Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 17

Alitang armado at mga pag-atake
  • Naaresto si Mario Ramírez Treviño lider ng Kartel ng Golpo sa Tamaulipas kaugnay ng Laban ng Mehiko sa Droga. (Reuters)
  • Nalinis ng pwersa ng seguridad ng Ehipto ang isang Moske sa Cairo matapos ang mahabang pananatili ng mga miyembro ng Kapatiran ng mga Muslim. (Reuters), (BBC)
  • Minungkahi ni Hazem Al Beblawi, Punong Ministro ng Ehipto, ang ligal na pagpapabuwag sa grupo ng Kapatiran ng mga Muslim. (Reuters)
  • Inatake ng mga rebelde sa Sirya ang isang checkpoint sa Homs, na ikinasawi ng ng 5 milisya ng NDF at 6 na sibilyan. (Reuters)
  • Inatake ng gobyerno ng Sirya gamit ang eroplanong pangdigma ang Aleppo na ikinasawi ng 15 sibilyan. (New York Times)
  • 18 katao ang nasawi sa sagupaan sa pagitan ng mga sundalo ng Nigerya at Boko Haram Islamists sa hilagang-katimutang Nigerya. (Reuters)
  • 10 ang napatay sa kampo ng mga manghihimagsik sa kanlurang Apganistan. (BBC)
Sakuna at Aksidente
  • Inilikas ang ilang residente ng Greenhorn Gulch sa Idaho dahil sa sunog sa Sapa ng Beaver.(CNN)
  • 31 katao ang patay at 170 pa ang nawawala dahil sa paglubog ng MV St. Thomas Aquinas tapos bumangga sa isang barkong pangkargamento sa Cebu. (BBC)