Timog Carolina

(Idinirekta mula sa Timog Karolina)

Ang Timog Carolina (Ingles: South Carolina /ˌkærəˈlnə/ KARR-ə-LIE-nə) ay isang estado sa baybaying rehiyon ng Timog-silangang Estados Unidos. Napapaligiran ito ng Hilagang Carolina sa hilaga, Karagatang Atlantiko sa timog-silangan, at Georgia sa timog-kanluran sa ibayong Ilog Savannah. Kasama ng Hilagang Carolina, binubuo ito ng rehiyong Carolina ng Baybaying Silangan. Ika-40 pinakamalaki ang Timog Carolina ayon sa laki at ika-23 mataong estado ng Estados Unidos na may natalang populasyon na 5,124,712 ayon sa senso ng 2020.[4] Noong 2019, nasa $213.45 bilyon ang GDP nito. Binubuo ang Timog Carolina ng 46 na kondado. Columbia ang kabisera nito na may populasyon na 137,300 noong 2020;[5] habang Charleston ang pinakamalaking lungsod na may populasyon na 150,277 noong 2020.[6] Ang Greenville-Spartanburg-Anderson, Pinagsamang Estadistikong Lugar na SC ay ang pinakamatao sa estado, na may populasyon na 1,487,610 noong 2020.[7]

Timog Carolina

South Carolina
Watawat ng Timog Carolina
Watawat
Opisyal na sagisag ng Timog Carolina
Sagisag
Palayaw: 
The Palmetto State (Ang Estadong Palmetto)
Bansag: 
Dum spiro spero
"Habang humihinga ako, umaasa ako"
Animis opibusque parati
"Nakahanda sa isip at yaman"
Awit: "Carolina"
"South Carolina on my Mind" (Timog Carolina sa aking Isip)
Mapa ng Estados Unidos na nakatampok ang Timog Carolina
Mapa ng Estados Unidos na nakatampok ang Timog Carolina
BansaEstados Unidos
Bago naging estadoLalawigan ng Timog Carolina
Sumali sa UnyonMayo 23, 1788 (ika-8)
KabiseraColumbia
Pinakamalaking lungsodCharleston
Pinakamalaking kondado o katumbas nitoGreenville
Pinakamalaking kalakhan at urbanong lugarGreenville (pinagsama at kalakhan)
Columbia (urbano)
Pamahalaan
 • GobernadorHenry McMaster (R)
 • Gobernador TinyentePamela Evette (R)
LehislaturaPangkalahatang Asambleya
 • Mataas na kapulunganSenado
 • [Mababang kapulunganKamara de Representante
HudikaturaKataas-taasang Korte ng Timog Carolina
Mga senador ng Estados UnidosLindsey Graham (R)
Tim Scott (R)
Delegasyon sa Kamara ng Estados Unidos6 Republikano
1 Demokrata
Lawak
 • Kabuuan32,020.49 milya kuwadrado (77,856.9 km2)
 • Lupa30,060.70 milya kuwadrado (77,856.9 km2)
 • Tubig1,959.79 milya kuwadrado (5,075.8 km2)  6.12%
Ranggo sa lawakika-40
Sukat
 • Haba260 mi (420 km)
 • Lapad200 mi (320 km)
Taas
350 tal (110 m)
Pinakamataas na pook
(Bundok Sassafras[1][a])
3,560 tal (1,085 m)
Pinakamababang pook
(Karagatang Atlantiko[1])
0 tal (0 m)
Populasyon
 (2020)
 • Kabuuan5,118,425[2]
 • Ranggoika-23
 • Kapal170.27/milya kuwadrado (65.74/km2)
 • Ranggo sa densidadika-19
 • Panggitnang kita ng sambahayanan
$50,570[3]
 • Ranggo ng kita
ika−41
DemonymTimog Caroliniyano
Wika
 • Opisyal na wikaIngles
Sona ng orasUTC– 05:00 (Silanganin)
 • Tag-init (DST)UTC– 04:00 (EDT)
Daglat ng USPS
SC
Kodigo ng ISO 3166US-SC
Tradisyunal na pagdadaglatS.C.
Latitud32°02′ N to 35°13′ N
Longhitud78°32′ W to 83°21′ W
Websaytsc.gov

Ipinangalan ang Timog Carolina kay Haring Carlos I ng Inglatera, na unang binuo ang kolonyang Ingles, na hinango ang Carolina mula sa Carolus na Latin para sa Carlos.[8] Noong 1712, nabuo ang Lalawigan ng Timog Carolina. Isa sa mga orihinal na Labing-tatlong Kolonya, naging real o royal na kolonya ang Timog Carolina noong 1719. Noong Digmaang Rebolusyonaryong Amerikano, naging lugar ang Timog Carolina ng pangunahing aktibidad sa mga kolonyang Amerikano, na may higit sa 200 malaki at maliit na labanan sa loob ng estado.[9] Ang Timog Carolina ay ang ikawalong estado na pinagtibay ang Konstitusyon ng Estados Unidos noong Mayo 23, 1788. Isang estadong nag-aalipin, ito ang unang estado na bumoto pabor sa paghihiwalay sa Unyon noong Disyembre 20, 1860. Pagkatapos ng Digmaang Sibil ng mga Amerikano, muli itong sumanib sa Unyon noong Hulyo 9, 1868.

Noong maaga hanggang kalagitnaang ika-20 dantaon, nagsimulang makita ang progresong ekonomiko sa estado habang maraming mga pagawaan ng tela at pabrika ang itinayo sa buong estado. Nakatulong ang kilusan sa karapatang sibil noong kalagitnaang ika-20 dantaon sa pagwakas ng segregasyon at legal na patakarang diskriminasyon sa loob ng estado. Nagpatuloy ang pagkakaibang ekonomiko sa Timog Carolina upang makuha ang bilis noon at mga kasunod na dekada pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong maagang ika-21 dantaon, nakabase ang ekonomiya ng Timog Carolina sa mga industriya tulad ng eroespasyal, agri-negosyo, pagmamanapaktura ng kotse, at turismo.[10]

Sa loob ng Timog Carolina mula silangan tungong kanluran ay ang tatlong pangunahing rehiyong heograpiko, ang baybaying kapatagang Atlantiko, ang Piedmont, ang Bulubunduking Blue Ridge sa hilagang-kanlurang sulok ng Kataasang Timog Carolina. Pangunahin ang klima ng Timog Carolina bilang mahalumigmig na subtropikal, na may mainit, mahalumigmig na tag-init at katamtamang tagniyebe. Sa mga lugar sa Kataasan, mayroon itong isang klimang kataasang subtropikal. Sa may silangang baybaying kapatagan ng Timog Carolina, naroon ang maraming latiang maalat at estero.

Mga pananda

baguhin
  1. Iniakma ang elebasyon sa North American Vertical Datum of 1988 (Hilagang Amerikanong Datum na Pahalang ng 1988).

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Elevations and Distances in the United States". United States Geological Survey. 2001. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 15, 2011. Nakuha noong Oktubre 24, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "QuickFacts: South Carolina" (sa wikang Ingles). United States Census Bureau. Nakuha noong Hunyo 23, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Median Annual Household Income". The Henry J. Kaiser Family Foundation. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 20, 2016. Nakuha noong Disyembre 9, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "2020 Census Data" (PDF). Census.gov (sa wikang Ingles). Abril 26, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "QuickFacts: Columbia city, South Carolina" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 11, 2019. Nakuha noong Nobyembre 6, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "QuickFacts: Charleston city, South Carolina" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 31, 2019. Nakuha noong Nobyembre 6, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Metropolitan and Micropolitan Statistical Areas Population Totals and Components of Change: 2020-2021". United States Census Bureau (sa wikang Ingles). Pebrero 24, 2022. Nakuha noong Agosto 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. N. C. Board of Agriculture (1902). A sketch of North Carolina (sa wikang Ingles). Charleston: Lucas-Richardson Co. p. 4. OL 6918901M.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Revolutionary War in South Carolina. Discover South Carolina. Nakuha noong Hulyo 15, 2022. (sa Ingles)
  10. 2019 Top Industries in South Carolina Naka-arkibo June 15, 2021[Date mismatch], sa Wayback Machine.. greerdevelopment.com. Nakuha noong Hunyo 14, 2021.