Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 26
- Bilang ng namatay sa kaguluhan sa katimugang Kyrgyzstan umabot na sa 275. (Central Asian News)
- Labingpitong katao patay at dalawampu't lima pa ang sugatan nang bumangga ang isang bus na puno ng maraming tao sa isang rumaragasang trak malapit sa Chenaki More, mga 30 kilometro mula sa Patna, Indiya. (Thaindian)
- Algirdas Brazauskas, ang unang Pangulo ng Lithuania matapos ang kalayaan ng bansa, namatay na sa edad na 77. (BBC) (France24)
- 2010 G-20 Toronto summit
- Mga pinuno ng dalawampung may malaking ekonomiya sa mundo magpupulong sa Kanada sa 2010 G-20 Toronto summit. (BBC)
- Daan-daang katao arestado sa pagpapalano ng hindi maganda para sa pagpupulong. (CBC)
- Pangulo ng Tsina Hu Jintao tinanggap ang imbitasyon para sa opisyal na pagbisita mula sa Pangulo ng Estados Unidos Barack Obama. (BBC)
- Pransiya itinanghal na magiging punong-abalang lungsod ng G8 sa 2011. (Xinhua)
- Pangulo ng Brasil, Luiz Inácio Lula da Silva, kinansela ang kanyang pagpunta sa Kanada dahil sa malawakang pagbaha sa bansa. (The Sydney Morning Herald)
- Dalawang taga-Palestina patay sa pambobomba ng Israel sa Piraso ng Gaza. (Arab News)
- Dating Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos Dick Cheney, na matagal nang may problema sa puso, naospital. (The Sydney Morning Herald)
- Mga botante sa Somaliland nakilahok sa halalan sa pagkapangulo. (Arab News) (AP) (The New York Times) (Al Jazeera)
- Mga mambabatas sa Iran na nagpoprotesta sa pagharang ng Israel sa mga patungong Gaza nagpahayag na tutungo pa rin sila sa lugar gamit ang barko ng mga tulong mula sa Lebanon. (Reuters Africa)
- Libo-libong mga tao nagprotesta sa Taywan laban sa kasunduan sa pakikipagkalakal sa Tsina na lalagdaan sa Martes. (BBC) (Focus Taiwan News Channel) (Radio Television Hong Kong)
- Libo-libong Iranyan sa Paris hiniling sa UN na paigtingin ang parusa sa Iran. (YnetNews) (Euronews)
- Ang nangungunang Partido ng Manggagawa ng Korea sa Hilagang Korea nagpahayag na magkakaroon sila ng pagpupulong sa Setyembre para maghalal ng mga bagong pinuno. (Arirang News) (Al Jazeera) (AFP via Sydney Morning Herald)
- Apat na tauhan ng serbisyo ng Amerika napatay sa Apganistan. (CNN)
- Pangako ng Israel na paluwagin ang pagharang sa Gaza maliit ang epekto sa mga pagawaan. (The Independent)