Kabisera
Ang kabisera (o punong lungsod/bayan/munisipyo o kapital), o kabesera, ay ang pangunahing yunit pangheopolitika na naiuugnay sa gobyerno at mga operasyon nito. Ito ay maaring lungsod na pisikal na sumasakop sa tanggapan at himpilan o pulungan ng mga nakaupo sa pwesto ng pamahalaan o alinsunod sa isinasaad ng batas.
Etimolohiya
baguhinAng ugat ng salitang ‘kapital’ ay hango sa Latin na caput na nangangahulugang “ulo” at naiuugnay sa katawagang ‘kapitol’ na siya namang gusali na pag-aari at kinagaganapan ng mga operasyong kaugnay o kinababahagian ng pamahalaan.
Mga halimbawa
baguhin- Pilipinas
- Ang pambansang kabisera ng Pilipinas ay Maynila.
- Ang panlalawigang kabisera ng La Union ay San Fernando.
- Ang panlalawigang kabisera ng Davao Oriental ay Mati.
- Ibang bansa
- Ang pambansang kabisera ng Timog Korea ay Seoul.
- Ang pambansang kabisera ng Italya ay Roma.
- Ang panlalawigang kabisera ng Fujian, Tsina ay Fuzhou.
- Ang pang-estadong kabisera ng Bavaria, Alemanya ay Munich.
- Ang pamprepekturang kabisera ng Prepektura ng Fukushima, Hapon ay Lungsod ng Fukushima.
Mayroong ibang bansa na higit sa isa ang kabisera, tulad ng:
- Timog Aprika: Ang pang-ehekutibong kabisera ay Pretoria, ang panlehislaturang kabisera ay Cape Town, at ang panghudikaturang kabisera ay Bloemfontein.
Mayroon ding iba pa na walang opisyal na kabisera, tulad ng UK.
Galeriya
baguhin-
Praga, kabisera ng Republikang Tseko
-
Washington, D.C., kabisera ng Estados Unidos
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.