Tikoy ng Quezon

(Idinirekta mula sa Tikoy (Quezon))

Ang tikoy ng Quezon, na tinatawag din na Quezon tikoy o tikoy Quezon ay isang uri ng panghimagas sa lutuing Pilipino na gawa mula sa galapong, asukal, ebaporada, kondensada, gata, keso at mantikilya. Isa ito sa mga tradisyunal na kakanin na matatagpuan sa mga bayan ng Quezon.[1]

Tikoy Quezon
Ibang tawagtikoy, tikoy Quezon, tikoy ng Quezon, tikoy sa Anahaw
UriKakaning malagkit
KursoPanghimagas, Minandal
LugarQuezon
Rehiyon o bansaPilipinas
Kaugnay na lutuinLutuing Pilipino
Pangunahing Sangkapgalapong, asukal, mantikilya
Karagdagang Sangkapebaporada, kondensada, gata, keso,
Mga katuladkalamay, pasulbot, unday-unday

Ang tikoy ng Quezon na tinatawag ding tikoy sa Anahaw, partikular na ang tikoy Gumaca ng bayan ng Gumaca, ay kadalasang nakabalot sa dahon ng anahaw.[1][2][3] Ang pagbabalot sa anahaw ay isang klasik at lumang istilo ng pagbabalot ng tikoy kung saan niluluto mismo ang tikoy sa dahon ng anahaw. Ang dahon ng anahaw ay nakakatulong upang magbigay ng magandang aroma sa tikoy. Sa ngayon, marami sa tikoy Quezon ang ibinebenta sa mga makukulay na pakete kagaya ng plastik na pambalot o ibinebenta sa mga malutuan o plastic tub upang pahabain ang shelf life o tagal na maaring ibenta. Ibinabalot din ito nang pira-pirasong mala-kagat na laki na maihahambing sa sukat ng hinlalaki.[4][5][6]

Kung ihahambing sa karaniwang tikoy, ang tradisyunal na tikoy sa lalawigan ng Quezon ay hindi na kailangan pang prituhin bago kainin upang mapabuti ang textura. Karaniwang inihahain ito ng malamig galing sa palamigan. Ito ay napakalambot at matamis na maihahambing sa mochi ng Hapon. Kung ang tikoy ng Tsino at Hapon ay kadalasang halos tagusang puti, ang tikoy ng Quezon ay malalim na dilaw. [5][7][8]

Mayroon ding pinagdiriwang piyesta, na kung tawagin ay Tikoy Festival o Pista ng Tikoy ang bayan ng Macalelon, Quezon upang ipagdiwang ang kasaganahan ng tradisyunal na tikoy. Tampok dito ang mga tikoy Macalelon sa iba't ibang laki at uri.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Forbes, Jenalyn Rose (2021-02-19). "Quezon Tikoy". Pagkaing Pinoy TV (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-12-19. Nakuha noong 2023-12-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Tikoy Sa Anahaw - The Philippines Today" (sa wikang Ingles). 2022-08-15. Nakuha noong 2023-12-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. TagalogLang (2023-08-07). "ANAHAW: Tagalog-English Dictionary Online". TAGALOG LANG (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Sison, Jainey; Jainey (2018-02-06). "Special Quezon Tikoy Recipe". Mama's Guide Recipes (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Town, Team Out of (2021-03-21). "A Food Trip to Quezon Province: 12 Must-Try Delicacies for Foodies". Out of Town Blog (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Kai (2011-05-24). "bucaio: Sweet and Sticky in Quezon". bucaio. Nakuha noong 2023-12-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Lorenzo, Rainne (2017-07-31). "5 Pasalubong Stops to Make in Lucban". GoingPlaces.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-12-20. Nakuha noong 2023-12-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Backpacking Philippines: Zabala's Tikoy Especial in Lucena, Quezon". www.backpackingphilippines.com. Nakuha noong 2023-12-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)