Tagagamit:Felipe Aira/Wikipedya:Pangunahing pahina
|
Patungkol · Magtanong
|
Mga pangyayaring panloob
mga pagbabalik-tanaw: para sa ragdag pang kaalaman sa pamayanan ng Wikipedya, pumunta sa
Mga WikiProyekto
Paggawa at Pagsasaayos ng mga Artikulo
|
Mga pangkat
|
|
Napiling artikulo
Ang Lungsod ng Maynila (Opisyal: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang kabiserang lungsod ng Pilipinas na isa sa 17 lungsod at munisipalidad na bumubuo ng Kalakhang Maynila. Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng Look ng Maynila na nasa kanlurang bahagi ng pambansang punong rehiyon na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Luzon, isa ito sa mga sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirahan ng humigit sa 19 na milyong katao. Ang Maynila, na sumasakop ng 38.55 na kuwadrado ng kilometro, ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Pilipinas, na may humigit-kumulang na 1.6 milyong kataong naninirahan. Pero ang kalapit na lungsod, ang Lungsod Quezon, ang dating kabisera ng bansa, ay mas matao. Ang kalakhang pook ay ang pangalawang pinakamalaki sa Timog-silangang Asya. Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hongkong, 2,400 na kilometro ang layo mula sa Singgapur at mas marami ng 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan mula sa Kuala Lumpur. Ang Ilog Pasig ang humahati sa lungsod ng dalawa. Sa depositong alubyal ng Ilog Pasig at Look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig. Napiling talaan
Talaan ng mga bansa at umaasang teritoryo ayon sa kapal ng populasyon sa mga naninirahan/km². Kabilang sa talaang ito ang mga soberanyang estado at mga teritoryong umaasa sa sariling-pamamahalang kinikilala ng Nagkakaisang Kaharian. Kabilang, ngunit hindi pinagsusunod-sunod, sa talaang ito ang mga hindi kinikilala ngunit de facto na malayang mga bansa. Batay ang estadistika ng sumusunod na mga tala sa mga pook na kabilang ang mga bahagi ng tubig na nasa loob ng lupain (mga lawa, mga imbakan, mga ilog). Taya noong Hulyo 2005 ang mga datos na kinuha mula sa United Nations World Populations Prospects Report (pagbabago noong 2004), maliban kung nilagayan ng tanda. Tandaan na taya lamang ang estadistika ng populasyon na hinati sa kabuuan ng lawak ng kalatagan at hindi dapat ituring bilang pananalamin sa kapal ng urbanidad o ipakita ang abilidad ng isang lupain ng teritoryo na suportahin ang pagtitirahan ng tao. Nakaitaliko ang mga pangalan ng mga teritoryong umaasa at kinikilalang estadong wala o limitado ang pamamahala sa kanilang nasasakupan. Napiling bidyo
Ang pugita ay isang cephalopod ng ordeng octopoda na naninirahan sa mararaming iba-ibang mga rehiyon ng karagatan, lalo na ang mga hanay ng mga baklad. Sa kalahatan, mayroong 300 kinikilalang mga uri ng pugita, na lagpas sa isa-ikatlo ng pangkalahatang bilang ng mga kilalang uri ng mga cephalopod. Napiling larawan
Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32. May-akda ng larawan: NASA Napiling tunog
|
Mga magagawa mo para sa Wikipedya
Alam mo ba?
Mga kaagapay na proyektong Wikimedia
Nagbibigay ng malayang daan sa kalahatan ng kaalaman sa buong daigdig, Wikipedya, ang malayang esiklopedya sa pakikipagtulungan ng Padron:Click sa pagpapatakbo ng Padron:Click sa tulong ng Padron:Click |