Wikipedia:Sinupan ng mga nagdaang napiling larawan/Sinupan 6
Mga napiling larawan noong 2011 (kabuoang bilang: 10)
baguhinAng akrobatika ay isang uri ng sining ng pagtatanghal at ginagawa rin sa larangan ng palakasan. Kabilang sa akrobatika ang mga mahihirap na gawaing kinapapalooban ng kaalaman at kakayahan sa paninimbang, kabilisang may pag-iingat, at koordinasyon ng isipan at mga bahagi ng katawan ng isang sirkero at sirkera. Kabilang dito ang ilang mga gawain sa larangan ng himnastika. May kasanayan ang mga sirkero, tinatawag ding akrobat o akrobata, sa mga pagbabalintuwad, pagpapatembwang, pagbibitin-bitin, pagpapailanlang sa hangin, paglalakad sa alambre, mga pagtalon, at iba pang mga uri ng pagsisirko. Kalimitang matatagpuan ang pagtatanghal ng mga akrobata sa isang sirko. May-akda ng larawan: Ludovic Péron
Ang kagandahan at kaaya-ayang pangangatawan ay isang pananaw sa mga katangiang pisikal ng isang tao bilang maganda o nakalulugod, at maaaring magsangkot ng samu't saring mga pakahulugan o pahiwatig na katulad ng kabighaniang seksuwal at pangangatawan. Kung ano ang itinuturing na pangangatawang kaaya-aya ay nakabatay sa tatlong mga bagay: sa pandaigdigang pananaw na karaniwan sa lahat ng mga kalinangan ng tao, sa pangkultura at panglipunang mga aspeto at pang-indibiduwal na pangsariling mga pagkagusto. May-akda ng larawan: Ian Scott
Ang kabibe, kabibi, kapis, o sigay ay isang uri ng matigas at pamprutektang panglabas na balat, kaha, balot, o baluti na nabuo sa pamamagitan ng napakaraming iba't ibang mga hayop, kabilang na ang mga moluska, trepang, krustasyano, pagong, pawikan, at iba pa. Ilan pa sa partikular na mga halimbawa ng mga hayop na may kabibe ay ang mga kuhol, tulya, tahong, at talaba. Tinatawag din ang kayarian ng kabibe bilang eksoskeleton o eksoiskeleton (literal na "panlabas na kalansay"), talukab, talukap, at peltidyum. May-akda ng larawan: H. Zell
Ang kabalyero ay isang kawal na nakasakay sa kabayo noong Gitnang mga Kapanahunan. Ang mga kabalyero ay mga basalyo ng mga panginoon, na binibigyan ng mga panginoon ng lupain kung ang kabalyero ay makikibaka para sa kanila. Inisip ng mga kabalyero na ang karangalan ay napakahalaga. Mayroon silang isang kodigo ng dangal na tinatawag na pagkakabalyero. Kadalasan silang mayroong eskudo de armas. May-akda ng larawan: Saffron Blaze.
Ang sistemang mabilisan (Ingles: rapid transit) ay isang pampasaherong sistema ng mga tren sa matataong lungsod, na bukod sa pagkakaroon ng maramihan at madalasang pagsakay ay hiwalay ito sa landas ng ibang mga sasakyan. Ito ay maaaring pang-ilalim (underground o subway), nakataas (elevated) o magkahalo. Kilala rin ang sistemang ito bilang sa maigsing katagang metro. Inilalarawan sa itaas ang mapa ng pang-ilalim na sistemang mabilisan sa Lungsod ng New York sa Estados Unidos. May-akda ng larawan: CountZ.
Ang agham o siyensiya ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng kaalaman at ang organisadong bahagi ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng pamamaraan nito. Samantala ang sigwasan o mekaniks ay isang sangay ng pisikang nakatuon sa ugali o gawi ng mga katawang pisikal kapag iniharap na sa mga puwersa o pagbabago sa kinalalagyan ng bektor, at kinalalabasang mga epekto ng mga katawan sa kanilang kapaligiran. May-akda ng larawan: Frank R. Paul.
Ang mga buwitre ay mga ibong nanginginain ng bangkay ng mga hayop. Natatagpuan ang mga ito sa bawat kontinente maliban sa Antartiko at Oceania. Isang partikular na katangian ng maraming mga buwitre ang pagkakaroon ng kalbong ulo, at ipinapakita ng mga pananaliksik na maaaring may malaking pagganap ang lantad na balat nila sa pagtimpla ng init ng katawan. May-akda ng larawan: Jorge Láscar at Snowmanradio.
Ang ahas o serpyente ay isang uri ng reptilyang hayop na walang mga paa. Gumagapang ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang katawan. May-akda ng larawan: H. Krisp
Ang kabibe, kabibi, kapis, o sigay ay isang uri ng matigas at pamprutektang panglabas na balat, kaha, balot, o baluti na nabuo sa pamamagitan ng napakaraming iba't ibang mga hayop, kabilang na ang mga moluska, trepang, krustasyano, pagong, pawikan, at iba pa. Ilan pa sa partikular na mga halimbawa ng mga hayop na may kabibe ay ang mga kuhol, tulya, tahong, at talaba. Tinatawag din ang kayarian ng kabibe bilang eksoskeleton o eksoiskeleton (literal na "panlabas na kalansay"), talukab, talukap, at peltidyum. May-akda ng larawan: George Chernilevsky
Ang Manga (Hapones: 漫画 マンガ — "nakatatawang mga larawan," maaari ring tawagin na komikku (Hapones: コミック) ay salitang Hapones para sa komiks. Sa labas ng Hapon, ito ay ginagamit lamang para sa komiks na inilalathala sa Hapon. Ang Manga, sa pormang kung saan ito ay umiiral sa araw na ito, ay nagsimula na mabuo noong matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bagaman ang tradisyon ng paglalathala ng mga nobelang may larawan ay may malalim pinag-ugatan sa unang bahagi ng sining na Hapones. May-akda ng larawan: Niabot