Astrolohiyang Babilonyo
Ang mga taga-Babylon ang pinaniniwalaang nagmula ang astrolohiya. Ang kanilang mga tabladurang astrolohikal (astrological charts) o mga mapa ng kalangitan ang naging paraan para nila matukoy kung kelan magkakaroon ng tagsibol, tag-araw, tag-lagas, at iba pang mga pangitain sa kalawakan gaya ng eklipse ng buwan at araw at pagdaan ng mga bulalakaw. Ito ang kadahilanang noong dalawang libong taon na ang nakararaan, ang astrolohiya at astronomiya ay isang agham.
Ambag ng mga Sumeriano (Taga-Sumer) sa Astrolohiya
baguhinAng mga Sumeriano na nanirahan sa Mesopotamia noong 4000 B.K. ang unang halimbawa ng mga taong sumamba sa araw, buwan at sa buntalang Venus. (Ang Mesopotamia ay nasa bansang Iraq sa ngayong panahon.) Itinuring ng mga Taga-Sumer na mga diyos ang mga buntalang ito o tahanan ng mga diyos. Ang diyosa ng buwan ay si '''Nanna''', ang diyos ng araw ay '''Utu''', at ang diyosa na si Venus ang pangalan niya ay si Inana. Hindi lang ang mga ito ang diyos ng mga taga-Sumer, marami pang mga diyos silang sinasamba lalo na ang Diyos na naglalang na siyang pinakaimportante sa kanilang mga diyoses.[1]
Ang mga pari noong sinaunang panahon na siyang naatasang makipag-usap sa mga diyoses ang siyang mga naging unang hari. Nabuo ang sistema ng mga templo na kung saan daan-daang tao ang kailangang upahan para mapunan ang pangangailang ng mga pari. Karamihan sa mga taong ito ay mga tagapayo, mga ikalawang-pari, musikero, manlililok, at iba pa. Ang mga hari ay parating merong kaakibat na tagapayo na nakakabasa ng mga pangitain sa kalawakan. Ang tawag sa mga ito ay baru-priests o baru-pari. Masasabi na ang mga baru-pari ay ang mga unang astrologo kasi nakakapagbigay sila ng mga babala batay sa mga pag-inog ng mga eklipse at ng mga bituin. Para makausap nila ang mga diyoses, mga gabundok na istrukutura ang itayo, at di naglaon lumaki ito ng lumaki at tinawag na ziggurat. dito sa mga ziggurat na ito inilagay sa mga tabladura ang mga pormasyon ng mga bituin sa kalangitan, takbo ng araw at pagbabantay sa mga babala ng kalawakan.
Ang mga baru-pari ng Sumeria ay pwersadong itakda ng tumpak ang mga pangitain sa langit. Ang pagtatakda ay naging sining kesa sa agham sa kadahilanang, kasi kailangan ng mga baru-pari ang mahal nila kanilang mga buhay. Kamatayan ang sukli ng maling mga pagtatakda. Dahil sa matematika, tumpak nilang naitatakda ang pagdating mga eklipse at dahil dito ito ang naging tuntungan ng astronomiya. Pero pinagtutuunan ng pansin ng mga baru-pari at pagtatakda ng mga natural na kalamidad, gaya ng baha, pagbabago ng panahon, at iba pa sa kadahilanan ding gusto nilang mapanatili ang kanilang mga kapangyarihang pampolitika. Sa kanilang mga pagpupursige sa pagtatala ng mga kaganapan sa kalangitan ay nabuo at natukoy nila ang mga batas at kaalaman sa pag-inog (siklo) ng araw, buwan, mga buntala, at mga bituin. Dahil dito naisulong nila sa pag-unlad ang astrolohiya at sa kalaunan ay nakabuo na sila ng kalendaryo na kung saan nahati na ang araw sa buwan na binase nila sa isang dosenang pag-inog ng buntalang buwan sa isang taon.
Pag-usbong ng tunay na astrolohiya sa Babylonia
baguhinAng simula ng tunay na astrolohiya ay makikita sa panahon ng Lumang Babylonia noong ikalawang milenyo B.K.. Nakatutok ang mga pagtatakda ng mga paring-astrologo sa kabutihan ng hari at ng kanyang nasasakupan at hindi sa mga indibiduwal na tao. Ang mga paring ito ay partikular sa pag-angat o pagsinag at paglubog ng buntalang Venus sa parte ng kanilang langit. At dahil pabago-bago ang pagsikat nito, minsan sa umaga, minsan sa gabi at minsan ay parang paatras ang takbo niya sa langit (retrograde), naikabit ang Venus sa pagtatakda ng pag-ibig at digmaan.
Bandang 1300 B.K., nabuo na ang pagtatayo ng mga horoscope ng karaniwang tao. Ang mga pagtatakda nito ay nakabatay kung kelan ipinanganak ang isang sanggol. Sa panahong ito ang mga buntala sa kalangitan ay tukoy na at laganap na ang pagbabasa ng mga tabladura o mga astrological charts.[2]
Nasakop ng Assyria ang Babylonia noong 726 B.K., sa panahong ito nagbago ang mga Diyoses. Ang mga diyoses ng mga mananakop ang naging tanyag kesa sa mga sinauna. Sa panahong ito, ang Diyos ng Araw na si Shamash ang pangunahing diyos. Nagkaroon dito ng masigabong paglakas ng astrolohiya. Ganunpaman, pangunahin pa din ang mga pagtatakda tungkol sa kabutihan ng kaharian ng Assyria at hindi para sa karaniwang tao. Nalutas ng mga bagong salta sa Babylon ang napakatagal na problema sa kalendaryo. Nakabuo sila ng isang maasahan at tumpak na kalendaryo. Naisaayos ang mga mapa at listahan ng mga bituin. Dahil sa mga mapang ito ay nabuo ang pundasyon natin hinggil sa mga pangkat ng mga bituin o (constellation). Nakagawa din sila ng maayos na astrolabe o instrumentong pansukat sa liwanag at layo ng mga bituin. Ang mga pagtatakda ay mahalaga sa mga paring-astrologo/astronomo ng Assyria, dahil ito'y pinag-uusapan sa bulwagan ng kapulungan ng hari at mga dugong-bughaw. At talaga namang mataas ang pagtingin at sobrang ginagalang ang sinomang pari na naganap ang kanyang mga itinakda.
Mahalaga sa mga taga-Assyria ang paggalaw sa pangkat ng mga bituin ng limang buntala na kanilang tinukoy na diyos o tahanan ng mga diyos. Ang pangalan ng mga buntalang ito sa kalaunan ay napalitan ng mga pangalang Griyego, Latin, at sa ngayon ay Ingles.
Buntala | Assyriano |
---|---|
Araw | Shamash |
Buwan | Sin |
Venus | Ishtar |
Mercury | Nebo o Nabu |
Mars | Nergal |
Saturn | Ninurta |
Jupiter | Marduk |
Ang sumunod na pahina sa kasaysayan ng astrolohiya sa panahon ng Bagong Babylonia bandang 600-300 B.K.. Ang mga tanyag na mga astrologo dito ay sina Kiddinu, Berossus, Antipatrus, Achinopoulus at Sudines. Sa panahong ito nabuhay ang horoscope o natal astrology o astrology ng pagkabuhay. Dahil naisaayos na ng mga sinaunang Assyrian ang mga talaan ng mga bituin nabuhay na din sa wakas ang sodyak.
Narito ang mga pangalan ng mga sodyak at ang kanilang katawagan sa Babylonia
Noong taong 1996, halos labing-anim na mga horoscope ay nahukay mula sa mga lumang lungsod ng Babylonia. Nakatala dito kung anong kalagayan ng mga butala sa langit at mga pagtatakda noong kapanganakan nung may-ari ng horoscope.
Sumunod na kaganapan
baguhinNapadpad ang mga agham na ito sa mga Griyego bandang apat na siglo bago isilang si Kristo B.K. at dahil sa mga pag-aaral nila Plato, Aristotle, lalong lalo na si Ptolemy at marami pang iba, nakilala ang astrolohiya bilang isang agham. Lumaganap ang karunungang ito ito sa mga Romano na bukas-loob nilang tinanggap. Ang mga pangalan ng mga signos sa sodyak na ginagamit pa din magpasahanggang-ngayon ay pangalang halaw sa mga Romano. Ang tunay na nagpalaganap talaga ng astrolohiya sa buong daigdig ay ang mga Arabo.
Ang tunay na gamit ng mga tabladurang pangkalawakan ng mga taga-Babylon ay ang paglalagay ng kaayusan sa mistulang magulo at di maintindihang sansinukob. Di nagtagal ang mga tabladurang ito ay ginamit para tukuyin ang mga galaw at pagbabago ng panahon para sa pagtatanim, pag-aani at mga gawaing sakahan.
Dahil nakita ng mga tao ang kagalingan ng mga astrologo sa pagtukoy ng mga panahong ito, nagamit na din ang mga tablura sa pagtukoy at paghula sa mga natural na kalamidad gaya ng baha, bagyo, digmaan at mga pang-araw-araw na suliranin ng mga dugong-bughaw sa Babylon. Dahil sa karamihan ng mga pagtukoy ng mga kaganapan batay sa mga tabladura ay parating tumpak natural na ginusto ito ng mga hari at naghaharing-uri para gabayan sila sa kanilang araw-araw na pamamahala ng kanilang mga nasasakupan, hanggang sa di naglaon, hindi lang mga dugong-bughaw ang gumamit nito, kundi pati na din ang mga karaniwang mamamayan ang gumamit nito.
Sanggunian
baguhin- ↑ Astrology History in Egypt
- ↑ Abetti, Giorgio. The History of Astrology. Henry Schuman, New York. 1952.