Ikalawang Sulat ni Juan

(Idinirekta mula sa 2 Juan)
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Ikalawang Sulat ni Juan o 2 Juan ay isang aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya na isinulat ni Apostol Juan. Ito ang pangalawa sa iba pang mga Sulat ni Juan na nagsasabing ang "Diyos ay liwanag, katarungan, at pag-ibig."[1]

Paglalarawan

baguhin

Pinaniniwalaan ng mga dalubhasa sa Bibliya na naisulat ang liham na ito, kasama ng dalawa pang mga sulat ni San Juan ang Alagad (ang Una at ang Ikatlong mga Sulat ni Juan) habang nasa Efeso. Layunin ni San Juan na ipaalala sa mga Kristiyanong nasa Asya Menor ang mga sumusunod:[1]

  • Mga pangaral at mga isinulat niya ukol sa pagka-Diyos ni Hesus
  • Mga bulaang mga propeta
  • Mga anti-Kristo o mga hindi kumikilala kay Hesukristo bilang Mesiyas
  • Mga taong hindi kumikilala na nagkatawang-tao ang Anak ng Diyos sa katauhan ni Hesus

Partikular na tumutukoy ang ikalawang sulat ni San Juan sa tinatawag na "Hirang na Ginang". Ang Hirang na Ginang ay maaaring tumutukoy sa isang Simbahan o kaya mga Iglesya na nasa Asya Menor. Pinayuhan ito o ang mga ito ni San Juan na maging matibay sa kanilang pananampalataya, at huwag makikisalamuha sa mga taong erehe.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Abriol, Jose C. (2000). "Mga Sulat ni Juan". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1782.

Mga panlabas na kawing

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.