Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Marso 8
- Mga labi ni pangulong Tassos Papadopoulos ng Tsipre sinasabing natagpuan sa isang libingan sa Nicosia. (BBC) (The Daily Telegraph) (Miami Herald)
- Siyam katao nililitis sa kasong terorismo at pakikipag-ugnayan sa al-Qaeda sa Belhika. (The New York Times) (euronews) (Al Jazeera) (France24)
- 12 katao— 10 sibilyan at dalawang pulis— patay sa magkahiwalay na pambobomba sa kalsada sa Lalawigan ng Badghis, Apganistan. (BBC) (Reuters)
- Salaping gugulin ni Pangulong Mahmoud Ahmadinejad para sa taong 2010/11 inaprubahan ng parlamento. (Reuters)
- Mga mandarambong sa Tsile nagsauli ng £1.3 milyong ($2milyon) halaga ng mga nanakaw na mga gamit ayon sa pamahalaan. (The Daily Telegraph)
- Hilagang Korea nagbanta sa pagsisimula ng magkasamang pagsasanay ng mga hukbo ng Timog Korea at ng Estados Unidos. (Reuters) (BBC) (Business Week)
- Halalan para sa parlamento ng Irak matagumpay kahit pa may ilang namatay. (Business Week) (AP) (Sydney Morning Herald) (ABC News)
- 5.5 magnitude na lindol yumanig sa Turkiya mahigit apatnapu patay. (BBC) (AP) (Haaretz) (AFP)
- Hukbong Pandagat ng Pransiya, katulong ang mga sasakyang panghimpapawid at pandagat ng Unyong Europeo, nasakote ang 35 pinagsusupetsahang mga pirata sa apat na malalaking barko at anim na maliliit na bangka sa baybayin ng Somalia. (BBC) (RNW) (Inside Somalia)
- Pag-atake ng Pakistani Taliban gamit ang kotse pampasabog sa gusali ng Ahensiya ng Pederal na Pagsisiyasat (FIA) sa Lahore kumitil ng hindi bababa sa 11 katao at nag-iwan ng 60 pang sugatan. (BBC) (Zee News) (The Statemen)