Wikipedia:Kapihan/Arkibo 7
Introduction
baguhinGreetings from Malay Language Wikipedia! I would love to see our language introduction in Tagalog. Can someone please translate this quote:
Want to know about Malay? The Malay language is of Austronesian stock, spoken mainly in the Malay Archipelago of Southeast Asia namely the countries of Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, Southern Thailand, the Southern Philippines and even as far as Christmas Island in Australia. The language achieved the status of lingua franca in the region during the height of the Malaccan Sultanate in the 15th and 16th century. As of late the importance of Malay as a language is being noted worldwide.
It will appear in Malay Language Abnormal introduction in the main page of Wikipedia Bahasa Melayu.
Thanks in advance! - Izzudin 200:100, 18 Disembre1111 (UTC)
Here is the translation to Tagalog:
Nais mong malaman ang tungkol sa Malay? Nasa pamilyang Austronesia ang wikang Malay, na pangunahing sinsalita sa Kapuluang Malay ng Timog-silangang Asya sa mga bansa ng Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, Katimugang Thailand, Katimugang Pilipinas at kahit pa ang Pulo ng Christmas sa Australya. Nakamit ng wika ang katayuang lingua franca o wikang malawak na ginagamit sa rehiyon noong panahon ng rurok ng mga Sultang Malacca sa ika-15 at ika-16 na siglo. Sa ngayon, kinikilala sa buong daigdig ang kahalagaan ng Malay bilang isang wika.
--Jojit (usapan) 00:51, 19 Disyembre 2007 (UTC)
“ | Nais mo bang malaman ang Malay? Nasa pamilyang Austronesia ang wikang Malay, na pangunahing binibigkas sa Kapuluang Malay ng Timog-silangang Asya sa mga bansa ng Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, Katimugang Thailand, Katimugang Pilipinas at kahit pa ang Pulo ng Christmas sa Australya. Nakamit ng wika ang katayuang lingua franca o wikang malawak na ginagamit sa rehiyon noong panahon ng rurok ng mga Sultang Malacca sa ika-15 at ika-16 na siglo. Sa ngayon, kinikilala sa buong daigdig ang kahalagaan ng Malay bilang isang wika. | ” |
- Corrections were to make sound more natural, and take note that sinasalita is mispelled as sinsalita. -- Felipe AiraWikipedyaKalidad 08:12, 19 Disyembre 2007 (UTC)
- Further corrections are listed below in italics (excluding lingua franca):
- Corrections were to make sound more natural, and take note that sinasalita is mispelled as sinsalita. -- Felipe AiraWikipedyaKalidad 08:12, 19 Disyembre 2007 (UTC)
“ | Nais mo bang malaman ang tungkol sa Malay? Nasa pamilyang Austronesyo ang wikang Malay, na pangunahing isinasalita sa Kapuluang Malay ng Timog-silangang Asya sa mga bansang Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, Katimugang Thailand, Katimugang Pilipinas at kahit pa sa Pulo ng Christmas sa Australya. Nakamit ng wika ang katayuang lingua franca o karaniwang wika noong panahon ng rurok ng Kasultanan ng Malacca sa ika-15 at ika-16 dantaon. Sa ngayon, kinikilala sa buong daigdig ang kahalagahan ng Malay bilang isang wika. | ” |
- These corrections try to also make it more natural (while more grammatically correct), as well as giving considerations to spelling, the use of native Tagalog terms and more simplified translations. --Sky Harbor 11:00, 20 Disyembre 2007 (UTC)
- Why is "katimugan" spelled as "katimogan"? I believe that "katimugan" is the correct term. I remember it from a past lesson in my freshmen years in the Filipino subject. It is called "mga pagbabagong morpoponemiko" (morphophonemic changes). This generally concerns the spelling changes when certain words are compounded. Example:
- pang + tawag = panawag
- Explanation: pang transformed to pan because it is followed by one of these letters: "d", "t", "r" or "s". Then "t" was ommitted.
- pang + tao = panao
- pang + tao + in = panauhin
- Explanation: same reason as above; "o" was changed to "u" due to a grammatical rule; "h" was added because "tao" is pronounced with an invisible "h" like /'ta.oh/; remember that there is no such thing as a suffix "hin".
- i + pang + bigay = ipamigay
- Explanation: pang was transformed to pam since it is followed by any of the following letters: "b" or "p".
- pang + bahay = pamahay (this is different from pabahay)
- laro + an = laruan
- kilos + an = kilusan
- pang + tawag = panawag
- Same should go with ka + timog + an (note that ka and an are not separate affixes; they are neither suffix nor prefix but a circumfix (tambalang lapi). So katimugan -- Felipe AiraWikipedyaKalidad 14:23, 20 Disyembre 2007 (UTC)
- Why is "katimugan" spelled as "katimogan"? I believe that "katimugan" is the correct term. I remember it from a past lesson in my freshmen years in the Filipino subject. It is called "mga pagbabagong morpoponemiko" (morphophonemic changes). This generally concerns the spelling changes when certain words are compounded. Example:
- These corrections try to also make it more natural (while more grammatically correct), as well as giving considerations to spelling, the use of native Tagalog terms and more simplified translations. --Sky Harbor 11:00, 20 Disyembre 2007 (UTC)
- Maligayang Pasko sa lahat!
- Tutal napag-uusapan naman ang "pan","pang" at "pam", tama po si SkyHarbor...ang "PAN" ay ginagamit :kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa "D,L,R,S at T"....ang "PAM" naman ay ginagamit kapag ang simula ay "B at P"...at ang "PANG" ay ginagamit kapag nagsisimula sa PATINIG (a,e,i,o,u) o sa mga natirang mga KATINIG(consonants). :) Ngunit paumanhin po SkyHarbor,hindi po tama ang "PANAO",dapat "PANTAO"...at Felipe,bisaya ka man dong? (joke lang po!) :D Squalluto 15:12, 21 Disyembre 2007 (UTC)
- Squalluto, reminder po na kailangang pumirma :). Ngunit tama ka sa ilang aspeto ng iyong pagpuna: ang panao ay para sa balarila lamang at pantao kung tungkol sa tao. Pinalitan rin ang katimogan sa katimugan batay sa mga pagpuna ni Felipe Aira. --Sky Harbor 14:58, 21 Disyembre 2007 (UTC)
- Hahaha! paumanhin po, matagal na kasing di-aktibo sa wikipedya,kaya nalilimutan ko nang maglagay ng tildes. :D Squalluto 15:12, 21 Disyembre 2007 (UTC)
- at ang ginagamit pa rin ng Malay Wikipedia ay ang naunang salin. --RebSkii 14:44, 22 Disyembre 2007 (UTC)
Burokrato at tagapangasiwa
baguhinSiguro kailangan nating magkaroon ng isang botohan para sa pagkakaalis ng kapangyarihan nina Brion VIBBER at Seav? Ito ay dahil napakatagal na nilang hindi ipinapaganap ang kanilang mga natatanging kagamitan. Kung gusto niyong, bumoto punta na lamang dito. Wikipedia talk:Mga Tagapangasiwa. Tandaan ang WP:NABALIK, Wikipedia:Nominasyon para sa Tagapangasiwa ng Wikipedia Tagalog at Wikipedia:Nominasyon para sa Tagatingin ng Wikipedia Tagalog. -- Felipe AiraWikipedyaKalidad 07:23, 23 Disyembre 2007 (UTC)
- Sa tingin ko, hindi natin matatanggal sa pagiging sysop si Brion VIBBER dahil lead developer siya ng MediaWiki software. Kay seav naman, sinabi niya noong nagkita kami sa Manila 3 meetup, na binigay na niya ang lahat ng responsilidad ng pagiging burokrato kay Bluemask. Pero sa tingin ko, huwag na natin siyang tanggalan ng karapatang burokrato at tagapangasiwa dahil magiging iisa na lamang ang burokrato dito sa Tagalog Wikipedia. At ikunsidera din natin ang desisyon ginawa sa English Wikipedia para sa mga hindi aktibong tagapangasiwa. (tingnan en:Wikipedia:Inactive administrators). Hindi sinusuportahan ng komunidad sa English Wikipedia ang pagtanggal ng karapatan sa mga tagapangasiwang hindi aktibo. --Jojit (usapan) 09:18, 26 Disyembre 2007 (UTC)
Mungkahi sa pagbabago
baguhinMayroon akong ginawang disenyo para sa unang pahina. Punta na lamang dito upang matanaw. User:Felipe Aira/Wikipedya:Pangunahing pahina. Bumoto sa User talk:Felipe Aira/Wikipedya:Pangunahing pahina. Para sa isang masmaayong Wikipedya! -- Felipe AiraWikipedyaKalidad 08:27, 23 Disyembre 2007 (UTC)
Bagong tagapangasiwa
baguhinIsang pamasko sa pamayanan ng Tagalog Wikipedia! Wikipedia:Nominasyon_para_sa_Tagapangasiwa_ng_Wikipedia_Tagalog --bluemask 13:33, 25 Disyembre 2007 (UTC)
"Marketing" Pamagat
baguhinMasaganang Bagong Taon sa lahat! Magpapatulong lang po sana sa pagpapalit muli ng pamagat ng "Marketing" mula sa kasalukuyang "Pagtitinda",ibabalik po sana uli sa "Marketing"...hindi ko po kasi alam kung papaano...hindi ako magaling sa ganung teknikal na gawain,hanggang copy-paste lang ako...heheeh....jojit...redskii...skyharbor...bluemask...*wink* *wink* (*pikit* *pikit*?) :D May sinubukan na akong "mahika" noong nakaraan na buwan,pero hindi umubra...Salamat po! Squalluto 18:13, 26 Disyembre 2007 (UTC) ayan may tildes na... :D
Oks na! nagawa ko din! :D Squalluto 16:20, 29 Disyembre 2007 (UTC)
Promosyon ng kalidad
baguhinBilang isang pansanggalang na tuntunin laban sa pagsira ng kalidad ng Wikipedia, at para na rin upang magbigay-diin sa halaga ng kalidad nito, nais kong magmungkahi ng isang programa para sa promosyon ng kalidad laban sa kantidad (o sa simpleng salita, quality versus quantity):
- Una, magkakaroon ng isang pahayag na ilalagay sa lahat ng pampahayagang lugar sa Wikipedia, tulad ng puntahan ng pamayanan at lalo na ang MediaWiki:Sitenotice.
- Ikalawa, iniimbitahan ko na ang lahat ng mga WikiProyekto na magsulong sa ngalan ng kalidad at 'di kantidad. Kahit kung maaari pang lumikha ng mga artikulo, dapat rin may pamayanang nag-uunlad at nagpapaganda ng mga artikulo.
- Ikatlo, nais kong idiin sa apat na manggagamit (maaaring tukuyin na mala-bot o hindi) na lumilikha ng mga artikulo (sina Wikiboost, Auto007, Booster Gold at Regenerate) na dahil mahalaga rin ang kalidad, at dahil sila ay tumututol (o baka'y tumutol) na sila'y mga bot, na pagandahin nila rin ang mga artikulong nilikha nila. Halos lahat ng kanilang mga ambag sa Wikipedia ay bumubuo lamang ng mga bagong-likhang artikulo at 'di sa paglawak, paglinis o pagsulong ng mga artikulo.
- Ika-apat, nais kong magmungkahi ng isang "smile campaign" upang ibigay-diin sa mga anonimong manggagamit na mahalaga ang kanilang mga ambag. Mula sa rito, magkakaroon ng dalawang paraan:
- Para sa mga manggagamit na gumagawa ng mga walang-kwentang artikulo (yung may bandalismo, may reklamo na wala ito, atbp.), sabihin natin sa kanila na makakatulong sila sa pagsulong ng Wikipedia sa pamamagitan ng pananaliksik at pag-ambag nila sa Wikipedia. 'Di ba, kapag nandoon na ang artikulong hinihiling nila, hindi na sila magrereklamo?
- Para sa mga manggagamit na gumagawa ng artikulong may infobox lamang sa kontento (tulad ng mga artikulong tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig), sabihin natin na mahalaga ang mga infobox, pero mahalaga rin ang kanilang konstruktibong ambag, tulad ng tunay na teksto na bumubuo ng talata, kahit kung ito ay salin lamang.
- Ikalima, upang maabot ang ika-apat na mungkahi, kailangan na nating magkaroon ng new user patrol at new article patrol, tulad sa Wikipediang Ingles.
- Ika-anim, kailangan natin ring magbigay-diin sa pagbabago ng mga nagawang artikulo. Maaari rin natin silang pagandahin sa halip na lumikha ng maraming bagong artikulo ngunit wala namang taong magsusulong nito.
- At ika-pito, kailangan na natin ng isang pamantayan tungkol sa mga iba't ibang terminolohiya na ginagamit dito sa Wikipedia (Silipin din o Tingnan din, bilang halimbawa).
Alam natin na mahalaga ang kalidad at kantidad sa anumang Wikipedia. Ngunit para sa atin at para sa mga mambabasa nito, mas mahalaga ngayon ang kalidad kaysa sa kantidad. Sana ito ay maging paksa ng isang mabungang usapan. --Sky Harbor 11:57, 27 Disyembre 2007 (UTC)
- Sang-ayon ako sa lahat ng nabanggit mo. Karagdagan pa nito, unahin na natin ang listahan ng mga artikulo na kailangan ng lahat ng wika. Mas marami pa ito sa subpage ni Bluemask: tingnan User:Bluemask/Core. Ito dapat ang prayoridad sa pagsasagawa ng mga de kalidad na mga artikulo. Pangalawa ang mga may kinalaman sa Category:Pilipinas dahil karamihan ng mambabasa ng Tagalog na Wikipedia ay mga Pilipino. Sakop na ito ng WikiProyekto Pilipinas. --Jojit (usapan) 01:09, 28 Disyembre 2007 (UTC)
- Sang-ayon ako sa lahat ng iyong sinabi sa pinakamariing paraan. Nawa'y huwag na tayong magbulag-bulagan na mas marami pa sa ating mga tinatawag na "Napiling Artikulo" ay mga artikulong saksakan ng baba ang kalidad upang matawag na isang "napiling artikulo". At karamihan pa dito ay mga usbong. Kapag pumindot ka nga ng Special:Random halos lahat ng matutungo mong pahina ay mga usbong. Mapalawig sana lahat ng kalidad ng mga artikulo. Para sa mas mataas na kalidad ng Wikipedya! -- Felipe Aira 14:35, 2 Enero 2008 (UTC)
- At kagaya nga ng sinabi ni Sky Harbor na pangangampanyang pampagngiti, inaanyayahan ko pa rin ang lahat na makilahok sa Wikipedia:WikiProyekto Pagbati. At kung pwede rin bumoto naman kayo sa WP:Wikipedya. -- Felipe Aira 04:24, 4 Enero 2008 (UTC)
Huwag nang magbulag-bulagan
baguhinSa matagal kong pag-iisip kung anong mas mahalaga kung ating bang susundin ang matagal ng kalinangan at tradisyon ng lahat ng Wikipedya patungkol sa sang-ayunan o ang pagtatanggi ng kahit anong burokrasya, patakaran at ng lahat habang para ito sa pagpapabuti ng ensiklopedya. Aking pinili ang nahuli, kaya tinatawag ko ang lahat na huwag nang magbulag-bulagan. Ang ating mga "napiling artikulo" ay saksakan ng baba sa kalidad. Kaya akin nang aalisin ang mga "napiling artikulong" ito mula sa talaan at lahat ng kaugnay nito na nagsasabi na ang mga ito ay mga "napiling artikulo". Sana ay hindi ako maharang sa mapangahas kong pagbabagong ito, at hindi mabalik ang mga pagbabagong ito. Mabuhay ang en:WP:IAR! Para sa mas mataas na kalidad ng Wikipedya! -- Felipe Aira 14:35, 2 Enero 2008 (UTC)
- WP:PAP na lang! Lokal na katumbas ng IAR. --Sky Harbor 15:08, 3 Enero 2008 (UTC)
Dami vs Kalidad
baguhinTalagang kalidad ang aking pipiliin. Ngayon bilang solusyon aking minungkahi sa Meta ang isang pag-iinspeksyon sa mga ip address ng apat (hindi lang pala tatlo) na malabot na manggagamit na iyon. At naniniwala akong mga bot talaga sila. Iba pa ito doon sa botohang aking minungkahi noong isang buwan. Dahil saksakan ng bagal ang ating proseso dito sa Wikipedya, minungkahi ko na lamang sa Meta ang isang check user query, kung saan ang mga katiwala (m:Stewards) ng Wikimedia ang mag-iinspeksyon ng mga IP nila. Imposible namang makagawa ka ng 2 hanggang 5 o 6 na artikulo sa loob ng isang minuto lamang kahit ang laman noon ay halos pare-pareho lamang ang laman at sobrang bilis ng iyong pakikipag-ugnayan sa Internet! -- Felipe Aira 04:24, 4 Enero 2008 (UTC)
- Mga kawi:
-- Felipe Aira 04:51, 4 Enero 2008 (UTC)
- I have published the results of the CheckUser check on meta. If you have any questions, don't hesitate to contact me on my meta user talk page. Thank you. --Dungodung 12:18, 4 Enero 2008 (UTC)
Hindi kapanipaniwala!
baguhinEto ang sabi ng isang katiwala sa Meta!
The findings are as follows:
- The same person is most definitely behind the following users: tl:User:Wikiboost, tl:User:Exec8 and tl:User:Fbangizm
- The same person is quite possibly behind users tl:User:Booster Gold, tl:User:Kct528, tl:User:Anjanette 23 and maybe tl:User:Seite0324
- The same person is most definitely behind tl:User:Auto007 and tl:User:Emir214
I hope this somewhat helps. --filip ⁂ 13:04, 4 January 2008 (UTC)
-- Felipe Aira 13:43, 4 Enero 2008 (UTC)
I would just like to add that these groups of users might have just edited from the same computer, but it is quite unlikely. That would mean that Wikiboost, Exec8 and Fbangizm accessed from the same computer, which would also stand for Auto007 and Emir214. Thanks. --Dungodung 13:45, 4 Enero 2008 (UTC)
- I can vouch for both Emir214 and Exec8 as being real users and not bots. The others I'm not so sure of. (Matutunayan ko na sina Emir214 at Exec8 ay tunay na manggagamit at hindi mga bot. Hindi ako sigurado sa iba.) --Sky Harbor 13:49, 4 Enero 2008 (UTC)
- Quite impossible and most unlikely if you would ask me. Unless they are roommates and are using the same computer. Which is very very impossible! But it is true Emir214 and Exec8 are not bots! -- Felipe Aira 14:27, 4 Enero 2008 (UTC)
- Hi! Unang-una, na-meet ko na ng personal si Exec8, kaya sigurado akong hindi sya isang bot. Pangalawa, posible kayang kaya nagkapareho ng IP address ang dalawa ay dahil sa sila ay nakikigamit sa isang common network na katulad ng, halimbawa lang, Smart Bro o kaya Globe Broadband? Bigyan kita ng isa pang halimbawa: gumagamit ako ng dial-up pag nasa bahay ako (Infocom ang ISP nya), at napatunayan ko na kapag hindi ako naka-sign in sa computer ko merong ibang mga tao rin na nag-eedit sa parehong IP address na alam kong hindi ako ang gumawa. Baka naman ganon ang nangyari kina Exec8 at Emir214 (na hindi ko pa nakikita, ngunit mapapatotohanan ko na hindi rin isang bot). Salamat. --- Titopao 23:02, 4 Enero 2008 (UTC)
- Teka muna bakit ako napunta dito! hindi na nga ako gaanong nag-contribute sa wikipedia mas lalo na sa Tagalog, nalaman ko ito sa Tambayan Philippines. Aking tinatanggi na ako ay bahagi ng malipulasyon ng bilang sa Tagalog wikipedia (hehe parang TV ratings???) May shared internet connection sa area namin. --- Exec8 00:47, 5 Enero 2008 (UTC)
- Mabuti naman kung ganoon. So malamang ay ganoon din ang nangyari kay Emir214. -- Felipe Aira 01:21, 5 Enero 2008 (UTC)