Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Enero 13
- Bansang Turkiya nagbanta na papauwiin ang embahador nila sa Israel kapag hindi humingi ng patawad ang huli sa pagtrato nito sa kanilang embahador. (BBC)(Reuters)(Sydney Morning Herald)(Xinhua)
- Estados Unidos at Hapon hindi nagkasundo sa hinaharap ng base militar ng una sa Okinawa. (ABCNews.go)(ABC Online)(BBC)
- Pagrarasyon ng elektrisidad gagawin sa Beneswela kung saan maaapektuhan ang buong bansa ng apat na oras na walang kuryente kada linggo. (China Daily)(CCTV.com)(The Telegraph)
- Papa Benedicto XVI nakatagpo at pinatawad ang babaeng umatake sa kanya sa misa noong gabi ng Pasko 2009. (The Times)(Catholic News Agency)
- Lindol sa Hayti noong 2010: Tinatayang 200 tao pinangangambahang nakulong sa ilalim ng isang Hotel malapit sa punong himpilan ng Nagkakaisang mga Bansa. Karamihan sa mga empleyado ang naiulat na nawawala. Buhay ang Pangulo ng Hayti na si René Préval. (Haiti News.net)(CNN)(BBC)(China Daily)(France24)(Pravda)