Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2022 Hunyo 27
Kalusugan at kapaligiran
- Pagsiklab ng monkeypox ng 2022
- Pagsiklab ng monkeypox sa Europa ng 2022
- Pagsiklab ng monkeypox sa Alemanya ng 2022
- Iniulat ng Alemanya ang halos isang daang bagong kaso ng monkeypox. (RKI Deutsche)
- Pagsiklab ng monkeypox sa Netherlands ng 2022
- Iniulat ng Netherlands ang higit sa 40 bagong kaso ng monkeypox. (RIVM Netherlands)
- Pagsiklab ng monkeypox sa Alemanya ng 2022
- Pagsiklab ng monkeypox sa Estados Unidos ng 2022
- Iniulat ng Peru ang unang kaso nito ng monkeypox. (Bernama)
- Kinumpirma ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan ang unang pagkamatay dulot ng pagsiklab ng monkeypox ng 2022. (WHO)
- Pagsiklab ng monkeypox sa Europa ng 2022
- Pandemya ng COVID-19
- Pandemya ng COVID-19 sa Nauru
- Lumagpas na sa 2,000 ang kaso ng COVID-19 sa Nauru sa kabila ng isang pagsiklab at emerhensiya na ipinahayag ni Pangulong Lionel Aingimea. (Loop Nauru)
- Pandemya ng COVID-19 sa Nauru
Ugnayang internasyunal
- Ika-48 pagpupulong ng G7
- Naglabas ang mga pinuno ng mundo sa pagpupulong ng G7 sa Alemanya ng isang pahayag na nangangako ng suportang pinansyal, makatao, militar, at diplomatiko sa Ukranya. Naihayag ito pagkatapos tumawag sa bidyo si Pangulong Volodymyr Zelenskyy ng Ukranya para sa mas maraming mabibigat na armas mula sa mga kakampi. (BBC News)
Politika at halalan
- Ipinasa ng papaalis na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas na si Leni Robredo kay Senadora Risa Hontiveros ang liderato ng oposisyon. (Rappler), (The Philippine Star)
Batas at krimen
- Pagpapalaglag sa Estados Unidos
- Pagpapalaglag sa Louisiana, Pagpapalaglag sa Utah
- Pansamantalang hinarang ng mga hukom ng estado sa New Orleans at sa Utah ang pagbabawal sa pagpapalaglag para sa lahat ng yugto ng pagbubuntis na ipinabatid ng mga opisyal ng estado pagkatapos maglabas ng pasya ang Korte Suprema ng Estados Unidos sa kasong Dobbs v. Jackson Women's Health Organization. (The Guardian) (Deseret)
- Pagpapalaglag sa South Carolina
- Inalis ng isang hukom pederal sa South Carolina ang isang utos na tinatawag na heartbeat bill, na epektibong nililimitahan ang aborsyon sa 6 na linggo sa pagbubuntis. (CBS News)
- Pagpapalaglag sa Louisiana, Pagpapalaglag sa Utah
- Isang tao ang napatay at lima pang iba ang nasugatan sa maramihang pananaksak sa isang kublihan para sa mga naghahanap ng asilo sa Kressbronn, Baden-Württemberg, Alemanya. (AP)