Wikipedia:Kapihan/Sinupan 14

Archive Isang arkibo ang pahinang ito. Paki-usap, huwag baguhin ang nilalaman nito.. Ilagay ang mga bagong komento sa kasalukuyang pahina ng usapan.

Mga katanungan sa pagsasalin

baguhin
Bumoto sa #Buod ng mga mungkahi

(Inihayag sa English Wikipedia, kaya ito ay nasa Ingles. Maaaring magbigay ng komento sa Tagalog.)

I can foresee that there will be issues on translating quite a few things between English and Philippine languages:

  • Street names, including addresses
  • Building names (ex. Eiffel Tower)
  • Country names

All three are quite contentious in ways where this basically elevates the (silent) translation debate a step higher. All three sets of proper nouns are usually in English, and in Tagalog/Filipino, despite having words that exist to describe them, they are rarely (if ever) used. For example, you would hear Ayala Avenue everywhere, but you will never hear Abenida Ayala in Tagalog or any other Philippine language. The same with the Eiffel Tower, but never the Toreng Eiffel.

With regard to country names, not all countries where there is a corresponding translation to the nationality (i.e. Danes for Danish, Suweko for Swedish, Tay for Thai) have a translation to the country itself (i.e. Dinamarka for Denmark, Suwesya for Sweden, Taylandya for Thailand [translations transliterated from the Spanish]). This is a very peculiar phenomenon upon our linguists who write our dictionaries and we should have some sort of consensus on this.

I agree that we are not all linguists, but at least we should have some consensus on this issue. Hopefully whatever comes out of this can serve as an effective guide not only to us but even to newbies and the like. --Sky Harbor 01:18, 26 March 2008 (UTC)

Sa tingin ko po, talagang dapat ituro ang pahina sa salin (natin) sa Tagalog. At gamitin sa pagtalakay sa katawan ng paksa ang salin (natin) nito sa Tagalog. Ngunit sa pambungad pa lamang ay dapat nang banggitin ang katumbas sa Ingles (lalo't karaniwang ito ang gamit kahit sa mga nakapaskel sa tarangkahan, sa kaso ng mga adres at pagmamarka ng mga kalye at abenida sa Pilipinas). Dapat ding banggitin ang mga baybay ng transliterasyon sa pambungad pa lamang. Isama na rin ang lahat ng bersyon nito sa Tagalog, transliterasyon man mula sa wikang Kastila o iba pa. Ganito po ang sinasaad ko sapagkat ito nga po sa tingin ko ang layunin ng Wikipediang Tagalog: ang magsa-Tagalog. Kung transliterasyon, kailangan po lang nating banggitin ang katumbas na pinagmulan ng pangalan. Madalas o pangkaraniwan mang gamitin ang mga katawagang banyaga, tulad ng Ingles, sa Pilipinas, dapat pa ring tumuro sa pahina at ituro sa babasa ang kapangalanang Tagalog ng pook, bansa, gusali, nasyonalidad at mga katulad. At kung bakit kailangan ang mga katumbas at transliterasyon, dapat pa rin po nating ituro sa mga mambabasa ng Wikipediang Tagalog ang tamang baybay ng mga pinanggalingan o katumbas sa ibang wika. Dapat po sigurong gamitin ang katawagan sa Tagalog kahit na hindi madalas marinig o gamitin. Maaaring tayo po, sa pamamagitan ng Tagalog na Wikipedia, ang maging daan para maging karaniwan ang mga katawagang ito. - AnakngAraw 23:27, 31 Marso 2008 (UTC)[tugon]
Pahabol po: kung hindi sigurado ang manunulat kung ano ang pangalan sa Tagalog, hayaan munang gamitin niya (pansamantala habang isinusulat ang pahina o artikulo) ang alam niyang tawag, at itama na lamang ng Wikipedista o ng tagapangasiwang nakakaalam ng tawag sa Tagalog. - AnakngAraw 23:45, 31 Marso 2008 (UTC)[tugon]
Para sa akin, sa tingin ko makakabuti kung gagamitin ang sumusunod sa pangkalahatang pagsasalin, hindi lamang ng mga lugar:
  1. Gamitin ang Tagalog na pangalan.
  2. Kung walang Tagalog na katumbas, gamitin ang Espanyol, tapos Tagalugin na lamang ang baybay. (Ventilador -> Bintilador; Corporacion -> Korporasyon; Embajada ->Embahada)
Ngayon bakit ko sinasabi ito kahit ito na ang karaniwan nating ginagawa. Kasi kailangan na natin ng isang mabisang patakaran o gabay para maiwasan ang paulit-ulit na mga debate. Ito ang unang iminungkahi ni Star. -- Felipe Aira 04:26, 1 Abril 2008 (UTC)[tugon]
May problema doon: ang layunin ng Wikipedia ay magbigay-espasyo sa lahat ng mga ideya na may walang kunsiderasyon sa ortograpiya. Dahil may consensus na ang Tagalog at ang Filipino ay magkaisa, paano naman ang mga pro-Filipino? --Sky Harbor 00:27, 3 Abril 2008 (UTC)[tugon]
Susundin po ang consensus, walang problema sa akin. - AnakngAraw 01:53, 3 Abril 2008 (UTC)[tugon]
Nasaan po ang consensus na iyon? -- Felipe Aira 02:17, 3 Abril 2008 (UTC)[tugon]

May iba pa ba kayong ideya kung ano ang dapat maging patakaran natin sa mga banyagang salita, at pook? Kasi nagiging patay na itong mahalagang usapang ito. -- Felipe Aira 13:24, 15 Abril 2008 (UTC)[tugon]

Para po sa akin, mas maganda kung pananatilihin na lang po ang orihinal na mga salita.--Adgaps 03:34, 6 Hulyo 2008 (UTC)[tugon]

Sa akin, mas naaangkop na gamitin ang mga pangalang Tagalog sa mga salitang nasa ibang wika. Ito'y sapagka't nasa Wikipediang Tagalog tayo. Mayroong iilang mga salita na hindi nga natin siguro maisasalin, para dito, tatlo ang aking maibibigay na payo - gamitin ang Kastilang salita't i-angkop sa Tagalog na baybayin, huwag isalin ang salita, o kaya naman, maghanap ng salitang Tagalog na maaaring maipalit para sa salitang di-maisalin. Ilan sa mga salitang aking tinutukoy ay ang mga salitang pang-agham, tulad ng photosynthesis, nuclear fusion, atbp. Kung may maibibigay na bagong salitang kapalit nito, dapat siguro ilagay sa parirala ang ibigsabihin ng kanyang inilagay na bagong salita. Dapat may basehan ang kanyang pagpili. --User: LakastibayBagsik 06:31, 15 Agosto 2008 (UTC)para sa ikauunlad ng Filipino[tugon]

Sang-ayon(2)

baguhin
  1. Bilang tagapagmungkahi
  2. Sang-ayon - para maiwasan na nga po ang pagkalito. Kung di sigurado ang Wikipedista, maaaring magtanong muna siya sa Kapihan. Dapat gumawa na rin talaga ng pahinang gabay para rito. - AnakngAraw 04:36, 1 Abril 2008 (UTC)[tugon]

Mungkahi

baguhin
  1. Nasa orihinal (hindi ko alam ang salitang ito sa Tagalog) na ngalan ang mga artikulo (hindi ko alam ang salitang ito sa Tagalog) tulad ng Serbia. Ang nakasulat sa artikulo ay nasa katawagang Filipino tulad ng Serbya na nakakawing sa orihinal na ngalan (Serbia). Gagawa ng mga pagreredirect (hindi ko alam ang salitang ito sa Tagalog) sa orihinal ang mga nasa katawagang Filipino (Serbya patungong Serba). Ganito rin ang maaaring gawin sa ibang Pilipinong Wiki. Ang kalakaran ng pagbibigay ng sariling katawagan (halimbawa: bansa) ay bigkas-Kastila at baybay-katutubo (sa panahon ng pamamayagpag ng wikang Kastila sa bansa, subalit hindi bigkas-English at baybay-katutubo o maging baybay-Filipino, sa kasalukuyan.) Ireserba (hindi ko alam ang salitang ito sa Tagalog) na natin ang "Abenida Ayala" (o Ayala Avenyu) sa Filipino Wiki, at gamitin ang mungkahing "Abenidang Ayala" o "Abenida ng Ayala" sa Tagalog Wiki. Ang ng kasi ay Tagalog na kan sa Bikol, sa (?) sa Cebuano, atbp. --Filipinayzd 16:09, 5 Mayo 2008 (UTC)[tugon]
Magiging bilang 6 iyan. Silipin sa ibaba. -- Felipe Aira 04:47, 6 Mayo 2008 (UTC)[tugon]

sa aking palagay ay kakaunti ang kakulangan ng wikang tagalog sa mga katumbas nito sa iba pang mga wika tulad ng inggles at espaniol.ang orihinal sa tagalog ay "tunay",sibol at siya na ngang dating anyonito.samantala ang artikulo ay maaaring maging paksa o usapin.ang re direct ay muling ayusin o bigyan ng bagong simulain dahil sa may mali sa naunang nailabas na paksa o usapin.ang ireserba ay maaaring bigyan ng daan o puwang sa paksaing ito.ang paggamit ng tagalog ay di pa lubus na nagagamit ng mga pilipino dahil nahumaling ang marami sa wikang inggles at kastila sa pagaakalang inferior o mababang uri ang sariling wika nating ito.ang wikang tagalog ay simple o payak subalit may lalim na wala sa ibang anyo ng ibang wika,kaya may pangyayari na ang isang salita ay paulit ulit na ginagamit subalit may kaibahan sa kahulugan.(NI dan magen elliseo) - —Ang komentong ito ay idinagdag ni Dan magen elliseo (usapankontribusyon) noong Hunyo 23, 2008.

Maaaring lumikha ng salitang tagalog na nakabatay sa pinaggagamitan nito.halimbawa ang museo ay wala sa tagalog subalit palagi siyang minamasdan kaya marahil ay maari siyang MASDANAN!Kaya ang ayala museum ay magiging MASDANANG AYALA! Ang "park" ay wala rin sa tagalog ngunit malimit itong pinapasyalan o pinagliliwaliwan,kaya matatawag nating LIWALIWAN ang "Park" kaya naman ang luneta park ay magiging LIWALIWANG LUNETA! Ang "eiffel tower" dahil ito ay matayog na di naman tutuong gusali ay maaaring tawaging "TAYUGANG IPPEL". (Willy) —Ang komentong ito ay idinagdag ni Willy agrimano (usapankontribusyon) noong Agosto 22, 2008.

hindi natin mailalagay ang wikang tagalog sa patakaran ng payak na wika.ang pagkakaroon nito ng ibat ibang anyo at dayong mga wika ay nagsasabi lamang na dapat ay buksan ang kalayaan ng ibat ibang uri ng anyo at pamamaraan ang paggamit ng luma ,bago at nilikhang mga wika sa mga pangungusap nito.Ang pag iral nito bilang standard tagalog,southern tagalog at binagong tagalog ay halimbawa ng maalon na anyo nito.kaya kapag ginamit ang dating salita,dayong salita at bagong salita sa anumang pangungusap sa pagbasang tagalog,lahat nang ito ay tama basta ang tunog o daloy ng pangungusap ay malinaw basahin at unawain. dan magen elliseo —Ang komentong ito ay idinagdag ni Dan magen elliseo (usapankontribusyon) noong Setyembre 13, 2008.

Buod ng mga mungkahi

baguhin

Sa tingin ko ito na ang lahat ng ating maaaring pagpilian. Pumili na lamang kayo ng numero para mabilis nang matapos itong usapang mahalagang-mahalagang hindi naman pinapansin. Kung sa tingin niyo ang nangungulang ang maaaring pagpilian magdagdag na lamang kayo. Para lamang sa mga pook/bansa ito dahil mangangailangan ng ibang hiwalay na patakaran ang iba pang mga salita kagaya ng sa Kompyuter. At ito rin ay para sa mga salitang walang katumbas sa Tagalog. -- Felipe Aira 08:31, 24 Abril 2008 (UTC)[tugon]

  1. Gamitin ang Ingles. Ito ay dahil lahat naman siguro ng maalam mag-Internet ay maaalam din nito. Ngunit ito ang Wikipedyang Tagalog, at hindi magbabago iyon. Magiging Taglish din ang Wikipedyang ito kung mangyari man.
  2. Gamitin ang Kastila. Hindi ito ang Wikipedyang Kastila. Magiging "Kastalog" o "Tagatila" tayo. (hal. Russia = Rusia; Germany = Alemania; Ireland = Irlanda; New Zealand = Nueva Zelanda; Ayala Avenue = Avenida Ayala)
  3. Tinagalog na Ingles. Palitan ang baybay ng sa Tagalog batay sa pagbigkas nito. Magiging Filipinong Wikipedya ito sa diwa. (hal. Russia = Rasya; Germany = Dyermani; Ireland = Ayrland; New Zealand = Nyu Siland; Ayala Avenue = Ayala Abenyu)
  4. Tinagalog na Kastila. Palitan ang baybay ng sa Tagalog batay sa pagbigkas nito. Eto ang kasalukuyang isinusunod ng karamihan ng mga artikulo. (hal. Russia = Rusya; Germany = Alemanya; Ireland = Irlanda; New Zealand = Nwebo Selanda; Ayala Avenue = Abenida Ayala)
  5. Tinagalog na Kastila at Tagalog kung may katumbas. Mangyayari ang nauna ngunit magiging "Abenidang Ayala" at "Bagong Selanda"
  6. Gamitin ang katutubong salitang ipinaghiraman. (hal. Russia = Rosiya; Germany = Deutschland; Ireland = Éire; New Zealand = New Zealand; Ayala Avenue = Abenidang Ayala)
  7. Tagalugin ang gagamiting katutubong salitang ipinaghiraman. (hal. Russia = Rosiya; Germany = Doytsland; Ireland = Era; New Zealand = Nyu Siland; Ayala Avenue = Ayala Abenyu)

Muli pumili lamang ng numero upang maging mabilis ang usapan. -- Felipe Aira 08:31, 24 Abril 2008 (UTC)[tugon]

KOMENTO: Ang lahat po na nabanggit ay maaaring gamitin sa Filipino....depende sa kung sasang-ayon ito sa salitang ginagamit. :) Salamat. Pasensya rin po kung hindi po ako gaanong nakakapagpalawig ng mga artikulo. Squalluto 16:44, 12 Mayo 2008 (UTC)[tugon]

Palagay ko tama si Squalluto dahil na rin sa kaalaman ng mga tagagamit. Basta mahalagang nakaturo ang lahat ng mga baybay at salin sa tamang pahinang may tanggap na pangalan. Ibigay ang lahat ng bersyon sa teksyo, bilang redirect, o sa pamamagitan ng seksyon ng ibang baybay, iba pang katawagan, at mga katulad. Tutal ensiklopedya naman ito. - AnakngAraw 06:25, 2 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Pagpili (Maaaring bumoto nang maramihan)

baguhin
Estadistika
Pagpipilian Bilang Bahagdan
1 (Ingles) 2 9.5%
2 (Kastila) 1 4.8%
3 (Tinagalog na Ingles) 2 9.5%
4 (Kastilang Tinagalog) 3 14.3%
5 (Kastilang Tinagalog, Tagalog) 7 33.3%
6 (Pinagmulang wika) 2 9.5%
7 (Pinagmulang wikang Tinagalog) 4 19%
  1. -- Felipe Aira - 5 at 7
  2. Filipinayzd 11:07, 26 Abril 2008 (UTC) - 5 dahil ito ang pinakalikas sa Tagalog. Ang ilan sa mga pinagpipilian ay ginagamit sa pagpapaunlad ng Filipino. Hiwalay ang pagpapaunlad ng Tagalog.[tugon]
  3. Mas gusto ko ang halo ng bilang 4 at bilang 5. Karaniwan na itong ginagamit: Bureau of Internal Revenue = Kawanihan ng Rentas Internas, bilang halimbawa. (Tandaan: DAPAT HINDI ITO BINDING) --Sky Harbor 20:58, 12 Mayo 2008 (UTC)[tugon]
    Talagang hindi ito binding, ito lamang ay isang gabay. -- Felipe Aira 08:58, 15 Mayo 2008 (UTC)[tugon]
  4. 1 at 5 - Ang mga tagalog, at sa pangkalahatan, ang buong bansa, ay sakop ng mga kastila ng mahigit tatlong sentenaryo at naging malaki ang impluwensiya ng wikang kastila sa tagalog, ang mga amerikano naman, gamit ang wikang ingles, ang nagpatupad ng mas maayos na sistema ng edukasyon sa bansa. --[[User talk:Rebskii|RebSkii]] 11:50, 22 Mayo 2008 (UTC)[tugon]

  5. 5,6,7 - Mas sang-ayon ako sa paggamit ng 7 dahil nasa Wikipediang Tagalog ito, yun nga lang, dahil sa ating nakasanayan na, inilagay ko ang 5. Ang anim ay aking inilagay dahil ito ang mas nakatatamang ilagay na salin kung wala talagang maaaring gamitin pang iba, at dahil ang ibigsabihin ng pangalan ay nawawala kung isinasalin sa ibang wika. Ito ay aking tanaw lang. --User: LakastibayBagsik 06:45, 15 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
  6. 3,4,5 at 7 - Hindi ko gusto maging Taglish ang wiki na ito. Kung kastillang wika man ang gamitin okay lang (kung meron). Estudyante (Pahina ng Usapan) 09:36, 17 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
  7. Lahat - tingnan ang tugon ko sa itaas. - AnakngAraw 06:26, 2 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
    Kung ganoon po sinasabi niyo pong bahala na ang manggagamit sa nais niyang gamitin? -- Felipe Aira 10:25, 3 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
    Sa palagay ay dapat na ganoon na nga. Subalit pakitandaan po lamang na ito ay opinyon ko lang batay sa mga nabasa kong mga tugong nauna kaysa sa pinakahuli kong kumento. Sa kasalukuyan, maraming nang gawi sa Pananagalog ngayon katulad ng maaari nating sabihing malalim na pananagalog, mababaw na pananagalog, at karaniwang pananagalog. Subalit mahalaga talaga na maikawing ito sa mga pahina ng mga tatawagin sana nating tunay at tamang katawagan sa wikang Tagalog. Sa gawing ganito, unti-unti nating maituturo sa mambabasa at sa ibang mga wikipedista (kapiling ang sumulat ng artikulo) sa tama at dapat na gamiting mga salita, pamagat at iba pa. Subalit, kapag iniligay natin ang lahat ng mga nasa itaas, dapat nating banggitin na higit na iminimungkahi pa rin ng ating Wikipedya ang paggamit ng tama at hustong Tagalog (tama at tanggap nating bersyon sa Tagalog) at pagbatay sa ortograpiya at panuntunan ng KWF. - AnakngAraw 03:32, 6 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
    Ang "pagtuturo", "pagpapanuto" o maging ang pagbabago natin (kung dapat) ng mga salitang nasa artikulo ang ating mga magiging trabaho bilang mga "Wikipedistang maka-tamang Pagtatagalog". - AnakngAraw 03:34, 6 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Komento

baguhin

Ang pagsasalin ng mga salitang tagalog at asyano sa tunug ng tagalog ay walang problema kapag isinulat sa alin mang paksa o artikulo.subalit kapag ginamit ang mga pangalan ng europeo at inggles ay nagiging iba na ang dating nito kapag ibinaybay sa tagalog na mga tunug,kaya naman mas mainam na manatili na ang mga pangalang dayuhan ay isulat sa dating forma at bagong forma sa tagalog para malinaw ang pagpapakilala nito at pagpapahayag.tulad ng eiffel tower ay maaaring manatili subalit may salin sa tagalog na gusaling eiffil.ang pagbabaybay sa tagalog ng iba pang ngalan ng tao o lugar ay natural lang dahil ang tunog nito ay halos magkakatulad naman.kung matatandaan ang baybaying tagalog ay isinusulat ng kulang subalit buo kapag binasa ay gayon din ang patakaran ng pagbabaybay ng iba pang mga salita,na bagamat kulang sa kapahayagan sa tagalog ay lubus naman sa pang unawa ng bumabasa.samatuwid,ang pang unawa ang paiiralin hindi ang pagkakaibaiba ng baybay(magkatulad naman sa tunug)! - —Ang komentong ito ay idinagdag ni Dan magen elliseo (usapankontribusyon) noong Hunyo 7, 2008.

Sinasabi niyo po bang huwag na nating isalin ang mga pangalan ng lugar? Ipinaalala ko lang po na kahit naiintindihan naman ng karamihan sa ating mga Pilipino ang mga katagang Ingles na orihinal, wala naman po tayong pakialam doon, ang pakialam lang po natin ay maging Tagalog hanggang maaari. Sa susunod po, huwag kalimutang lumagda upang malaman ng mambabasa na ikaw ang nagsulat, at ayusin po natin ang pagsulat upang madaling basahin ang inyong mga opinyon. -- Felipe Aira 07:30, 7 Hunyo 2008 (UTC)[tugon]

Ang panukala ko po ay isulat sa orihinal na wika bagu susundan ng pagkakabaybay sa tagalog para malinaw ang pagpapakilala ng tao o lugar.sa ganitong paraan ay magiging pamiliar ang bawt mambabasa sa bagong pagkakabaybay ng ngalan o salita o katawagan sa isang lugar o tao. (dan ellihseoh) - —Ang komentong ito ay idinagdag ni Dan magen elliseo (usapankontribusyon) noong Hunyo 7, 2008.

Maaari na sigurong ilagay sa Wikipedia:Mga kumbensyon sa pagsusulat ng mga artikulo ang mga napagkasunduan para maging mungkahing gabay. - AnakngAraw 06:03, 2 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Pahabain pa po; isa itong napakalaking bagong patakaran, at napakarami nitong babaguhin sa Wikipedya. Kailangan pa nito ng higit na maraming boto, at maging sa ngayon wala pa rin tayong maituturing na panalo kung saan halos lahat ay sumang-ayon dito. -- Felipe Aira 10:35, 10 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Consensus: Biyetnam, Kambodya, Indonesya at Singapura

baguhin

Sa iilang mga bagong artikulong isinulat dito sa Tagalog Wikipedia, tumaas nanaman ang isyu ng mga pangalan ng mga bansa sa Timog-silangang Asya. Ano na kaya ang magagawa natin dito? Iilan dito ay may basehan (hal. ang Biyetnam ay nagmumula sa Biyetnames, na inimbento ng mga lingguwistiko para sa "Vietnamese"), iilan ay may basehang kuwestiyonable (hal. ang Singapura ay hiram sa Malay at Indones, kung saan sila ay may bihirang impluwensiya sa Tagalog) at iilan ay wala (hal. ang Kambodya). --Sky Harbor (usapan) 08:23, 23 Hunyo 2008 (UTC)[tugon]

Kagaya ng inilagay sa itaas. Ibaybay sa Tagalog ang Kastila. Marami po tayong katutubong salitang mula sa Malay kagaya ng payong, salita atbp. -- Felipe Aira 12:34, 24 Hunyo 2008 (UTC)[tugon]
Sa Ingles na anyo pa rin ako, hehehe ewan ko ba, pasensya na po sa mga purist at modernist bilingual ako. Pero hindi ako sang-ayon na ang wikang Bahasa (Indonesia at Malaysia) ay bihira ang impluwensya sa Tagalog, malapit na kamag-anak ito ng ating wikang Tagalog at nabibilang sa pamilyang Malayo-Polynesian. Rebskii 07:29, 5 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
UPDATE: Pakitingnan po ang usapan sa mga salin ng mga bansa sa Talk:Talaan ng mga bansa#Bagong salin ng mga bansa. --Sky Harbor (usapan) 09:23, 27 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
Maaari na sigurong ilagay sa Wikipedia:Mga kumbensyon sa pagsusulat ng mga artikulo ang mga napagkasunduan para maging mungkahing gabay. - AnakngAraw 06:03, 2 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Kailangan na ring itama ang mga nasa Talaan ng mga bansa batay sa Talk:Talaan ng mga bansa#Bagong salin ng mga bansa. - AnakngAraw 06:04, 2 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Ipinararating ko lamang na isinanib ko ang mga nakalagay na bansang may sanggunian mula sa Talk:Talaan ng mga bansa sa loob ng artikulong Talaan ng mga bansa. Kung may panahon ang sinuman, tumulong lamang kung ibig para sa patuloy na paglilinis at pagsasaayos ng pahinang iyon. Salamat. - AnakngAraw 04:42, 8 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Salin ng "airplane" at "aircraft"

baguhin

Sana, kung may salitang abyon para sa aircraft, iyon na lang ang gamitin natin. Pero, dahil hindi ito hiniram ng Tagalog/Filipino, at dahil dalawa naman ang ating salita para sa airplane (ang hiniram na eroplano at inimbento na salipawpaw), baka magagawa natin ito para sa mga susunod na artikulong tungkol sa abyasyon:

  • Panatilihin ang airplane bilang eroplano
  • Ang salipawpaw ay gagamitin bilang aircraft. Sa kasalukuyan, ang salipawpaw ay eksklusibong ginagamit ng Hukbong Himpapawid at ng Aerospace Cadets of the Philippines (as in ang CAT ng Hukbong Himpapawid).

Kahit kung hindi pa masyadong napaunlad ang mga artikulong may kaugnayan sa abyasyon, baka magagamit natin ito para sa pangkinabukasang sanggunian. --Sky Harbor (usapan) 12:59, 14 Hulyo 2008 (UTC)[tugon]

Sumasang-ayon ako dahil iyon naman ang totoong kahulugan ng "salipapaw" (sasakyang lumilipad sa himpapawid) (vehicle flying in the sky). -- Felipe Aira 10:31, 15 Hulyo 2008 (UTC)[tugon]
  • Sang-ayon ngunit gawan ng artikulo ang salipawpaw at lagyan ng kawing ang lahat ng mga pagbanggit nito.--Lenticel (usapan) 06:02, 4 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
  • Tutol sa "salipawpaw", kailangan ng sanggunian na ginagamit nga ang salitang ito. Maari namang gamitin ang sasakyang panghimpapawid para sa pangkahalatang katawagan na aircraft at eroplano sa natatanging katawagang airplane. Ginagamit ang sasakyang panghimpapawid sa mga patalastas na Tagalog ng Cebu Pacific. --bluemask 10:46, 4 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
    Ito ay dahil hindi purista ang Cebu Pacific at ang kanilang mga kliyente. -- Felipe Aira 10:54, 4 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
    Ngunit may punto ang Cebu Pacific sa mga salitang kanilang ginamit, hindi lahat ng gumagamit o mambabasa ng Tagalog Wikipedia ay mga purista. Isipin natin na ang layunin ng ensiklopedia ay ang makapaglahad ng kaisipan. Sa pangkahalatang gamit, papanig ako sa salitang (o mga salitang) nauunawaan ng nakakarami kasya sa salitang ("pilit" o "likha") isina-Tagalog na iilan lang ang nakakaunawa. Ngunit, maari din namang gamitin ang mga likhang salita kung may patunay na ginagamit nga ang mga ito at malinaw na nakalahad ang pinagmulan at katuyuan ng salita sa artikulo. --bluemask 10:05, 5 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
Pwede din namang gumawa tayo ng redirect. Salipawpaw o sasakyang panghimpapawid ay pwede para sa akin bilang redirect. Dapat lamang mayroon tayong paglilinaw tungkol sa etimolohiya ng salita sa lede.--Lenticel (usapan) 23:25, 4 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Mga problematikong Wikipedista/Mga Wikipedistang dapat alalayan

baguhin

Ikalawang ulit ko na po ito hinarap sa pamayanan. Paano kaya ang gagawin natin dito? PS. Lahat ay inaanyayahang makilahok sa usaping ito. Kung hindi niyo po siya alam, silipin niyo na lamang po ang kanyang mga artikulo at ambag. -- Felipe Aira 10:21, 2 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Ayusin na lamang ang mga artikulong ginawa niya. Kung walang makakapagbago sa loob ng isang palugit (siguro mga isang linggo), burahin na lamang. Tungkol naman kay Willy, bigyan natin siya ng huling babala. Kapag hindi niya pinansin sa isang palugit, harangin na siya. Siguro patas na iyan. Siya nga pala, ano naman ang gagawin natin sa tagapag-ambag na paiba-iba ng IP (na kadalasang nagsisimula sa 125, isa na dito ang IP na 125.60.241.242). Hindi rin maayos ang pag-ambag niya dito. Puro mga talaan lamang na mukhang orihinal na saliksik (katulad ng Talaan ng mga sandata ng Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig). Buburahin ba rin natin? Haharangin ang IP? --Jojit (usapan) 13:43, 4 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
Tumututol po ako sa paghaharang dahil sigurado po akong hindi lamang isang tao ang gumagamit niyon, at nakakatulong din naman ang IPng iyon sa pagtatama ng mga pagkakamali sa pagtitik. Sumasang-ayon sa pagbura ng mga Talaan ng mga armas ng hukbong katihan ng blah blah blah at iba pang Talaan ng mga armas, tanke at kung ano man maliban na lang kung mapatunayan niya/nila ito. -- Felipe Aira 12:50, 7 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
Ibinabawi ko ang sinabi ko. Kabanggit-banggit naman ang mga iyon, at marami ring sayt na maaaring pagsanggunian ukol dito. Naghanap ako sa Windows Live at marami akong nakita. -- Felipe Aira 09:05, 9 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

inalis ko yaang nakabalandrang pangalan .di nyo na ho kailangan harangin ang pagpapadala ko.ano bang magagawa ko kung hindi pumasa ang format ko.wag nyo lang idiin yaang pangalan ko.willy —Ang komentong ito ay idinagdag ni Willy agrimano (usapankontribusyon) noong Agosto 17, 2008.

Mga kaibigang Wikipedista, pakitingnan po ang pagbabago sa mga gawa ni Ginoong Willy. Kapansin-pansin na uminam po ang kaniyang gawa. Alalayan po natin at unawain siya upang maging mas mahusay siyang manunulat sa ating payak na Wikipedia. Tingnan po ang aking opinyon sa kaniyang pahina ng usapan. Salamat po. Nararamdaman ko pong masigasig siya sa pag-aambag at sa kagustuhang tumulong sa pagpapatuloy na pagbubuo ng Tagalog na Wikipedia. - AnakngAraw 05:02, 18 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Hanay ng direksyong IP

baguhin

Sa mga mapagbantay sa ating mga Special:RecentChanges, kilala niyo naman siguro ang IP nating mahilig gumawa ng mga artikulo tungkol sa talaan ng mga sandata at iba pang digmaan. May pakiramdam akong nambabago lamang siya sa Wikipedyang ito upang hasain ang kanyang Tagalog. Nangangahulugang maaaring hindi siya katutubo sa wikang Tagalog kaya hindi siya makasagot sa kanyang usapan, at ganito (http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Labanan_sa_Hilagang_Cotabato&diff=268468&oldid=268380) ang artikulo niya. Sa tingin niyo?

Napuna ko rin po ito. Makatutulong po kung kahit papaano ay malagyan ito ng interwiking Ingles, upang maging madali ang pagsasaayos ng mga artikulong iniambag niya. - AnakngAraw 05:09, 18 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Bagong Kategorya sa Pagka-Napiling Artikulo

baguhin

Dahil sa pagkakalikha ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008, mukhang kailangang simulan ang isang uri ng matatawag na "kategorya" na nasa ilalim ng "Napiling Artikulo" (maaaring bukod din). Tila dapat mayroon tayong "Napapanahong Artikulo", bukod sa ating normal o regular na Napiling Artikulo lamang. Ano sa tingin ninyong lahat? - AnakngAraw 18:41, 4 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Gawin na po sana agad ito dahil nariyan na't pasapit na ang mga palarong Olimpiko ng 2008. - AnakngAraw 06:27, 5 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
Hindi po ba sapat ang Kasalukuyang Kaganapan sa Unang Pahina?, tutol ako sa panukalang ito kung idadagdag sa unang pahina, pero kung gagawa lang ng kategorya para dito ok lang, kailangan lang i-update pagtapos na kaganapan at 'yun nga lang mababakante ang katergoryang ito kapag walang bagong artikulo na napapanahon gaya ng nabanggit na hindi laging mayroon nito, at mawawalan nang nilalaman ang kategorya kung walang bagong artikulo na may patungkol sa kasalukuyang pangyayari. --Rebskii 07:53, 5 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
Naniniwala rin po akong sapat na ang Kasalukuyang Kaganapan natin para sa pagbabalita. -- Felipe Aira 06:39, 7 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Mungkahi sa Suleras:Usbong

baguhin

Maaari po sigurong tulad ng nandito (tingnan po ang nasa bahaging: Rendu dans les articles) ang maging mga template (suleras) na pang-stub (usbong) natin. Para mas makaengganya at magkaroon ng interaksyon ang mga patnugot at mga mambabasa. Magiging hudyat din ito sa sinumang patnugot at tagapangasiwa, kapag may nagkumentong mambabasa, na dapat nang painamin ang artikulo, at malalaman natin kung ano dapat unahing ilagay sa pahina ng artikulo. Medyo "matabang" ang kasalukuyang suleras na Template:Stub. Salamat po. - AnakngAraw 21:06, 6 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Mabuting mungkahi. Sumasang-ayon po ako sa paggamit nito dito. Susubukan ko na po itong gawin. (Sa wakas, nabigyang halaga na rin ang pag-aaral ko ng Pranses! heheh) -- Felipe Aira 06:48, 7 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
Maraming salamat, Ginoong Felipe. Napakabilis ng iyong tugon na may kasiglahan. Mabuhay ka! - AnakngAraw 06:51, 7 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Eto na!   Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.   Ang lathalaing ito na tungkol sa Katagalugan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito. Ang una ay ang walang ibinibigay na parameters ang sunod ay {{stub|Katagalugan}}. Ang mangyayari ay ilalagay kung tungkol saan ang usbong sa mga parametro. Pinakamaraming maaaring ibigay ay tatlo. Ang nangyayari riyan ay kapag nilagay ang "Katagalugan" kinukuha ng suleras ang larawang nakalagay sa Template:Stub/Katagalugan. Mangyayari kailangan gawan ng subpahina sa Template:Stub ang bawat kaugnayang paksa. Parang itong {{stub|Pilipinas|Katagalugan}} Kung saan kumukuha ang suleras ng mga larawan mula sa Template:Stub/Pilipinas at Template:Stub/Katagalugan. Ayos ba? -- Felipe Aira 09:42, 7 Agosto 2008 (UTC)    Ang lathalaing ito na tungkol sa Katagalugan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.[tugon]


Nakita mo na ito sa English Wikipedia? en:Template:Asbox --bluemask 15:13, 7 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Ngayon lang. -- Felipe Aira 07:17, 8 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Mga patakaran sa pagpapaksa

baguhin

Sa tingin ko po kailangan natin ng ganito. Iminumungkahi kong kung ang artikulo ay tungkol sa Wikang Tagalog gawing {{stub|Katagalugan|wika}} dahil wala namang sariling bandila ang wikang iyon. Kung mga tao naman, ang bandila ng kanilang kinalulugaran. At ang mga pagkakasunud-sunod ng mga parameters ay kailangang alpabetiko. -- Felipe Aira 09:49, 7 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

At opo, kung gagawa kayo ng subpahina para sa mga paksa, gumawa kayo sa Template:Stub/pangalan ng paksa. Ilagay niyo roon ang larawang papupuntahan. Pagbasehan ang Template:Stub/Pilipinas, at isa pa nga pala para sa kadalian ang gagawin ninyong subpahina ay dapat nagsisimula sa malaking titik Template:Stub/'''P'''elikula. -- Felipe Aira 10:01, 7 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Sa mga Template:Stub-pelikula, Template:Stub-Pilipinas atbp., pakitulungan po akong palitan ang nilalaman nila sa {{stub|Pelikula}} atbp. At gumawa na rin ng mga subpahina. -- Felipe Aira 10:02, 7 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Upang malaman kung anu-ano na ang mga nagawang subpahina: http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Special%3APrefixIndex&from=Stub%2F&namespace=10 . Para makakuha naman ng mga larawan: commons:Category:Icons by subject. -- Felipe Aira 10:26, 7 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Paggamit ng bot

baguhin

Kasalukuyan ko pong ginagamit si User:AiraBot (Mga ambag) para maipaksa ang lahat ng mga nasa Category:Taon, mamaya gagawin ko po ang sa Category:Araw, may iraragdag pa po ba kayo? -- Felipe Aira 12:04, 8 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Tapos na ang taon. Tinatapos na ang mga araw. -- Felipe Aira 13:02, 8 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Tapos na ang mga araw. Kasalukuyang gagawin ang mga lungsod, prefecture at iba-ibang bagay na ginawa ni Wikiboost. -- Felipe Aira 04:38, 9 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Tapos na ang komiks. -- Felipe Aira 10:23, 14 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Estadistika

baguhin

Sa kung sino mang interesadong malaman kung sinu-sino na ang mga nakapag-ambag sa paggawa ng mga Napiling Artikulo, pakisilip itong Wikipedia:Mga napiling artikulo/Estadistika. -- Felipe Aira 12:04, 8 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Baka nais niyo ring makita itong en:Wikipedia:Tambayan Philippines/Statistics, na tungkol naman sa mga pinakamaambaging manggagamit sa mga Pilipinong-wikang Wikipedya. -- Felipe Aira 10:22, 14 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Betawiki update

baguhin

Salitang Tagalog para sa "user"

baguhin

Pinalitan ko ang mga pagbabago na ginawa kamakailan lamang ni Ginoong Felipe Aira sa MediaWiki. Tungkol ito sa salin ng saltang "user" sa Tagalog. Pinalitan ko na lamang ito ng salitang "gumagamit" (Sanggunian: Disyunaryo ni Leo English at ito) Napaliwanag ko na ito dati ngunit uulitin ko na rin: hindi angkop ang salitang "manggagamit". Una, hindi ito Tagalog na salita, Bisaya ito. (Tingnan ito at ito). Maaaring maging Tagalog ang "manggagamit" dahil may unlaping "mang-" naman ang Tagalog ngunit iba ang magiging kahulugan nito. Negatibo ang dating kapag tinawag kang "manggagamit" na maaaring nangangahulagang na isa kang abusado o namamantalang tao. Tungkol naman sa salitang "tagagamit", sinasabing wala daw ganitong salita sa Tagalog. Ngunit ginagamit ito ng Moodle sa kanilang sayt. (Tingnan ito). Bagaman ginagamit kadalasan ang unlaping "taga" na pantukoy sa pinagmulan (i.e. taga-Quezon, taga-ilog), maaari din namang gamitin ito bilang kung ano ang ginagawa ng isang tao o bagay (i.e. tagapunas, taga-aliw). Hindi ko mahanap sa mga diksyunaryo ang salitang "tagagamit" ngunit hindi pa rin natin masasabi na hindi ito salita. Una, ginagamit ito ng iba katulad ng Moodle. Pangalawa, nasa diksyunaryong Tagalog ang mga salitang "taga-" at "gamit". Samakatuwid, maaaring gamitin ang salitang "tagagamit" na nangangahulugang taong gumagamit. Pero kung hindi pa rin kayo kumbinsido na gamitin ang "tagagamit", gamitin na lamang ang "gumagamit" dahil nasa diksyunaryo ito. --Jojit (usapan) 02:18, 12 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

-Kaya po tagagamit ang ginamit sa Moodle ay dahil isang pangkaraniwang pandiwa rin ang "gumagamit" at nakakalito lalo na sa teknikal na mga manwal dahil palagi ginagamit ang salitang "gumagamit" na tumutukoy sa paggamit sa halip na taong gumagamit. May konotasyon din po ito ng pagiging adik :-).-matangdilis 03:28, 12 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
Sa pananaw ko po dapat ay tagagamit ang ating gamitin, huwag po ang gumagamit at huwag din po sanang manggagamit. Dahil po sa pang-araw-araw na pakikipag-usap ko po sa ibang tao, sa labas ng mundo ng Wikipedia, tagagamit (walang gitling o meron man) po ang aking gamit na salita. May masama nga po talagang pakahulugan ang manggagamit, halimbawa: manggagamit ng tao (sa masamang kahulugan) at ang gumagamit ay may pakahulugan ngang kumukunsumo ng pinagbabawal na gamot. Kaya po dapat sana tagagamit [kung maaari walang gitling] po ang ating gamitin. - AnakngAraw 04:16, 12 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
O sige, ginawa ko muna siyang "tagagamit" (na walang gitling dahil tama ka at katinig ang umpisa ng salitang-ugat). --Jojit (usapan) 05:44, 12 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Sa palagay ko may kaibahan ang taga gamit lang.may salita kayong taga ambag.Di kaya maaring gamitin din ang taga gamit/ambag? ang taga gamit ay maaring bumabasa lamang,samantala ang taga gamit/ambag ay bumabasa at nag aambag sa paksa. Willy —Ang komentong ito ay idinagdag ni Willy agrimano (usapankontribusyon) noong Agosto 19, 2008.

Bagong pahina kaugnay ng Alam Ba Ninyo?

baguhin

Magandang araw sa lahat. Nilikha ko po ang pahinang Wikipedia:Paghahanda at mga mungkahi para sa Alam Ba Ninyo para kung sakaling mayroong ibig makilahok na ibang patnugot sa paghahanda at pagmumungkahi ng mga bagong artikulong magagamit sa Alam Ba Ninyo?. Maaari pa pong painamin o gumawa ng pagbabago kung ibig. Salamat po. - AnakngAraw 20:22, 13 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Magaling, AnakngAraw. Saludo talaga ako sa iyo. Iyan ang kulang sa Tagalog na Wikipedia, mga project namespaces. At siyempre salamat din kay Ginoong Felipe Aira sa kanyang paglikha naman ng mga karagdagang project namespaces para sa mga Napiling Artikulo. Ipagpatuloy ninyo yan. --Jojit (usapan) 07:38, 14 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Manual for new and small Wikipedias

baguhin

Hello, at Meta there are pages created to help new and small Wikipedias: Manual and Wikipedia and help pages. You are welcome to have a look and comment. Kind regards --Ziko 23:03, 15 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Bot flag for Luckas-bot

baguhin
  • Operator: Luckas Blade
  • Automatic or Manually Assisted: Automatic
  • Programming Language(s): Python (Pywikipedia framework)
  • Function Summary: Interwiki
  • Bot with flag: 43 wikis

Thanks. Luckas Blade 21:53, 18 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Need test edits first. --bluemask 11:44, 20 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Pagbabalik ni Wikiboost

baguhin

Mga wikipedista! Aktibo nanaman si Wikiboost! Ngayon gumagawa naman siya ng mga artikulo tungkol sa mga kolehiyo ngunit ngayon kahit papaano mas malawak na ang mga ghnagawa niyang artikulo. Bigla ko na lang itong napansin ngayon sa aking cellphone habang sinisilip ang mga huling binago. Ano kayang gagawin natin tungkol dito? Ipapatupad ba natin ang iminungkahi ni Lenticel noong Enerong pagbabawal kina Wikiboost sa paggawa ng mga bagong pahina? -- Felipe Aira 06:01, 24 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Mukhang ayos naman ang mga nilalaman ng mga artikulo niya. Kaya lang may mga dapat isalin sa Tagalog. Iyon lang ang puna at kumento ko sa ngayon. - AnakngAraw 05:41, 24 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
Bilang karagdagan, nararapat lamang sigurong hilingin kay Wikiboost na gawing ganap ang Pananagalog para sa kaniyang mga ambag. - AnakngAraw 19:38, 24 Agosto 2008 (UTC)[tugon]