahalaan ni Gng. Lucia Pacayra.

Ang Tanyag Proper, ay pinasok na ng National Housing Authority, upang ang lugar na ito, ay kanilang maipamahagi sa mga naninirahan dito. Kamakailang lamang ay nagkaroon na ng “signing of memorandum of agreement” ang NHA at ng tatlong nagmamay-ari ng mga lupa sa Purok 7 at Purok 8 upang ang mga loteng kinatitirikan ng mga bahay na mga nainirahan sa nasabing mga purok ay kanilang mabili sa mababang halaga. Ang okasyong nabanggit, ay sinaksihan ng Kgg. Cong. Dante O. Tiñga, at ng dating Kgg. na Mayor Rodolfo de Guzman, kasama ang Kapitan ng Barangay, Gng. Preciosa Aliling at pangulo ng Homeowners Assn. (BATAHAI), Gng. Remedios Bico.

Kasalukuyang isinasagawa ang konstruksiyon ng dalawang Barangay Outpost sa Purok 13 ng South Daang Hari, at sa Purok 33 ng North Daang Hari. Pangunahin sa mga balak na proyekto ng Sangguniang Barangay ang pagpapasemento ng mga pathways at paglalagay ng kuryente sa mga lugar na barangay na malayo sa pangunahing kalsada.

Edukasyon

baguhin

Elementarya

baguhin
  • Bagong Tanyag Elementary School
  • St. Helena Academy at Perpetual Village

Pre-schooler/Kinder (Public/Controlled by DSWD):

baguhin
  • Bagong Tanyag Day Care Center
  • BATAHAI Day Care Center
  • TICC Day Care Center

Pamahalaan

baguhin

Sangguniang Barangay

baguhin
  • Punong Barangay: CECILIA "CECILE" TEODORO
  • Kagawad ng barangay:
    • DESSIREE JANE DIZON-KATIGBAK
    • SEBASTIAN "JB" BALACANAO
    • PEDRO M. GARCIA
    • ERHARD FONTANILLA
    • PANFILO ARGUTA JR
    • REMEDIOS BICO
    • EDGARDO MAE "VJ" LIONGCO JR
  • Kalihim: FEDIS B. GIRAY
  • Ingat-Yaman: JEAN MARIE DE GUZMAN

Tingnan din

baguhin
baguhin