Aklat ni Ageo

(Idinirekta mula sa Aklat ni Hagai)
Lumang Tipan ng Bibliya

Ang Aklat ni Ageo[1][2], Aklat ni Hageo,[3][4] o Aklat ni Haggai[5] ay isang aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Tungkol ito sa mga pangangaral ni Propeta Ageo, isang kaalinsabay ni Zacarias.[1]

May akda

baguhin

Bagaman nakapangalan kay Ageo ang aklat na ito, pinaniniwalaan na maaaring ibang kamay ang bumuo dito. Pinagsamasama ang mga pagtuturo ni Ageo hanggang sa maging isa itong buod.[5]

Layunin

baguhin

Nilayon ng Aklat ni Ageo ang gisingin ang kasiglahan ng mga mamamayan para sa pagtatatag ng isang panibago at Pangalawang Templo. Nasira ang unang templo mga 70 taon bago manlusob si Nabucodonosor. Mula sa panahong ng pagkakabalik ng mga Hudyo sa Jerusalem, mula sa kanilang pagkakabihag sa Babilonia (mga 538 BK, mga dalawang dekada na ang nakalipas), tanging mga balangkas pa lamang ng bagong templo ang nailalagay.[5]

Paglalarawan

baguhin
 
Si Propeta Ageo.

Dahil sa kautusan ni Haring Ciro noong mga 538 BK, nakabalik ang mga naging bihag na mga Hudyo ng mga Babilonio sa Jerusalem. Nagsikap silang muling buhayin ang kanilang nagaping bayan, kabilang ang pagtatatag ng isang bagong dalanginan.[1] Noong panahon ng ikalawang taon ng paghahari ni Dario I (mga 520 BK, umabot ang paghahari niya hanggang 485 BK), nanawagan si Ageo sa mga pinuno ng pamayanan ng mga Hudyo, sa paring si Josue (o Joshua), sa gobernador na si Zorobabel (o Zerubbabel, isang inanak mula sa maharlikang lahi ni David), upang personal na mangasiwa ang mga ito sa pagpapabilis ng pagtatayo ng pangalawang templo.[1][5] Hinikayat rin niya ang mga pari para linisin ang mga pagsamba makakulto. Ginawan ni Ageo ng pag-uugnay ang mga naunang kaugalian ng mga Israelita sa isang pangako ukol sa pagdating ng panahon maka-Mesias.[5]

Mga bahagi

baguhin

Binubuo ng apat na bahagi ang Aklat ni Ageo. Tungkol ang unang bahagi sa panawagan ng mga propeta upang maitayo ang isang templo. Hinggil naman sa karangalan ng bagong templong makikita ng Mesias ang pangalawang bahagi. Tinatalakay sa pangatlong bahagi ang mga pagpapalang matatamo ng magsasagawa ng mga karangalang pangpanibagong templo. At bilang huli, nauukol kay Zorobabel na larawan ng Mesias at lingkod na hirang ng Diyos, ang pang-apat.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Abriol, Jose C. (2000). "Ageo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Aklat ni Ageo". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ginamit sa sangguniang ito ang baybay na Hageo, "Mga Kapahayagan ng Langit (Unang Patotoo, Esau)", Mga Kapahayagan ng Langit at Impiyerno sa 7 Kabataan ng Columbia, halaw sa orihinal na salin mula sa Salitang Kastila, isinalin sa Tagalog ni Pastor Reyn Araullo sa tulong ni Claudia Alejandra Elguezabal, Pilipinas, 22 Disyembre 2007 (PDF).
  4. Ginamit sa sangguniang ito ang baybay na Hageo, "Mga Kapahayagan ng Langit (Unang Patotoo, Esau)", Mga Kapahayagan ng Langit at Impiyerno sa 7 Kabataan ng Columbia, halaw sa orihinal na salin mula sa Salitang Kastila, isinalin sa Tagalog ni Pastor Reyn Araullo sa tulong ni Claudia Alejandra Elguezabal, Pilipinas, 22 Disyembre 2007 (HTML).
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 Reader's Digest (1995). "Haggai". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin