Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 21

Alitang armado at mga pag-atake
  • Daang katao ang nasawi sa isang pag-atake gamit ang keminal na armas sa labas ng bayan ng Damasko sa Sirya.(BBC)
Sakuna at aksidente
  • Umabot na sa 7 ang nasawi at mahigit 600,000-katao ang naapektuhan ng hagupit ng nagsanib-puwersang bagyong "Maring" at habagat, naparalisa ang buong Maynila at malaking bahagi ng Luzon. (Abante)
  • Natagpuang buhay ang isang mangingisdang taga-Batanes na nawala noon pang 11 Agosto 2013, sa bansang Hapon matapos tangayin ng kanyang bangka ng malalakas na alon. (GMA News)
  • 2013 Pagbaha sa Tsina at Rusya: Dalawampu't-isang katao ang nasawi dahil sa isang flash flood sa probinsiya ng Qinghai. (AP via ABC Local News)
  • 37 katao ang nasawi at 16 ang sugatan kung saan ang isang bus lulan ang mga pasahero paalis ng Genting Highlands sa Malaysia ay nahulog sa bangin. Ang pinaghulugan ay malapit sa Chin Swee Temple.(AP via The Globe and Mail)
Internasyonal na relasyon
  • Opisyal na inanunsiyo ng hukbo ng Nigerya ang pahayag na ang lider ng Boko Haram na si Abubakar Shekau ay napatay sanhi ng pagbaril sa kaguluhang naganap sa pagitan ng mga sundalo. (The Globe and Mail)
Batas at krimen
  • Napagdesisyunan ng isang korte sa Cairo na pakawalan ang dating Pangulong si Hosni Mubarak habang kasalukuyang iniimbestigahan ang kasong korupsiyon laban sa kanya. (BBC)
  • Sinampahan ng 35-taon pagkakakulong si Bradley Manning ngayon ay kilala bilang Chelsea Manning, dating miyembro ng Hukbo ng Estados Unidos dahil sa pagbibigay nito ng mga pinag-uri-uring dokumento sa WikiLeaks.(ABC News America)