- Lumihis ang landas ng Bagyong Neneng (pangalang internasyunal: Bebinca) patungong Hilaga at Gitnang Luzon, Pilipinas. Itinaas ng PAGASA ang Babala Bilang 1 sa mga lalawigan ng Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Quezon (kasama ang Polillo islands), Aurora, Quirino, Isabela at Cagayan. (ABS-CBN News)
- Bagyong Milenyo (Xangsane):
- Ayon sa Office of Civil Defense at ipa pang sangay ng pamahalaan ng Pilipinas, umabot na sa 197 ang bilang ng mga namatay at 22 pa ang nawawala nang nanalasa ang Bagyong Milenyo sa bansa. (AFP)
- Tumaas na sa 42 ang bilang ng namatay sa Vietnam dulot ng Bagyong Milenyo. (AFP)
- Ipinahayag ng Hilagang Korea ang plano nitong magsagawa ng nuclear test. (Reuters)
- Nanalo sina John C. Mather at George F. Smoot ng Nobel Prize in Physics para sa kanilang gawa na tumulong sa pagtatag sa cosmogonical Big Bang theory ng universe. (Reuters)
- Nagbitiw na si Thaksin Shinawatra, ang pinatalsik na punong-ministro ng Thailand, sa kanyang partidong Thai Rak Thai (TRT). (Reuters)
- Limang estudyante ang namatay at lima pa ang malubhang nasugatan sa isang paaralang Amish sa Nickel Mines, Pennsylvania, Estados Unidos sa pamamaril ni Charles Carl Roberts, na nagpatiwakal pagkatapos ng insidente.
|