Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Marso 2
- Balo ni dating Pangulong Juvénal Habyarimana ng Rwanda inaresto sa Pransiya matapos siyang akusahan ng pamahalaan ng Rwanda nang pagtulong sa pagpaplanong pagpatay ng lahi noong 1994. (BBC) (France 24)
- Mahigit isang dosenang pahayagan sa Tsina naglathala ng sama-samang editoryal na nananawagan sa pagtatapos ng pagpapatala ng samabahayan, o ang hukou. (AP) (China Daily) (BBC)
- Eroplanong magdadala ng grupo ng mga tutulong sa lindol sa Tsile bumagsak. (ABC News) (Sky News)
- 17 pulis sa Nigeria inaresto kaugnay ng pagkamatay ng mga kasapi ng Boko Haram noong 2009. (BBC) (Al Jazeera) (Radio Netherlands Worldwide)
- Mahigit 100 katao patay sa pagguho sa Distrito ng Bududa sa Uganda. (BBC) (Sky News) (CNN) (New York Times)