Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Agosto 23
- Dalawang kasapi ng Pandaigdigang Pwersa ng Tulong para sa Katiwasayan ng NATO patay sa pagsabog sa Apganistan. (AFP via Google News)
- Mahigit 17 katao, kasama na ang kasapi ng Pambansang Asambleya ng Pakistan na si Maulana Noor Mohammed Wazir, ang namatay sa pambobomba sa isang moske sa rehiyon ng Timog Waziristan sa Pakistan. (Economic Times of India)
- Jimena Navarrete, na kumakatawan sa Mehiko nanalong Miss Universe 2010. (AP via News OK)
- Cambodia at Thailand pinanumbalik ang diplomatikong ugnayan matapos magbitiw si dating Punong Ministro Thaksin Shinawatra ng Thailand sa kanyang tungkulin bilang tagapayo sa ekonomiya ng Pamahalaan ng Cambodia. (Thai News Agency) (BBC)
- Dalawang tonelada ng garing ng elepante at limang sungay ng rhino na binalutan upang magmukhang abukado na patungong Malaysia nasabat sa Nairobi, Kenya. (Kenya Broadcasting Corporation) (Reuters)
- Tsina pinag-iisipang tanggalin ang parusang kamatayan sa ilang krimeng pang-ekonomiya. (BBC) (Xinhua) (AFP)
- Dalawampu't limang bilanggo, kasama ang ilang militanteng Islam, tumakas sa bilangguan sa Dushanbe, Tajikistan. (BBC) (Bangkok Post) (ITAR-TASS)
- Isang natiwalag na pulis na tagasiyasat nambihag ng isang bus na pagmamay-ari ng Hong Thai Travel at lahat ng 25 kataong sakay nito na pawang mga turista mula sa Hong Kong sa Manila para manawagan sa kanyang pagkabalik sa trabaho. Napatay siya kalaunan. Hindi bababa sa 7 bihat ang namatay at dalawa pa ang malubhang nasugatan. (Al Jazeera) (CNN) (Philippine Inquirer)