Bible Student (kilusan)

Ang Bible Student movement (Kilusan ng mga Estudyante ng Bibliya) ay isang kilusang milenyalistang[1] restorasyonistang Kristiyano na lumitaw mula sa mga katuruan at pangangaral ni Charles Taze Russell na kilala bilang Pastor Russell. Tinatawag ng mga kasapi nito ang kanilang mga sarili bilang Bible Students, International Bible Students, Associated Bible Students, or Independent Bible Students. Ang mga pinagmulan ng Bible Student movement ay nauugnay sa pagkakabuo ng Zion's Watch Tower Tract Society noong 1881.

Kasaysayan

baguhin

Noong mga 1869,[2] si Charles Taze Russell ay dumalo sa isang pagpupulong ng isang pangkat na tinatawag na mga "Ikalawang Adbentista" sa Pittsburgh, Pennsylvania at narinig ang mangangaral na Advent Christian[3] na si Jonas Wendell na nagpapaliwanag ng paniniwala nito tungkol sa mga propesiya ng Bibliya.[4][5][6] Si Wendell ay naimpluwensiyahan ng mga katururan ng mangangaral na Baptist na si William Miller at tumakwil sa mga tradisyonal na paniniwalang Kristiyano ng imortal na kaluluwa at sa isang literal na impiyerno [7] at nagbigay ng sariling interpretasyon sa mga Aklat ni Daniel at Aklat ng Pahayag upang hulaan ang muling pagbabalik ni Hesus noong 1873. [8] Nakumbinsi si Russell na ihahayag ng Diyos ang kanyang tungkulin sa mga huling araw ng "panahon ng ebanghelyo at bumuo ng isang independiyenteng pangkat ng pag-aaral ng bibliya sa Pittsburgh. Itinakwil ni Russell ang mga katuruang Adbentista na ang tungkulin ng pagbabalik ni Hesus ay upang wasakin ang mundo.[6] Sa halip ay bumuo si Russell ng isang pananaw na si Kristo ay namatay upang bayaran ang "halagang katubusan" upang magbayad sa mga makasalang tao at naglayong ibalik ang mga tao sa kasakdalang edeniko na may pagkakataon na mabuhay nang walang hanggan. [6] Tulad ni Wendell, kanya ring itinakwil ang konsepto ng parusang apoy ng impiyerno at isang imortal na kaluluwa.[9] Noong mga gitnang 1870, inilimbag ni Russell ang 50,000 kopya ng isang pampletong tinawag na The Object and Manner of Our Lord's Return[10] na nagpapaliwanag ng kanyang mga pananaw at paniniwala na si Hesus ay babalik ng hindi nakikita bago ang digmaan ng Armageddon. Kalaunang kinilala ni Russell ang impluwensiya ng mga ministrong Adbentista na sina George Storrs (na mas maagang humula ng pagbabalik ni Hesus sa taong 1844)[5] at George Stetson sa pagkakabuo ng kanyang mga doktrina.[6] Ayon kay James Penton, si Russell ay malakas ring sumasalamin sa mga katuruan ng pastor na Lutherano sa Philadelphia na si pastor Joseph Seiss.[5]

Noong Enero 1876, binasa ni Russell ang isyu ng Herald of the Morning na isang peryodikal na inedit ng mangangaral na Adbentista na si Nelson H. Barbour ng Rochester, New York. Ito ay halos tumigil sa paglilimbag dahil sa papaunting mga subskripsiyon nito.[6] Si Barbour tulad ng ibang mga Adbentista ay mas maagang naglapat ng mga hula ng bibliya tungkol sa mga panahon nina Miller at Wendell upang kwentahin ang pagbabalik ni Hesus sa taong 1874 upang magdala ng siga ng apoy.[11] Nang hindi matupad ang hula, siya at ang kanyang kapwa manunulat na si J.H. Paton ay naniwalang ang kanilang mga pagkukwenta ng panahon ng pagbabalik ni Hesus ay tama ngunit nagkamali sa paraan nito. Kanilang pinagpasyahang ang pagbabalik ni Hesus o parousia ay hindi makikita at si Kristo ay dumating na simula pa noong 1874.[6][12][13] Nagalak si Russell na malamang ang iba ay umabot sa parehong konklusyon tungkol sa parousia. Siya ay nagpasyang ang kanilang paglalapat ng mga hula sa panahon ng pagbabalik ng mga Adbentista (na matagal niyang kinamuhian) ay nararapat nang karagdagang pagsisiyasat. Siya ay nakipagpulong kay Barbour at tumanggap ng detalyado at masalimuot na mga argumento tungkol sa kronolohiyang propetiko[14] at nagpondo sa kanya upang isulat sa isang aklat na nagsama ng kanilang mga pananaw.[6]

Linya ng panahong 1870–1916
1877 Inilimbag nina Russell at Barbour ang Three Worlds
1879 Sinimulang ilimbag ni Russell ang Watch Tower
1881 Ang Watch Tower Bible and Tract Society ay itinatag
1909 Unang pagkakabahagi
mga liham ng pagpoprotesta
1914 Inilabas ang Photo-Drama of Creation
1916 Si Russell ay namatay

Ang aklat na Three Worlds and the Harvest of This World,[15] ay inilimbag noong maagang 1877.[16] Inihahayag nito ang mga ideya na nanatiling mga katuruan ng mga kaugnay ni Russell sa sumunod na 40 taon na ang karamihan ay niyayakap pa rin ng mga Saksi ni Jehova. Tinukoy ng aklat na ito ang isang 2520 taong panahong na tinawag na "Mga Panahon ng Hentil" na magwawakas noong 1914. Ito ay kumalas sa mga katuruang Adbentista sa pamamagitan ng pagsusulong ng konsepto ng restitusyon ni Russell na ang lahat ng sangkatauhan mula kay Adan ay muling bubuhayin at mabibigyan ng pagkakataon para sa isang walang hangganang sakdal na buhay ng tao. Inangkin ni Russell na ito ang unang aklat na nagsama ng mga propesiya sa huling panahon sa konsepto ng restitusyon. Tinalakay nito ang konsepto ng magkahilerang dispensasyon at nagmungkahi na ang "bagong paglikha" ay magsisimula sa 6000 taon pagkatapos ng paglikha kay Adan na isang punto sa panahong kanyang pinaniwalaang umabot noong 1872.[17] Noong 1878, itinuro ni Russell ang pananaw na Adbentista na ang "panahon ng kawakasan" ay nagsimula noong 1799[18], si Kristo ay bumalik sa mundo nang hindi nakita noong 1874[19] at kinoronahang hari sa langit noong 1878. Naniwala rin si Russell na ang taong 1878 ang nagmarka ng muling pagkabuhay ng mga "natutulog na santo"(na lahat ng mga matapat na Kristiyano na namatay hanggang sa panahong iyon) at dadalhin sa langit gayundin ang "pagbagsak ng Babilonya" na kanyang itinurong ang huling paghuhukom ng Diyos sa hindi matapat na sangkaKristiyanuhan.[20][21] Naniwala siyang ang Oktubre 1914 ang wakas ng panahong pag-aani na magtatapos sa pasimula ng Armageddon na mamamalas sa paglitaw ng anarkiyang pandaigdigan at pagbagsak at pagkawasak ng sibilisadong lipunan. [22][23] Sina Russell, Barbour at Paton ay nagsimulang maglakbay na nagdadaos ng mga pagpupulong na pampubliko upang talakyin ang kanilang mga paniniwala. Para kay Russell, ito ay hindi sapat: "Sa pagpansing kung gaano kabilis na nalimutan ng mga tao ang kanilang narinig, agad na naging ebidente na bagaman ang mga pagpupulong ay magagamit sa pagmumulat ng interest, ang isang buwanang journal ay kailangan upang panatilihin ang interest na ito at paunlarin ito."[6] Binigyan niya si Barbour ng mga karagdagang pondo upang buhayin ang The Herald of the Morning. Pinutol ni Russell ang kanyang ugnayan sa magazine noong Hulyo 1879 pagkatapos na tutulan ni Barbour sa publiko ang konsepto ng pagtubos ni Russell. [6][24] Sinimulang ilimbag ni Russell ang kanyang sariling buwanang magazine na Zion's Watch Tower and Herald of Christ's Presence[25][26] na kilala ngayon bilang The Watchtower na ipinadadala sa lahat ng mga nagsubskriba ng Herald. Ito ay sumasalungat sa mga katuruan ni Barbour. [5][11]

Mula 1879, ang mga tagasuporta ng Watch Tower ay nagtipon bilang isang autonomosong mga kongregasyon upang pag-aralan ang bibliya nang ayon sa paksa. Itinakwil ni Russell ang konsepto ng isang pormal na organisasyon bilang "buong hindi kailangan" para sa kanyang mga tagasunod. Kanyang idineklarang ang kanyang pangkat ay walang record para sa pangalan ng mga kasapi nito, walang mga kredo, at walang pangalang sektaryano.[27] Kanyang isinulat noong Pebrero 1884: "Sa anumang mga pangalang maaari tayong tawagin ng mga tao, hindi mahalaga sa atin...simpleng tinatawag natin ang ating mga sarili bilang mga Kristiyano."[28] Ang 30 kongregasyon ay itinatag at noong 1879 at 1880, dinalaw ni Russell ang bawat isa upang magbigay ng format na kanyang nirekomiyenda sa pagsasagawa ng mga pagpupulong.[29] Habang patuloy na nabubuo ang mga kongregasyon noong panahon ng pangangaral ni Russell, ang bawat isa sa kanila ay nanatiling nangangasiwa sa sarili at gumagana sa ilalim ng isang istilong kongregasyonalista ng pangangasiwa ng iglesia.[30][31] Noong 1881, ang Zion's Watch Tower Tract Society ay pinangasiwaan ni William Henry Conley at noong 1884, ay ininkorpora ito ni Charles Taze Russell bilang isang hindi-nakikinabang na negosyo upang ipamahagi ang mga trakto at bibliya. [32][33][34] Noong mga 1900, si Russell ay nangasiwa ng mga libo libong bahagi at buong panahong mga colporteur[35] at humihirang ng mga dayuhang misyonero at nagtatag ng mga opisinang sangay. Noong mga 1910, ang organisasyon ni Russell ay nagpanatili ng halos isang daang mga peregrino o mga naglalakbay na mangangaral.[36]

Inilipat ni Russell ang Watch Tower Society's headquarters sa Brooklyn, New York noong 1909 na nagsasama ng mga opisina ng korporasyon at palimbagan kasama ng isang bahay ng sambahan. Ang mga boluntero ay nakabahay sa isang kalapit ng tirahang tinawag na Bethel. Noong 1910, ipinakilala ni Russell ang pangalang International Bible Students Association bilang paraan ng pagtukoy sa kanyang pandaigdigang pamayanan ng mga pangkat na nag-aaral ng bibliya.[37]

Noong mga 1910, ang mga 50,000 sa buong mundo ay nauugnay sa kilusang ito[38] at ang mga kongregasyon ay paulit ulit na humalal sa kanya ng nang taunan bilang kanilang "pastor". [39] Si Russell ay namatay noong Oktubre 31, 1916 sa edad na 64 habang bumabalik mula sa isang paglalakbay ng pangangaral.[40]

Mga pagkakabahagi

baguhin
 
Isang pinasimpleng chart ng mga pagkakabahagi ng mga pangunahing pangkat sa loob ng Bible Student movement

Noong 1905, itinuro ni Paul S. L. Johnson(na isa sa mga "pilgrimahe" at isang dating ministrong Lutherano) kay Russell na ang kanyang mga doktrina tungkol sa Bagong Tipan ay sumailalim sa kumpletong pagbaliktad. Hanggang 1880, itinuro ni Russell na ang Bagong Tipan ay ilulunsad lamang pagkatapos na ang huli sa mga 144,000 pinahirang Kristiyano ay dalhin sa langit. [41] Gayunpaman, simula 1881, isinulat ni Russell na ito ay may bisa na.[42][43] Muling isinaalang-alang ni Russell ang tanong at noong Enero 1907 ay sumulat ng ilang mga artikulong Watch Tower na muling nagpapatibay ng kanyang 1880 posisyon na ang bagong tipan ay eksklusibong nabibilang sa paparating na panahon."[44].Itinuro rin ni Russell na ang mga Kristiyanong bumubuo ng 144,000 ay sasali kay Kristo bilang kapwa tagapagmana at katulong na tagapamagitan sa panahong milenyo. [45] Noong Oktubre 24, 1909 ang dating Watch Tower Society secretary-treasurer na si E.C. Henninges na sa panhong iyon ay isa nang manager ng sangay sa Australia ay sumulat ng bukas na liham ng pagpoprotesta kay Russell na nagtangkang hikayatin siyang iwan ang katuruang ito. Tinawag ni Henninges ang mga Bible Student na siyasatin ang lehitimasya nito. Nang tumanggi si Russell, si Henninges at ang karamihan ng kongregasyon sa Melbourne ay lumayas sa kilusan ni Russell upang bumuo ng New Covenant Fellowship. Ang mga daan daan ng 10,000 Bible Students sa Estados Unidos ay lumayas rin kabilang ang pilgrimaheng si M. L. McPhail na isang kasapi ng Chicago Bible Students, at A. E. Williamson of Brooklyn na bumuo ng New Covenant Believers.[43][46] Ang isang bilang ng mga pagkakabahagi ay nabuo sa loob ng mga kongregasyon ng Bible Student na nauugnay sa Watch Tower Society sa pagitan ng 1909 at 1932.[47][48] Ang pinakamahalagang pagkakabahagi ay nagsimula noong 1917 kasunod ng pagkakahalal kay Joseph Franklin Rutherford bilang presidente ng Watch Tower Society na dalawang buwan pagkatapos mamatay ni Russell. Ang pagkakabahagi ay nagsimula sa kontrobersiyal na pagpapalit ni Rutherford ng apat sa lupon ng mga direktor ng Society at publikasyon ng The Finished Mystery. Noong Enero  1917, ang legal na kinatawan ng Watch Tower Society na si Joseph Franklin Rutherford ay nahalal bilang sumunod na presidente nito. Ang pagkakahalal ay tinutulan at ang mga kasapi ng Lupon ng mga Direktor ay nag-akusa sa kanya ng pag-asal sa paraang autokratiko at malihim.[49][50] Noong Hunyo  1917, kanyang inilabas ang The Finished Mystery bilang ikapitong bolyum ng seryeng Studies in the Scriptures ni Charles Taze Russell. Ang aklat na inilimbag bilang kasulatang pagkatapos nang kamatayan ni Russell ay isang pagtitipon ng kanyang mga komentaryo sa mga Aklat ni Ezekiel at Aklat ng Pahayag kasama ng mga maraming karagdagan ng mga Bible Student na sina Clayton Woodworth ay George Fisher.[51][52][53][54] Malakas nitong binatikos ang mga klero ng Simbahang Katoliko Romano at Protestante at pakikilahok ng mga Krisityano noong Unang Digmaang Pandaigdig.[55] Dahil dito, ang mga direktor ng Watch Tower Society ay ipinabilanggo para sa sedisyon sa ilalim ng Akto ng Pang-eespiya noong 1918. Ang mga kasapi nito ay isinailalim sa karahasan ng mga tao. Noong 1920, ang mga kaso laban sa mga direktor ay pinawalang bisa.[56]

Ginawang sentral ni Rutheford ang kontrol na organisasyonal ng Watch Tower Society. Noong 1919, humirang siya ng isang direktor sa bawat kongregasyon at pagkatapos ng isang taon, ang lahat ng mga kasapi ay inutusang mag-ulat ng kanilang lingguhang gawaing pangangaral sa kanilang Brooklyn headquarters.[57] Sa isang internasyonal na kombensiyon na idinaos sa Cedar Point, Ohio noong Setyembre  1922, ang isang bagong pagbibigay diin ay ginawa sa pangangaral ng bahay-sa-bahay.[58] Ang mga malalaking pagbabago sa doktrina at pangangasiwa ay palaging ipinapakilala ni Rutherford sa loob ng kanyang 25 taong pamumuno kabilang ang kanyang 1920 pahayag na ang mga patriarkang Hudyo gaya nina Abraham at Isaac ay muling binuhay noong 1927 na nagmamarka ng pagsisimula ng 1000 taong paghahari ni Hesus.[59][60][61] Sa pagkasiphayo sa mga pagbabagong ito, ang mga sampung libong kasapi nito ay lumayas noong unang kalahati ng pamumuno ni Rutherford na humantong sa pagkakabuo ng ilang mga organisasyong Bible Student na malaya mula sa Watch Tower Society[62][63] na ang karamihan ay umiiral pa rin hanggang sa kasalukyan.[64] Noong mga gitnang 1919, ang kasing rami ng isa sa pitong mga Bible Student ng panahon ni Russell ay tumigil ng kanilang pakikipag-ugnayan sa Watch Tower Society at kasing rami ng mga 2/3 ay lumayas sa Watch Tower Society sa wakas ng mga 1920 . [65][66][67][68][69]

Sa pagitan ng 1918 at 1929, ang ilang mga paksiyon ay bumuo ng kanilang mga independiyenteng fellowship kabilang ang Standfast Movement, the Pastoral Bible Institute, ang Laymen's Home Missionary Movement na itinatag ni P.S.L. Johnson at ang Dawn Bible Students Association. Ang mga pangkat na ito ay mula konserbatibo na nag-aangking mga tunay na tagasunod ni Russell hanggang sa mas liberal na nag-aangkin ang papel ni Russell ay hindi kasing halaga gaya ng minsang pinaniwalaan. [70] Ang paksiyon ni Rutherford ng Bible Student movent ay nagpanatili ng kontrol ng Watch Tower Society[70] at kumuha ng pangalang Jehovah's witnesses noong Hulyo 1931. Ang kasalukuyang bilang ng mga kasapi sa buong mundo ng iba't ibang mga pangkat ng Bible Student movement na malaya mula sa Watch Tower Society ay tinatayang kaunti sa 75,000.[71][72]

Associated Bible Students

baguhin

Ang mga pangkat na Associated Bible Students groups na kumakapit sa mga katuruan ni Charles Taze Russell ay kinabibilangan ng Independent Bible Students, StandFast Bible Students and Dawn Bible Students. Ang The Dawn Bible Students ay sama samang bumubuo ng pinakamalaking segmento ng Bible Student movement na humiwalay mula sa Watch Tower Society.[73]

Free Bible Students

baguhin

Ang Free Bible Students ay humiwalay nang napakaaga mula sa Watchtower Society habang sinimulang baguhin ni Russell ang kanyang ilang mga katuruan. Kanilang itinakwil ang karamihan ng mga kasulatan ni Russell bilang kamalian.

Laymen's Home Missionary Movement

baguhin

Itinatag ni Paul S. L. Johnson ang Laymen's Home Missionary Movement noong 1919. Naniwala si Johnson na hinirang siya ng Diyos bilang opisyal na kahaliling espiritwal ni Russell. Naniwala rin siyang siya ang huling kasapi ng 144,000 at ang pag-asa ng makalangit na gantimpala ng imortalidad para sa tapat na mga Kristiyano ay titigil pagkatapos ng kanyang kamatayan. Ang kamatayan ni Johnson 1950 ay humantong sa panloob na hindi pagkakasunduan tungkol sa kanyang papel bilang isang gurong pinili ng Diyos at nagresulta sa pagkakabuo ng mga humiwalay na pangkat gaya ng Epiphany Bible Students Association, at Laodicean Home Missionary Movement.

Friends of Man

baguhin

Ang manager ng Watch Tower Society sa Switzerland simula 1898 na si Alexander F. L. Freytag ay hindi umayon sa mga katuruan ni Russell bago ang kamatayan nito noong 1916. Nagsimulang maglimbag siya ng kanyang sariling mga pananaw gamit ang mga palimbagagan ng Watch Tower Society noong 1917 at pinalayas mula sa Watch Tower Society ni Rutherford noong 1919. Noong 1920, itinatag ni Freytag ang Angel of Jehovah Bible and Tract Society na kilala rin bilang Philanthropic Assembly of the Friends of Man and The Church of the Kingdom of God. Naglimbag siya ng dalawang journal na buwanang The Monitor of the Reign of Justice at lingguhang Paper for All.[74]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Crompton, Robert (1996). Counting the Days to Armageddon. Cambridge: James Clarke & Co. p. 12. ISBN 0-227-67939-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Zion's Watch Tower, July 1879, page 1, states the date of Russell's encounter with Wendell as "about 1869". Rogerson (p.6), Crompton (p.30) and The Watchtower (January 1, 1955) claim it was in 1870, Wills (p.4) states it was 1868; Penton and Jehovah's Witnesses, Proclaimers of God's Kingdom (p. 43) say it was 1869. Russell's later recounting of his story in Zion's Watch Tower, July 15, 1906, leaves the actual date unclear.
  3. Jehovah's Witnesses—Proclaimers of God's Kingdom, Watch Tower Bible & Tract Society, 1993, p. 43. According to Alan Rogerson, Russell used the collective term "Second Adventists" to refer to a number of sects prophesying the imminent Second Advent of Jesus.
  4. Crompton, Robert (1996). Counting the Days to Armageddon. Cambridge: James Clarke & Co. pp. 30. ISBN 0-227-67939-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 Penton, M. James (1997, 2nd ed.). Apocalypse Delayed: The Story of Jehovah's Witnesses. University of Toronto Press. pp. 13–46. ISBN 0-8020-7973-3. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 6.6 6.7 6.8 "A sketch of the development of present truth", Zion's Watch Tower, July 15, 1906.
  7. Wills, Tony (2006). A People For His Name. Lulu Enterprises. p. 4. ISBN 978-1-4303-0100-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "1873 reprint of The Present Truth or Meat in Due Season, Jonas Wendell, 1870, with additional essay" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-09-27. Nakuha noong 2013-11-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. *Wills, Tony (2006). A People For His Name. Lulu Enterprises. pp. 5, 6. ISBN 978-1-4303-0100-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. The pamphlet was published in 1873, according to the Watch Tower Bible & Tract Society, while James Penton argues that it was as late as 1877.
  11. 11.0 11.1 Zion's Watch Tower, July 1879, page 1.
  12. "http://www.heraldmag.org/olb/contents/history/barbour%20midnight%20cry.htm N.H. Barbour, Evidences for the Coming of the Lord in 1873: or the Midnight Cry, 1871". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-07-07. Nakuha noong 2013-11-02. {{cite web}}: External link in |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. The Midnight Cry and Herald of the Morning, Naka-arkibo 2009-07-14 sa Wayback Machine. March 1874. See Section under "Our Faith."
  14. Wills, Tony (2006). A People For His Name. Lulu Enterprises. p. 8. ISBN 978-1-4303-0100-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. N.H. Barbour and C.T. Russell. Three Worlds and The Harvest of This World, 1877 Naka-arkibo 2006-03-20 sa Wayback Machine.. Accessed March 15, 2006.
  16. Though the book bore the names of both men as authors, Russell (Watch Tower, July 15, 1906) noted it was "mostly written by Mr Barbour". James Penton (Apocalypse Delayed) points out that in early issues of the Watch Tower, Russell repeatedly referred to Barbour as its author.
  17. N.H. Barbour & C. T. Russell, Three Worlds, 1977, page 67.
  18. "The 'Time of the End,' a period of one hundred and fifteen (115) years, from A.D. 1799 to A.D. 1914, is particularly marked in the Scriptures." Thy Kingdom Come, 1890, p. 23.
  19. Watch Tower Bible & Tract Society 1993, pp. 631–632
  20. Thy Kingdom Come (1890), Volume 3 of Studies in the Scriptures, pp. 305-308.
  21. "This spuing out, or casting off, of the nominal church as an organization in 1878, we then understood, and still proclaim, to be the date of the commencement of Babylon's fall..."—"The Consummation of Our Hope" Naka-arkibo 2006-10-04 sa Wayback Machine. in Zion's Watch Tower, April 1883. Reprints pp. 474-5.
  22. [1] Naka-arkibo 2011-10-02 sa Wayback Machine. The Watch Tower, July 1881, "Future Work and Glory"
  23. "Things to Come--And The Present European Situation" Naka-arkibo 2008-12-11 sa Wayback Machine., The Watch Tower, January 15, 1892, Reprints, p. 1355
  24. Wills, Tony (2006). A People For His Name. Lulu Enterprises. p. 9. ISBN 978-1-4303-0100-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Issues of the Watch Tower from 1879-1916 are available at http://www.mostholyfaith.com/bible/Reprints/index.asp Naka-arkibo 2019-03-31 sa Wayback Machine. or by article at: http://www.agsconsulting.com/htdbv5/links.htm Naka-arkibo 2012-05-01 sa Wayback Machine.. The text was taken from the seven-volume Reprints printed in 1919 and compared with the original issues up to December 15, 1916 to remove transcription errors and add articles that had been excluded.
  26. Holden & 2002 Portrait, p. 18
  27. Raymond Franz, "In Search of Christian Freedom", Commentary Press, 2007, chapter 4
  28. Watch Tower, February 1984, reprinted at [2] Naka-arkibo 2014-03-15 sa Wayback Machine. and cited by Franz, "In Search of Christian Freedom", chapter 4.
  29. 1975 Yearbook of Jehovah's Witnesses, Watch Tower, pages 38–39
  30. Zion's Watch Tower, September 1884, pp. 7-8
  31. Studies in the Scriptures volume 6 "The New Creation" pp. 195-272
  32. C.T. Russell, "A Conspiracy Exposed", Zion's Watch Tower Extra edition, April 25, 1894, page 55–60, "This is a business association merely ... it has no creed or confession ... it is merely a business convenience in disseminating the truth."]
  33. Historical Dictionary of Jehovah's Witnesses by George D. Chryssides, Scarecrow Press, 2008, page xxxiv, "Russell wanted to consolidate the movement he had started. ...In 1880, Bible House, a four-story building in Allegheny, was completed, with printing facilities and meeting accommodation, and it became the organization's headquarters. The next stage of institutionalization was legal incorporation. In 1884, Russell formed the Zion's Watch Tower Tract Society, which was incorporated in Pennsylvania... Russell was concerned that his supporters should feel part of a unified movement."
  34. Religion in the Twentieth Century by Vergilius Ture Anselm Ferm, Philosophical Library, 1948, page 383, "As the [unincorporated Watch Tower] Society expanded, it became necessary to incorporate it and build a more definite organization. In 1884, a charter was granted recognizing the Society as a religious, non-profit corporation."
  35. Holden, 2002 & Portrait, p. 18
  36. Holden, 2002 & Portrait, p. 19
  37. Religious Diversity and American Religious History by Walter H. Conser, Sumner B. Twiss, University of Georgia Press, 1997, page 136, "The Jehovah's Witnesses...has maintained a very different attitude toward history. Established initially in the 1870s by Charles Taze Russell under the title International Bible Students Association, this organization has proclaimed..."
  38. The New Schaff–Herzog Encyclopedia of Religious Knowledge, 1910, vol 7, pg 374
  39. Penton 1997, p. 26
  40. Rogerson, Alan (1969). Millions Now Living Will Never Die: A Study of Jehovah's Witnesses. Constable & Co, London. p. 31. ISBN 094559406. {{cite book}}: Check |isbn= value: length (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. ""The Three Great Covenants", Zion's Watch Tower, March 1880". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-02. Nakuha noong 2013-11-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "New Covenant vs the Law Covenant", Zion's Watch Tower, September 1887". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-06-15. Nakuha noong 2013-11-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. 43.0 43.1 Wills, Tony (2006). A People For His Name. Lulu Enterprises. pp. 63–68. ISBN 978-1-4303-0100-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. ""The Mediator of the New Covernant", Zion's Watch Tower, January 1, 1907, pages 9, 10". Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 17, 2010. Nakuha noong Nobiyembre 2, 2013. {{cite web}}: Check date values in: |access-date= (tulong)
  45. ""The Word Mediator Used Differently,", Watch Tower, January 1909". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-15. Nakuha noong 2013-11-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. Penton 1997, pp. 42
  47. Penton 1997, pp. 43–62
  48. Rogerson 1969, pp. 52 harv error: multiple targets (3×): CITEREFRogerson1969 (help)
  49. Penton 1997, p. 53
  50. A.N. Pierson et al, Light After Darkness, 1917, page 4.
  51. The Bible Students Monthly, vol. 9 no. 9, pp 1, 4: "The following article is extracted mainly from Pastor Russell's posthumous volume entitled "THE FINISHED MYSTERY," the 7th in the series of his STUDIES IN THE SCRIPTURES and published subsequent to his death."
  52. Lawson, John D., American State Trials, vol 13, Thomas Law Book Company, 1921, pg viii: "After his death and after we were in the war they issued a seventh volume of this series, entitled "The Finished Mystery," which, under the guise of being a posthumous work of Pastor Russell, included an attack on the war and an attack on patriotism, which were not written by Pastor Russell and could not have possibly been written by him."
  53. Crompton, Robert (1996). Counting the Days to Armageddon. Cambridge: James Clarke & Co. pp. 84–85. ISBN 0-227-67939-3. One of Rutherford's first actions as president ... was, without reference either to his fellow directors or to the editorial committee which Russell had nominated in his will, to commission a seventh volume of Studies in the Scriptures. Responsibility for preparing this volume was given to two of Russell's close associates, George H. Fisher and Clayton J. Woodworth. On the face of it, their brief was to edit for publication the notes left by Russell ... and to draw upon his published writings ... It is obvious ... that it was not in any straightforward sense the result of editing Russell's papers, rather it was in large measure the original work of Woodworth and Fisher at the behest of the new president.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. "Publisher's Preface". The Finished Mystery. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-26. Nakuha noong 2013-11-02. But the fact is, he did write it. This book may properly be said to be a posthumous publication of Pastor Russell. Why?... This book is chiefly a compilation of things which he wrote and which have been brought together in harmonious style by properly applying the symbols which he explained to the Church.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. Penton 1997, p. 55
  56. Rogerson, Alan (1969). Millions Now Living Will Never Die: A Study of Jehovah's Witnesses. Constable & Co, London. p. 44. ISBN 094559406. {{cite book}}: Check |isbn= value: length (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. Franz, Raymond (2007). "Chapter 4". In Search of Christian Freedom. Commentary Press. ISBN 0-914675-16-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. Jehovah's Witnesses—Proclaimers of God's Kingdom. Watch Tower Bible & Tract Society. 1993. pp. 72–77.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. Chryssides, George D. (2010). "How Prophecy Succeeds: The Jehovah's Witnesses and Prophetic Expectations". International Journal for the Study of New Religions. 1 (1): 39. doi:10.1558/ijsnr.v1i1.27. ISSN 2041-952X.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. Franz, Raymond (2007). In Search of Christian Freedom. p. 144. ISBN 0-914675-16-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. Salvation, Watch Tower Society, 1939, as cited in Jehovah's Witnesses—Proclaimers of God's Kingdom, page 76
  62. Rogerson, Alan (1969). Millions Now Living Will Never Die: A Study of Jehovah's Witnesses. Constable & Co, London. pp. 39, 52. ISBN 094559406. {{cite book}}: Check |isbn= value: length (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. Herbert H. Stroup, The Jehovah's Witnesses, Colombia University Press, New York, 1945, pg 14,15: "Following his election the existence of the movement was threatened as never before. Many of those who remembered wistfully the halcyon days of Mr Russell's leadership found that the new incumbent did not fulfill their expectations of a saintly leader. Various elements split off from the parent body, and such fission continued throughout Rutherford's leadership."
  64. Reed, David, Whither the Watchtower? Naka-arkibo 2011-09-09 sa Wayback Machine. Christian Research Journal, Summer 1993, pg 27: "By gradually replacing locally elected elders with his own appointees, he managed to transform a loose collection of semi-autonomous, democratically run congregations into a tight-knit organizational machine controlled from his office. Some local congregations broke away, forming such groups as the Chicago Bible Students, the Dawn Bible Students, and the Laymen's Home Missionary Movement, all of which continue to this day."
  65. Thirty Years a Watchtower Slave, William J. Schnell, Baker, Grand Rapids, 1956, as cited by Rogerson, page 52. Rogerson notes that it is not clear exactly how many Bible Students left, but quotes Rutherford (Jehovah, 1934, page 277) as saying "only a few" who left other religions were then "in God's organization".
  66. The Present Truth and Herald of Christ's Epiphany, P.S.L. Johnson (April 1927, pg 66). Johnson stated that between late 1923 and early 1927, "20,000 to 30,000 Truth people the world over have left the Society."
  67. Tony Wills (A People For His Name, pg. 167) cites The Watch Tower (December 1, 1927, pg 355) in which Rutherford states that "the larger percentage" of original Bible Students had by then departed.
  68. Penton 1997, p. 50
  69. Rogerson 1969, p. 37 harv error: multiple targets (3×): CITEREFRogerson1969 (help)
  70. 70.0 70.1 Rogerson
  71. Present Truth February, 2006 pp 9-13
  72. Pocket Dictionary of North American Denominations, 2004, pg 79, ed. Drew Blankman, Todd Augustine: "A smaller group rejected Rutherford's leadership and became the Dawn Bible Student's Association and in the late 1980s had a membership of about 60000."
  73. "Daughters of the Tower". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-21. Nakuha noong 2013-11-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  74. Rolando Rodriguez. "Recent Bible Student History". The Herald of Christ's Kingdom. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Hulyo 2011. Nakuha noong Hulyo 2, 2011. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)