Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Setyembre 13
- Hindi bababa sa labing-apat na katao patay, mahigit 30 pa sugatan sa pagbagsak ng isang eroplano malapit sa Ciudad Guayana sa Estado ng Bolivar, Beneswela. (AFP via Google) (Xinhua) (The Telegraph)
- Thailand hindi pinapasok ng bansa ang dalawang aktibista ng karapatang pantao na galing Biyetnam at nakatakdang magsalita sa kumperensiya ng mga mamamahayag sa Bangkok. Thailand umani ng batikos. (AFP via Google) (Reuters Africa) (Bangkok Post)
- Tatlong rebeldeng Bagong Hukbong Bayan patay sa pakikipag-sagupaan sa Bula, Camarines Sur. (GMA News) (Philippine Daily Inquirer) (ABS-CBN News)
- Kevin Rudd napabalitang lilipad patungong Estados Unidos para makipagkita sa mga matataas na opisyal ng nasabing bansa, ilang araw matapos siyang mahirang na Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Australya. (ABC News) (Sydney Morning Herald)
- Bansang Hapon pinakawalan na ang 14 na mangingisdang Tsino na hinuli noong nakaraang linggo. Kapitan ng barko nananatiling hawak ng awtoridad ng Hapon. (The Guardian) (CNN) (BBC News)
- Iran humihingi ng 500, 000 dolyar kapalid ng kalayaan ni Sarah Shourd, isa sa tatlong hiker na ikinulong dahil sa ilegal na pagpasok at pang-i-espiya noong 2009. (Washington Post) (AP via Google) (CNN) (LA Times) (The Guardian)