Kalamay
Ang kalamay ay isang matamis na pagkaing Pilipino na gawa mula sa gatas ng bunga ng punong buko, asukal, pinulbos na mais, at galapong o harinang kasaba.[1] Marami itong mga baryante sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Mayroong Antipolo Kalamay, Bohol Kalamay at Candon Kalamay.[2] Ang Baguio Kalamay ay kilala rin bilang sundot kulangot.[2]
Ibang tawag | Kalamay |
---|---|
Kurso | Panghimagas |
Lugar | Pilipinas |
Rehiyon o bansa | Kabisayaan, Luzon |
Ihain nang | Mainit, temperatura ng silid, malamig |
Pangunahing Sangkap | Gata, malagkit, asukal na pula |
Baryasyon | Biko |
|
Ginagamit din ang kalamay sa iba't ibang tradisyunal na mga lutuing Pilipino bilang isang pampatamis,[3] kabilang ang suman at bukayo. Partikular na ginagawa itong pampatamis sa Carigara, Leyte.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
- ↑ 2.0 2.1 "The Endless Varieties of Kakanin - Page 6 of 10 - Ang Sarap". Ang Sarap (A Tagalog word for "It's Delicious") (sa wikang New Zealand English). 2019-09-09. Nakuha noong 2020-12-21.
- ↑ 3.0 3.1 Vicente Labro (2006-11-18). "'Kalamay'-making survives high-tech sugar mills". newsinfo.inquirer.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-02-22. Nakuha noong Enero 7, 2011.