Ang Batam ay ang pinakamalaking lungsod sa Kapuluan ng Riau at pangatlong pinakamalaking lungsod sa Sumatra kasunod ng Medan at Palembang.

Batam
Transkripsyong Other
 • Jawiباتام
 • Chinese巴淡
 • PinyinBā dàn
Tanawin ng Batam
Tanawin ng Batam
Opisyal na sagisag ng Batam
Sagisag
Palayaw: 
Indones: Kota Industri, lit. 'Ang Industriyal na Lungsod'
Bansag: 
Indones: Terwujudnya Batam Sebagai Bandar Dunia yang Modern dan Pusat Pertumbuhan Ekonomi Nasional, lit. 'Ang pagsasakatuparan ng Batam bilang isang modernong mundo-class na lungsod at isang sentro ng pambansang paglago ng ekonomiya'
Batam is located in Indonesia
Batam
Batam
Lokasyon sa Indonesia
Mga koordinado: 1°05′N 104°02′E / 1.083°N 104.033°E / 1.083; 104.033
Bansa Indonesia
LalawiganKapuluan ng Riau
RehiyonSumatra
Pamahalaan
 • Punong LungsodMuhammad Rudi
 • Pangalawang Punong LungsodAmsakar Achmad
Lawak
 • Kabuuan1,595 km2 (616 milya kuwadrado)
 • Lupa715 km2 (276 milya kuwadrado)
 • Tubig880 km2 (340 milya kuwadrado)
Populasyon
 (May 2015)
 • Kabuuan1,035,280
 • Kapal650/km2 (1,700/milya kuwadrado)
 • Densidad sa urban800/km2 (2,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+7 (IWST)
Zip code
29453
Kodigong pantawag(+62) 778
Plaka ng sasakyanBP
Websaytbatamkota.go.id

Binubuo ang Kalakhang Batam ng tatlong pulo, kasama ang Pulo ng Batam, Galang Rempang at ay konektado sa pamamagitan ng isang tulay Barelang.

Ang kinasasakupan ng pangangasiwa ng lungsod ng Batam ay sumasaklaw sa ilang mga pulo: ang Pulo ng Batam ay ang pusod urbano at sonang industriyal. Kapwang nakakonekta ang mga Pulo ng Galang at Rempang sa Pulo ng Batam sa pamamagitan ng mga maiksing tulay, kolektibong tinatawag ang tatlong mga pulo na ito bilang Barelang.

Ang Batam ay isang lungsod na may estratehikong kinaroroonan. Bilang karagdagan sa mga pandaigdigang daanan ng pamamahagi, may maigsing layo ang lungsod sa Singapore at Malaysia. Isa ang Batam sa mga lungsod sa bansa na may mabilis na paglago ng populasyon. Noong itinatag ito sa unang bahagi ng dekada-1970 isa pa lamang itong bayan na may halos 6,000 katao. Sa loob lamang ng 40 taon lumago nang 158 beses ang populasyon ng Batam.

Mapupuntahan ang lungsod gamit ang himpapawid at dagat. Ang Paliparang Pandaigdig ng Hang Nadim ay ang pangunahing paliparan ng pulo, at mayroon itong pinakamahabang runway sa lahat ng mga paliparan sa Indonesia. Ito ay ang pinakamalaking paliparan sa rehiyon ng Sumatra mula 1995 hanggang 2012, na may kakayahan ng anim na milyong pasahero kada taon, at ito na ngayon ang pangalawang pinakamalaking paliparan sa Sumatra kasunod ng Paliparang Pandaigdig ng Kuala Namu in Medan na may kakayahan ng walong milyong pasahero. May 4 na pares ng mga jetbridge at 2 mga isahang jetbridge. Pusod ang Paliparang Pandaigdig ng Hang Nadim para sa Lion Air, Batik Air, Citilink, at Malindo Air. Ang BP Batam, na nagpapatakbo ng Paliparang Pandaigdig ng Hang Nadim, ay magtatayo ng isang bagong terminal na may kakayahan ng 8 milyong pasahero kada taon para sa bawat terminal (sa kabuuan 16 milyong pasahero kada taon para sa dalawang mga terminal) sa huling bahagi ng taong 2016. Nilalayon ng BP Batam na magtayo ng walong pares ng mga jetbridge sa bagong terminal.[1] Kabilang sa mga panloob na paroroonan ay Pekanbaru, Palembang, Medan, Jakarta, Padang, Surabaya, Bandung, Bandar Lampung, Balikpapan, Yogyakarta, Makassar, at marami pang iba. Sa kasalukuyan, ang mga pandaigdigang lipad ay sa Kuala Lumpur, Malaysia (na pinapatakbo ng Malindo Air).

Ang lokal na mga pantalang terminal ng ferry ay nag-uugnay sa kalapit na Singapore at Bintan, at nagbibigay ng mga ruta patungong Johor Bahru (Malaysia). Ang limang mga terminal ng ferry ay nasa pulo: Harbourbay, Nongsapura Ferry Terminal, Sekupang, Waterfront City, at Pandaigdigang Terminal ng Ferry ng Batam Centre.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Airports in Indonesia". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-04-29. Nakuha noong 2017-11-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin