Pag-iimbak ng pagkain

(Idinirekta mula sa Tininggal)

Ang pagtitinggal[1] at pag-iimbak ng mga pagkain o preserbasyon ng mga pagkain ay isang proseso ng paghahanda at pangangalaga ng mga pagkain sa isang paraan na mapapanatili ang halaga ng mga ito bilang pagkain. Pangunahing dahilan nito ang layunin na mapigilan o lubos na mapigilan ang pagkasira o pagkapanis ng mga pagkain. Nakatutulong ito para maiwasan ang mga karamdamang makukuha mula sa mga sira nang pagkain. Ilan sa mga halimbawa ng prosesong ito ang paglalagay ng asin, pagpapalamig, pagluluto, o pagdedelata sa mga pagkain. May ilang mga metodo na gumagamit din ng mga may-kainamang mga bakterya katulad ng fungus at pampaalsa upang madagdagan ang katangian ng pagkain, at para rin mapanatili ang pagkain katulad ng ginagawa para sa mga alak at keso. Habang pinapanatili o nakalilikha ng halagang nutrisyonal, mahalaga rin ang tekstura at lasa sa pagtitinggal ng pagkain. Alinsunod ang mga ito sa mga gawi at kalinangang nakagisnan ng mga tao, kaya't magkakaiba ang pagtanggap ng tao kung ano ang tama sa isang kultura. Naaayon sa isang kalinangan kung ano ba ang pagkaing makakain at ang hindi makakain.

Iba't-ibang tininggal na mga pagkain.
Mga gawang-bahay na mga pagkaing kusilba o preserbado.

Bilang isang sining pantahanan

baguhin

Bago sumapit ang konsepto ng industriyalisasyon, komersiyalisasyon at pabrika ng mga pagkain, itinuturing na isang sining pantahan ang pagtitinggal ng mga pagkain na nakapagdaragdag ng kitang pananalapi sa tahanan. Isang sining ito na itinuturo sa mga batang kababaihan.[2]

Mga paraan ng pagtitinggal

baguhin

Kabilang sa mga paraan ng pagtitinggal ng pagkain ang pagtutuyo, pagtatapa, paghihilab[3] (o permentasyon), pag-aasin, pag-aatsara, at pagbobote ng mga lutuin.[2]

Mga maaaring preserbahin

baguhin

Maraming mga uri ng pagkain na maaaring gawing mga kusilba[4] o preserbado[5] (mga pagkaing napapatagal ang "buhay" o halaga bilang pagkain). Kabilang dito ang mga prutas at mga maseselang (mga delicacy, delikasi) na mga pagkaing tulad ng nata ng buko (nata de coco o coconut mold), nata ng pinya (nata de piña o pineapple mold), halayang bayabas (guava jelly), santol, kundol, atis, papaya, mabolo, kalamansi, at iba pang mga narangha (kahel, suha, dalandan, o dalanghita). Sa mga gulay, maaaring magpreserba sa pamamagitan ng pag-aatsara. Maaatsara ang mga sibuyas, pipino, koliplor[6], hilaw na mangga, at mga munggo (mga bean). Napapatagal din ang halagang pampagkain ng mga karne, katulad ng mula sa baboy at manok.[2]

Bukod sa mga minatamis, natitinggal din ang mga lutuing dinuguan, adobo, paksiw at mga itlog na pula.[2]

Mga lalagyan ng mga preserbado

baguhin

Nagagamit na sisidlan ng mga preserbadong pagkain ang mga lata at naibobote rin ang mga ito.[2]

Kalinisan at mainam na pamamaraan

baguhin

Mahalaga sa pagtitinggal ang gawi sa pagiging malinis. Sa tahanan, isang mainam na paraan ng paghahanda ng mga pagkaing preserbado sa gabi. Nagkakaroon ng mas mataas na antas ng resulta sapagkat wala nang mga langaw sa mga oras na ito; namamahinga na sa kanilang mga dapuan ang mga langaw at bangaw. Isa itong likas na kawalan ng mga nakaduruming mga kulisap tulad ng mga langaw at bangaw.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Preservation," pagtitinggal Naka-arkibo 2009-02-08 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 "Rural Home Industries, food preservation, pp. 131-132". Flavier, Juan M., "Doctor to the Barrios" (New Day Publishers). 1970.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ferment, fermentation, paghilab, panghilab, pangpahilab, pagbabago Naka-arkibo 2009-02-08 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  4. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Preserve, kusilba". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. English, Leo James (1977). "Preserba, pampreserba, preserbado, magpreserba, preserbahin, preserbado, preserbatibo, pampatagal". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. English, Leo James (1977). "Koliplor, cauliflower". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)