Abenida Ayala
Ang Abenidang Ayala o Ayala Avenue sa Ingles ay isang abenida sa Makati, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Pinagdadaanan nito ang puso ng Distritong Sentral ng Negosyo ng Makati (Makati Central Business District o Makati CBD) ng Makati. Dahil maraming mga negosyo ay nakahimpil dito, itinuturing ang Abenida Ayala bilang Wall Street ng Pilipinas. Nasa pagitan ng EDSA hanggang Abenida Metropolitan ang Abenida Ayala.
Abenida Ayala Ayala Avenue | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 1.9 km (1.2 mi) |
Bahagi ng |
|
Pangunahing daanan | |
Dulo sa timog-silangan | N1 / AH26 (Abenida Epifanio de los Santos) sa Barangay San Lorenzo |
| |
Dulo sa hilaga-kanluran | Abenida Metropolitan sa Barangay San Antonio |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Kasaysayan
baguhinAng bahagi ng Abenida Ayala mula Paseo de Roxas hanggang Abenida Makati ay dating patakbuhan ng Palapagang Nielson, ang lumang paliparan ng Maynila na isa sa mga unang paliparan na naitayo sa Luzon. Nawasak ito noong pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong ika-10 ng Disyembre 1941, subalit itinayo muli ito at binalik ang mga operasyon nito noong 1947, pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ginawang daan ang mga patakbuhan noong 1949, noong inilipat ang pagmamay-ari ng mga permanenteng pasilidad ng paliparan sa Ayala Corporation, ang may-ari ng lupa na kinatatayuan ng paliparan.
Pagpasok ng dekada-1950, idinagdag ang nawawalang bahagi ng mga patakbuhan papunta sa pangunahing daan (kasalukuyang Abenida Makati). Nagdagdag din ng mga bagong bahagi mula Paseo de Roxas hanggang Abenida Buendia (kasalukuyang Abenida Gil Puyat). Noong dekada-1960, pinahabaan ito mula Abenida Buendia hanggang Kalye Kamagong, at noong katapusan ng dekada 1990, pinahabaan ito muli mula Kalye Kamagong hanggang katimugang dulo ng Abenida South (mula Abenida J.P. Rizal) at Abenida Metropolitan. Noong itinayo ang Sistema ng Pangkalakhang Riles Panlulan ng Maynila (o MRT), nagdagdag ng isang flyover sa sangandaan nito sa EDSA para sa mga sasakyan na liliko pakaliwa at papuntang Monumento.
Mga pook-palatandaan
baguhinSentrong Ayala
baguhinAng Sentrong Ayala, na binubuo ng walaong magkakaibang sentrong pampamilihan, ay kalahating matatagpuan sa Abenida Ayala, lalo na ang hugnayang Glorietta, gusaling-pamilihan ng Greenbelt, at ang 6750 Ayala Avenue, gayundin ang Otel ng Makati Shangri-La.
Tatsulok ng Ayala
baguhinAng Tatsulok ng Ayala ay isang sub-distrito ng Distritong Sentral ng Negosyo ng Makati, na binubuo ng piraso ng lupang nasa pagitan ng Abenida Ayala, Abenida Makati at Paseo de Roxas, gayundin mga gusali sa mga lansangang ito. Maraming mga kompanyang multinasyonal, bangko at ibang mga pangunahing negosyo ang matatagpuan sa loob ng tatsulok. Matatagpuan din sa lugar ang ilang mga pangmayamang tindahan ng damit, mga restoran at isang liwasan na nangangalang mga hardin ng Tatsulok ng Ayala.
Toreng PBCom
baguhinMatatagpuan sa kanto ng Abenida Ayala at Kalye V.A. Rufino ang Toreng PBCom, ang pinakamatayog na gusaling pangkomersiyo sa Pilipinas. Nagsisilbi itong punong-tanggapan ng dalawang mga bangko ng bansa: ang Philippine Bank of Communications (ang kapangalan ng gusali), at EastWest Bank.
Pamilihang Sapi ng Pilipinas
baguhinIsa sa mga palapag pangkalakalan ng Pamilihang Sapi ng Pilipinas ay matatagpuan sa Unang Tore ng Ayala ng Abenida Ayala, gayundin ang lumang gusali ng Pamilihang Sapi ng Makati. Matatagpuan malapit sa gusali ang isang istatwa ng politikong si Benigno Aquino, Jr., na matatagpuan sa kanto ng Abenida Ayala at Paseo de Roxas.
Mga gusaling pag-aari ng pamahalaan
baguhin- Estasyon ng pulisya ng Lungsod ng Makati
- Estasyon ng bombero ng Lungsod ng Makati (sa kanto ng Kalye Yakal; Brgy. San Antonio)
- Koreo ng Lungsod ng Makati
Iba pang mga kilalang gusali
baguhinTahanan ang Abenida Ayala sa iba pang mga gusaling-palatandaan (landmark buildings), na kinatutuluyan ng maraming mga negosyo sa bansa. Kabilang diyan ang:
- Sentrong Makati ng PNB (Allied Bank Center; dating punong-tanggapan ng Allied Bank)
- Ayala Tower One (punong-tanggapan ng Korporasyong Ayala at tahanan ng palapag pangkalakalan sa Makati ng Pamilihang Sapi ng Pilipinas)
- Punong-tanggapan ng Bangko ng Kapuluang Pilipinas
- BDO Corporate Center (punong-tanggapan BDO Unibank; BDO North and South Towers)
- Convergys Philippines Services Center
- Discovery Primea
- The Enterprise Center neoklasikong kambal na tore
- Pandaigdigang Toreng G.T.
- Gusaling Insular Life (dating punong-tanggapan ng Insular Life)
- Toreng LKG
- Gusaling L. V. Locsin
- Makati Sky Plaza
- STI Holdings Center
- The Peninsula Manila
- PeopleSupport Center
- Toreng PLDT (punong-tanggapan ng Kompanya ng Teleponong Pangmalayuan ng Pilipinas)
- RCBC Plaza (punong-tanggapan ng Rizal Commercial Banking Corporation)
- Rufino Plaza (punong-tanggapan ng Pamilyang Rufino)
- Security Bank Center (punong-tanggapan ng Security Bank Corporation)
- Toreng Smart (punong-tanggapan ng Smart Communications)
- SSS Makati Building (dating punong-tanggapan ng Union Bank of the Philippines)
- Gusaling Sycip, Gorres, Velayo & Co. (SGV) (isang kasaping kompanya ng Ernst & Young Global)
- UCPB Corporate Offices (punong-tanggapan ng UCPB)
Iba pang mga istraktura
baguhin- Mga bantayog nina Benigno Aquino, Jr. at Gabriela Silang.
- Mga pampedestriyan na daang pang-ilalim sa mga sangandaan ng Glorietta, Legazpi, Paseo de Roxas, V.A. Rufino at Salcedo.
- Toreng JAKA (isang hindi-tapos na gusaling tukudlangit na pag-aari ni Juan Ponce Enrile na iniwan pagkaraan ng krisis pampananalapi sa Asya ng 1997)[1]
Mga bagtasan
baguhinIto ang talaan ng mga sangandaan ng abenida. Kapag naka-makapal ang pangalan ng sangandaan, ito ay may tawirang kalye.
Makati Business Center, Makati
baguhin- Daang McKinley (Karugtong ng Abenida Ayala) / Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) (C-4)
- Highway Drive / Kalye Recoletos (Karugtong ng Highway Drive)
- Hotel Drive
- East Drive
- Parkway Drive / Kalye Fonda (Karugtong ng Parkway Drive)
- Abenida Makati
- Paseo de Roxas
- Kalye V.A. Rufino (Kalye Herrera)
- Kalye Salcedo
- Kalye Amorsolo
Bel-Air, Makati
baguhin- Abenidang Senador Gil Puyat (Abenida Buendia)
- Kalye Malugay
- Kalye Yakal
- Kalye Kamagong
- Abenida Metropolitan
Silipin din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Cabacungan, Gil C. (12 Mayo 2012). "Enrile gives up monument to self, now an eyesore on Ayala Avenue". The Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 30 Abril 2013.
{{cite news}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)