Abenida J. P. Rizal
Ang Abenida Jose P. Rizal (Ingles: Jose P. Rizal Avenue), o mas-kilala bilang Abenida J. P. Rizal (Ingles: J. P. Rizal Avenue), ay isang pangunahing lansangang panlungsod sa hilagang Makati, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Isa itong daang kolektor na dumadaan sa katimugang pampang ng Ilog Pasig mula Daang C-5 sa Baranggay West Rembo sa silangan hanggang Kalye Zobel Roxas sa Tejeros Village. Ang mga kilalang lansangan na bumabagtas rito ay Abenida Epifanio de los Santos (o EDSA, sa ilalim ng Tulay ng Guadalupe), Kalye Estrella, Abenida Makati (sa kabayanan ng Makati), Abenida South, at Abenida Chino Roces. Ang bahagi ng abenida mula Abenida Makati hanggang Abenida Chino Roces ay nagdadala ng walang salubong na trapiko pakanluran. Ang haba ng abenida ay 6.4 kilometro (o 4.0 milya).
Abenida J. P. Rizal J. P. Rizal Avenue | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 6.4 km (4.0 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | Kalye Zobel Roxas at Kalye Tejeron sa Barangay Tejeros |
Dulo sa silangan | N11 (Daang Palibot Blg. 5) sa Barangay West Rembo |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Makati |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Nagdudugtong ang abenida sa East Rembo, Comembo, at bayan ng Pateros sa silangan bilang J. P. Rizal Avenue Extension (dating Guadalupe–Pateros Road). Tutuloy ito sa Maynila sa kanluran bilang Kalye Tejeron (Tejeron Street). Ipinangalan ang abenida kay pambansang bayani Dr. José P. Rizal.