Tikoy
Ang tikoy (Lan-nang: 甜粿 tiⁿ-kóe) o nian gao (Tsino: 年糕; pinyin: niángāo; Jyutping: nin4 gou1) ay isang matamis at malagkit na kakanin ng mga Tsino na niluluto sa pamamagitan ng pagpapasingaw o pagprito rito.[1] Habang makakain naman ito sa buong taon, pinakasikat ito tuwing Bagong Taon ng mga Tsino. Kinokonsiderang swerte na kainin ang tikoy sa panahong ito ng santaon, dahil ang nian gao (年糕), ang pangalan nito sa wikang Mandarin, ay isang homonimo para sa "mas mataas na taon" o "tumangkad bawat taon" (年高), na nangangahulugang "isang mas maunlad na taon".[2][3] "Taon" ang literal na salin ng 年 (nián), at "keyk" naman ang literal na salin ng karakter na 糕 (gāo) at kabigkas sa karakter na 高, na nangangahulugang "matangkad" o "mataas".[2][4] Eksaktong homonimo rin ang nian gao (年糕) ng "malagkit na keyk" (黏糕/粘糕),[5] kung saan "malagkit" ang kahulugan ng karakter na 黏/粘 (nián).
Ibang tawag | Nian gao, ti kuih, Year cake, Chinese New Year's cake |
---|---|
Lugar | Tsina |
Rehiyon o bansa | Silangang Asya (Kalupaang Tsina, Hong Kong, Macau, at Taiwan) Timog-silangang Asya (Singapura, Malaysia, Kambodya, Indonesya, Myanmar, Pilipinas, Taylandiya at Biyetnam) Timog Asya (Sri Lanka) |
Baryasyon | Depende sa rehiyon (Kantones, Shanghai, Fujian, atbp.) |
Karagdagan | Kadalasang kinakain tuwing Bagong Taon ng mga Tsino |
|
Tikoy | |||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Tsino | 年糕 | ||||||||||||||
Kahulugang literal | taon keyk | ||||||||||||||
| |||||||||||||||
Alternatibong pangalang Tsino | |||||||||||||||
Tsino | 甜粿 | ||||||||||||||
Kahulugang literal | matamis na kuih | ||||||||||||||
|
Pinaniwalaaan na handog itong malagkit at matamis na meryenda sa Maykapal ng Kusina, upang mapuno ang kanyang bibig ng malalagkit na kakanin at sa gayon, hindi niya kayang siraan ang pamilyang tao sa harap ng Emperador ng Hade.[3] Kinakain din ito tuwing Pistang Duanwu.
Mula sa Tsina, kumalat ito at naging inspirasyon sa mga kahawig na kakanin sa mga bansa sa Timog-silangang Asya at sa Sri Lanka dahil sa impluwensiya ng mga Tsinong nangibang-bansa.
Isang Filipino bersyon din ng tikoy, na tinatawag ring Quezon tikoy, ang ginawa sa lalawigan ng Quezon. Hindi tulad ng karaniwang tikoy, ang variant na ito ay matamis at katulad ng Japanese mochi. Ang tikoy ay maaari ding kainin bilang sangkap sa panghimagas na tinatawag na turon, kainin na may kasamang sorbetes at tsokolate, o patungan ng kinayod na niyog at mani.[6]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
- ↑ 2.0 2.1 Fong, Mary (2000-01-01). "'Luck Talk' in celebrating the Chinese New Year" ['Usapang Swerte' sa pagdiwang ng Bagong Taon ng mga Tsino]. Journal of Pragmatics (sa wikang Ingles). 32 (2): 219–237. doi:10.1016/S0378-2166(99)00048-X. ISSN 0378-2166.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Roufs, Timothy G. (2014). Sweet treats around the world : an encyclopedia of food and culture [Mga matatamis na pagkain sa buong mundo : isang ensiklopedya ng pagkain at kultura] (sa wikang Ingles). Kathleen Smyth Roufs. Santa Barbara. pp. 79–80. ISBN 978-1-61069-221-2. OCLC 890981785.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link) - ↑ Lee, Josephine Tsui Yueh (2007). New York City's Chinese community [Ang Tsinong komunidad ng Lungsod ng New York] (sa wikang Ingles). Charleston, SC: Arcadia Pub. p. 33. ISBN 978-0-7385-5018-3. OCLC 154698918.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mcwilliams, Mark (2016). Food and communication : proceedings of the oxford symposium on food 2015 [Pagkain at komunikasyon : mga kaganapan sa simposyum oxford sa pagkain 2015.] (sa wikang Ingles). [S.l.]: Prospect Books. p. 232. ISBN 978-1-909248-49-6. OCLC 954105485.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Forbes, Jenalyn Rose (2021-02-19). "Quezon Tikoy". Pagkaing Pinoy TV (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-12-19. Nakuha noong 2023-12-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)