Ang alampay o pañuelo ay isang Pilipinong malapuntas na burdadong bandanang panleeg o balabal na sinusuot sa palibot ng mga balikat sa ibabaw ng kamisa (blusa). Sila ay may hugis na parisukat at nakatiklop sa kalahati sa anyong tatsulok habang sinusuot. Ang mga alampay o pañuelo ay direktang hinalinhan ng balabal ng Maynila.

Unang bahagi ng ika-19 na dantaong pañuelo sa Kalakhang Museo ng Sining
Unang bahagi ng ika-20 na dantaong pañuelo gawa sa burdadong hibla ng telang pinya, sa Museong Honolulu ng Sining

Paglalarawan

baguhin

Ang mga alampay o pañuelo ay gawa sa malapuntas na hinabing telang nipis mula sa hiblang abaka ayon sa kaugalian. Sila ay may hugis-parisukat at nakatiklop sa kalahati sa anyong tatsulok habang sinusuot sa palibot ng mga balikat. Itinatampok nila ang mabulaklaking burda (gamit ang mga pamamaraan tulad ng calado, sombrado, at deshilado). Sa karagdagan ng katutubong hibla ng abaka, gawa rin mula sa hiblang telang pinya, nakuha mula sa mga pinya na ipinakilala ng mga Espanyol. Itinatampok din nila ang mga gilid na puntas o buhol-buhol na palawit, isang elementong Espanyol na nakuha mismo mula sa Moro.[1][2][3]

Sila ay isang integral at natatanging bahagi ng tradisyunal na grupong baro't saya grupo ng mga karaniwang Pilipino at ang grupong traje de mestiza ng mga kababaihang aristokratikong Pilipino (kasama ang tapis at abaniko), habang dinadala nila ang kahinhinan sa medyo mababang linyang panleeg ng tradisyonal na kamisa. Ang mga ito ay isinusuot noong ika-18 at ika-19 na dantaon nguni't bihirang gamitin sa kasalukuyan sa mga makabagong bersyon ng damit na terno.[1][2][3]

Kasaysayan

baguhin

Ang mga alampay o pañuelo ay nagmula sa mga nakaugaliang balabal sa Pilipinas bago dumating ang mga mananakop, ito ay mga panakip sa ulo at leeg sa mga kababaihang Tagalog bago ang kolonyal. Ang mga ito ay dinala sa panahon ng pangkolonyang Espanyol at nakakuha ng mga adorno ng disenyong Europeo. Ito rin ay mga mamahaling kalakal na iniluluwas sa pamamagitan ng Galyon ng Maynila sa Bagong Espanya at Europa, minsan bilang mga regalo sa pagkahari.[1][2]

Ang mga alampay o pañuelo ay kinopya ng mga Tsinong mangangalakal sa panahon ng mga ika-18 at ika-19 na dantaon, at ibinenta sa Pilipinas, Espanya, at iba pang kolonyang Espanyol. Ang mga kopyang ito ay gawa sa sutla na burdadong may adornong Tsino. Ito ay naging lubos na kilalang-kilala sa Pilipinas at mabilis na pinagtibay sa mga lokal na moda ng mga kababaihang Luzon sa mataas na antas ng lipunan. Sa katulad na paraan, ito ay naging malawak na hinahangad na luwas na rangya sa lalong madaling panahon pagkatapos makarating sa mga Amerika, kung saan ito ay naging kilala bilang mantón de Manila.[4][5][6] Ang mga ito ay pinaniniwalaang nakapagbabagong-loob sa mga huling disenyo ng reboso ng Amerikang Latino.[7]

Talalarawan

baguhin

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Sumayao, Marco (24 Mayo 2018). "Manunumbalik ba Kailanman ang Baro't Saya bilang Pang-araw-araw na Pilipinong Pangunahing Uso?". Town&Country. Nakuha noong 19 Mayo 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. 2.0 2.1 2.2 Ramos, Marlene Flores (2016). Ang mga Pilipinang Bordadora at ang Pag-usbong ng Nakaugaliang Pagbuburda ng Pinong Istilong Europeo sa Kolonyal na Pilipinas, Mga Ika-19 hanggang Unang Bahagi ng Ika-20 Dantaon (Tisis). Pamantasang Mount Saint Vincent.{{cite thesis}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Terno". SEASite. Sentrong Aralin sa Timog-Silangang Asya, Pamantasan ng Hilagangn Illinois. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Disyembre 2018. Nakuha noong 16 Disyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Arranz, Adolfo (27 Mayo 2018). "Ang Barkong Tsino". South China Morning Post. Nakuha noong 19 Mayo 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Nash, Elizabeth (13 Oktubre 2005). Sevilla, Cordoba, at Granada: Isang Kasaysayang Pangkultura. Limbagan ng Pamantasang Oxford. pp. 136–143. ISBN 9780195182040.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Maxwell, Robyn (2012). Mga Tela ng Timog-Silangang Asya: Kalakalan, Tradisyon at Pagbabagong-anyo. Paglalathalang Tuttle. ISBN 9781462906987.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Schevill, Margot Blum; Berlo, Janet Catherine; Dwyer, Edward B., mga pat. (2010). Mga Nakaugaliang Tela ng Mesoamerika at ang Andes: Isang Antolohiya. Limbagan ng Pamantasan ng Texas. p. 312. ISBN 9780292787612.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)