Matamis sa bao

(Idinirekta mula sa Kalamay-hati)
Para sa ibang gamit, tingnan ang bao (paglilinaw) at sa bao (paglilinaw). Huwag itong ikalito sa sabaw.

Ang matamis sa bao, sa bao o kalamay-hati ay isang matamis na pagkaing Pilipino na gawa mula sa gatas ng bunga ng punong buko at asukal.[2] Hinahaluan din ito ng pulot o inuyat. Tinatawag din itong santan.[2]

Matamis sa bao
Isang garapon ng matamís sa bao mula sa Pilipinas
Ibang tawag
  • sa bao
  • kalamay-hati
  • santan
  • coconut jam
  • sekaya
  • seri kaya
  • srikaya
  • sangkhaya (Taylandiya)
  • cadé (Biyetnam)
  • 咖椰 (mga Tsinong komunidad)
  • siamu popo
UriPalaman, sawsawan
Rehiyon o bansaTimog-silangang Asya[1]
Kaugnay na lutuinMalasya, Singapura, Indonesya, Brunay, Pilipinas, at Taylandiya, Samoa
Pangunahing SangkapNiyog, asukal, itlog

Pilipinas

baguhin

Bukod sa matamis sa bao, tinatawag din itong matamis na bao o minatamis na bao. Naiiba ito sa mga ibang bersiyon sa Timog-silangang Asya dahil gumagamit ito ng kakanggata (ang una at ikalawang piga ng kinayod na niyog) at ekstrakto ng asukal sa tubo o pulot. Hindi rin ito gumagamit ng itlog, kaya malasirup ito sa halip na malakastard. Kadalasan, ginagawa itong palaman para sa tinapay o pandesal o ginagamit bilang palaman para sa pan de coco. Kapag hinalo ito sa galapong, ito ay nagiging kalamay, isang sikat na panghimagas.[3]

 
Sundot Kulangot, isang uri ng kalamay mula sa Lingayen

May mas malabnaw na bersiyon na gawa sa gata na kilala bilang latik, at ginagamit sa halip ng sirup sa iilang katutubong panghimagas sa Pilipinas.[4][5]

Indonesya, Malasya at Singapura

baguhin

Sa wikang Malayo, kaya ang salita para sa matamis na bao, na nangangahulugang mayaman, na tumutukoy sa tekstura ng pagkain. Tinatawag din itong srikaya. Sa Malasya, Indonesya at Singapura, makrema ang tekstura ng kaya.[6] Gawa ito mula sa kakanggata (kilala roon bilang 'santan') at mga itlog ng pato o manok, na pinalasa ng mga dahon ng pandan at pinatamis ng asukal. Nakadepende ang kulay ng kaya sa kulay ng mga apyak ng itlog, dami ng pandan, at kung gaano kakaramelisado ang asukal. Bilang isang sikat na palamang lokal, karaniwang ipinapalaman sa tinapay ang kaya para makabuo ng kaya toast at kinakain sa umaga, ngunit kinakain din sa maghapon. Matatagpuan ang kaya sa karamihan ng kopitiam at merkado sa gabi.

 
Malapitang larawan ng kaya mula sa Malasya na nagpapakita ng tekstura nito

Kabilang sa mga baryante nito ang nyonya kaya, na may mas mapusyaw na berdeng kulay, at Haynanes na kaya, na may mas maitim na kayumanggi na kulay at gumagamit ng karamelisadong asukal,[7] at kadalasang pinapatamis pa lalo ng hani.

Sa rehiyong ito, nilalahok din ang kaya sa ilang panghimagas kabilang dito ang pulut taitai o pulut tekan, isang panghimagas na gawa sa matamis na malagkit na kinulayang asul ng mga bulaklak ng pukingan (bunga telang), at pulut seri muka, isang kahawig na panghimas ngunit kinulayang berde dahil sa pagdagdag ng mga dahon ng pandan. Ginagamit din ito kasama ng malagkit upang magawa ng kuih seri kaya.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Hui, Siu-Ling (Abril 2004). Queen Victoria Market: History, Recipes, Stories (sa wikang Ingles). Wakefield Press. ISBN 978-1-86254-601-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  3. "Minatamis na Bao (Coconut Jam)". Kawaling Pinoy. Nakuha noong 18 Disyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Bisaya translation for "latik"" [Salinwikang Bisaya para sa "latik"] (sa wikang Ingles). Bisaya Translator and Cebuano Dictionary. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Agosto 2013. Nakuha noong 5 Hulyo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Nocheseda, Elmer I. (2004). "Palaspas Vernacular: Towards an Appreciation of Palm Leaf Art in the Philippines" [Bernakular na Palaspas: Tungo sa Pagpapahalaga sa Sining ng Palaspas sa Pilipinas]. Philippine Quarterly of Culture and Society (sa wikang Ingles). University of San Carlos. 32 (1): 31. JSTOR 29792546.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Julie Wong (3 Agosto 2014). "Kaya: A rich spread" [Kaya: Palamang mayaman sa lasa]. The Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Abril 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Garrad-Cole, Holly. "Kaya Coconut Jam: What it is and How to Make it". Fine Dinning Lovers. Nakuha noong 24 Setyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)