Wikipedia : Kasalukuyang pangyayari/2009 Hulyo 3
Huminto sa pakikipagtulungan ang African Union sa International Criminal Court dahil inakusahan nito si Pangulong Omar al-Bashir ng Sudan ng krimeng digmaan (war crimes) . (BBC)
Tatlong tao ang namamatay at higit sa isang dosena ang nasugatan sa mga kaguluhan matapos itapon ang isang patay na baboy sa isang ginagawang moske sa Mysore , India .(CNN)
Ipinahayag na maaring litisin si John Demjanjuk sa pagtulong sa pagkamatay ng 29,000 Hudyo sa kampong pampuksa sa Treblinka . (RTÉ)
Pumirma ang mga Ministro ng Enerhiya ng Algeria , Niger at Nigeria ng kasunduan sa Trans-Saharan gas pipeline . (Reuters) (Bloomberg) (BBC)
Nakaapekto ang pagbaha sa mga bahagi ng Kondado ng Mayo at Kondado ng Galway sa Ireland . (RTÉ) (The Irish Times)
Dumating ang Kalihim-Heneral ng United Nations na si Ban Ki-moon sa Burma , at nakipagpulong sa lider ng junta na si Senior General Than Shwe at ang pagtawag para sa pagpapalabas ng mga bilanggong pampolitika. (BBC) (Bangkok Post)
Dalawang kawaning Irani na nagtatrabaho para sa embahada ng Britanya sa Tehran ang haharap sa paglilitis para sa diumano'y pag-udyok ng mga protesta . (BBC)
Tatlong species ng dinosauro —Australovenator wintonensis , Wintonotitan wattsi at Diamantinasaurus matildae —ang natuklasan sa Australia . (BBC) (Sydney Morning Herald)
Inanyayahan ng Syria si Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos sa Damascus summit. (Sky News)
Ibinilanggo si Cheb Mami , Algeryanong musiko ng raï , ng limang taon sa France para sa tangkang pagpilit sa dating partner na magpalaglag . (BBC) (IOL) (Reuters)
Nagbitiw si Manuel Pinho, Ministro ng Ekonomiya ng Portugal , matapos na magsenyas ng cuckold sa isang MP ng oposisyon. (BBC)
Ipinasimpapawid ng Hilagang Korea ang unang patalastas nito ng serbesa , para sa Taedonggang beer. (BBC) (The Los Angeles Times)
Dalawang pang tao ang namamatay sa Viareggio , Italy , pagkaraan ng pagsabog ng tren , umabot na sa 21 ang namatay. (RTÉ)
Anim na mga tao, kabilang ang tatlong bata, ang namatay matapos ang isang sunog sa isang high rise residential tower block sa Camberwell , timog London , England . (BBC)
Nagbukas ang Russia ng isang ruta para sa Estados Unidos para makapadala ng armas sa Afghanistan . (The New York Times)
Ipinahayag ng Amerikanong politiko na si Sarah Palin , ang kasalukuyang Gobernador ng Alaska , ang kanyang pagbibitiw bilang Gobernador, na magkakabisa sa Hulyo 26. (Fox News) (CNN)
Dalawang tagatulong na manggagawa, kasama ang isa babaeng Irish , ng charity na GOAL ang dinukot ng isang armadong grupo sa rehiyon ng Darfur sa Sudan . (RTÉ)
Labintatlo katao ang nasugatan matapos madiskaril ang isang tren na may rutang Paris -Cahors malapit Limoges , France . (RTÉ)
Ang isang lindol na may magnitude na 6.0 na sa Dagat ng Cortez ang gitna ang nagyanig sa kanlurang Mexico . (IOL)