Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2008 Hulyo 26
- Sa New York, napili ng G-77 at ng Tsina ang kinatawan ng Pilipinas na si Jimmy D. Blas para mangasiwa sa resolusyon na magpapahintulot sa UN na magpatuloy sa pagbibigay ng mga pagsasanay para sa mga diplomata ng mga umuunlad na bansa.(MBO)
- Nalampasan na ng Republikang Popular ng Tsina ang Estados Unidos sa populasyon ng mga mamamayan na gumagamit ng Internet.(MBO)
- Nakatakdang makipagkita ang mga kinatawan ng Irak sa komite ng Pandaigdigang Olympics upang hilingin na payagang lumahok ang mga pinagbawalang manlalaro ng bansa sa darating na palaro sa Beijing ngayong 2008.(CNN)
- Binisita ni Hugo Chavez si Juan Carlos, ang kasalukuyang hari ng Espanya, na "nagpatahimik" sa kaniya habang nasa pagpupulong sa Chile nitong nakaraang Nobyembre.(CNN)