Si Connie Del Rosario-Escudero (ipinanganak Disyembre 8, 1975 sa Pasig[1]), mas kilala bilang Connie Sison, ay isang mamamahayag, taga-ulat, punong-abala at tagpaghatid ng balita sa telebisyon na mula sa Pilipinas. Kilala siya bilang ang tagapaghatid ng balita sa Balitanghali na umeere sa GMA News TV, isa sa mga punong-abala ng palabas sa umaga ng GMA Network na Unang Hirit, at ang punong-abala sa programang pangkalusugan na Pinoy M.D. kasama ang ibang doktor bilang kasamang punong-abala. Mayroon din bersyon sa radyo ang Pinoy M.D., ang Pinoy MD sa Dobol B na umeere sa DZBB. Nakilala ang kakayahan niya sa pagiging punong abala sa Pinoy M.D. ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya at ginawan siya ng ahensiya ng gawad Bantog para sa Nagsasanay sa Medya sa Telebisyon noong 2018.

Connie Sison
Kapanganakan
Connie Del Rosario

(1975-12-08) 8 Disyembre 1975 (edad 48)
Ibang pangalanConnie
TrabahoTagapagbalita, taga-ulat, punong-abala sa telebisyon
Aktibong taon1997–kasalukuyan
AhenteABS-CBN (1997–2006)
RPN (1997; 2006–2007)
GMA Network (2007–present)
TelebisyonUnang Hirit (2007-kasalukuyan)
Pinoy M.D.
AsawaChristopher James Escudero
Anak3

Karera sa telebisyon

baguhin

Noong 1997, nagsimula si Connie Sison bilang isang taga-ulat sa Studio 23, ang kapatid na himpilan ng ABS-CBN,[2] at SNN (na napalitan ang pangalan sa kalaunan bilang ANC).[3] Itinaas ang posisyon ni Sison ng ABS-CBN pagkatapos ng 8 buwan at naging taga-ulat ng mga mabibigat na balita para sa TV Patrol.[2] Sa kalaunan, naging punong-abala si Sison ng La Niña Watch, isang programa na nakatuon sa pagbabago ng klima, at napasama sa Hoy Gising!, ang serbisyo publikong palabas ng ABS-CBN.[2]

Noong 2001, napabilang si Sison sa palabas tuwing umaga ng ABS-CBN na Alas Singko Y Medya[4] bilang isa sa mga punong-abala ng palabas. Naging punong-abala din siya ng isang programang reality television na tinatawag na Kakasa Ka Ba? at kasama niya dito si JV Villar.[5] Noong 2006, nagretiro siya ABS-CBN.[2] Lumipat si Sison sa RPN 9 sa parehong taon habang hinihintay na matapos ang kondisyon sa kanyang pag-alis sa ABS-CBN na hindi siya puwedeng magtrabaho sa isang kompanyang kakompetisyon.[2] Ang tinuturing na kakompetisyon ng ABS-CBN noon ay ang GMA Network.[2] Naging tagapaghatid siya ng balita sa NewsWatch Aksyon Balita kasama si Erwin Tulfo at Aljo Bendijo bilang kasamang tagapaghatid sa loob ng isang taon.[1]

Noon 2007, nang matapos na ang kondisyon niya sa pag-alis sa ABS-CBN, ipinagpatuloy ni Sison ang kanyang karera sa GMA Network.[2] Nagkaroon siya ng mga programa sa parehong pangunahing himipilan ng GMA at ang kapatid na himpilan nito na Q Channel 11, na pinalitan ang pangalan sa kalaunan bilang GMA News TV. Ilan sa mga palabas na ito ay ang DoQmentaries (isang buwanang programang dokumentaryo),[6] News on Q,[7] On Call: Siksik Sa Impormasyon. Bilis na Pag-Aksyon,[8] at Balitanghali (isang palabas tungkol sa mga balita sa GMA News TV na kasama niya si Raffy Tima).[9] Sa pangunahing himpilan ng GMA, isa siya sa mga punong-abala ng programa sa umaga na Unang Hirit.[10] Punong abala din siya sa Pinoy M.D. na isang programang tumatalakay sa mga usaping pang-medisina,[11] na mayroong bersyon sa radyo sa DZBB (ang estasyong radyo na AM ng GMA) at pinamagatang itong Pinoy M.D. sa Dobol B.[12]

Noong 2018, siya ang kauna-unahang nakatanggap ng gawad Bantog para sa Nagsasanay sa Medya sa Telebisyon na ginawad ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya bilang pagkilala sa kanyang pagiging punong-abala ng Pinoy M.D.[13] Nakatanggap din siya ng P 100,000, na pinili niyang ibigay bilang isang donasyon sa Kapuso Foundation.[13] Noong 2020, nasubok ang kanyang propesyonalismo sa kanyang trabaho nang nakapanayam niya si Senador Richard Gordon at pinigilan ni Gordon ang pagsasalita ni Sison sa gitna ng panayam..[14] Sa kabila ng situwasyon na ito, nanatiling kalmado si Sison at may ilang mga netizen ang kinondena ang aksyon ni Gordon bilang walang pakundangan at pinuri ang kahinahunan ni Sison.[15]

Pansariling buhay

baguhin

Ipinanganak si Connie Sison noong Disyembre 8, 1975 sa Pasig, Pilipinas.[1] Nag-aral siya sa Kolehiyo ng Maryknoll noong nasa elementarya siya.[3] Sa kolehiyo, kinuha niya ang kursong Batsilyer sa Agham sa Sikolohiya sa Dalubhasaang Miriam at natapos.[1] Maliban sa pagiging mamahayag, nagpipinta siya bilang isang kinagigiliwang libangan.[1] Kasal siya sa negosyanteng si Christopher James Escudero[16] at mayroon silang tatlong anak na puro babae.[17] Pamangkin naman niya ang Pilipinong artista na si Martin del Rosario (ang ama ni Martin ay nakakantandang kapatid ni Connie, si Robert del Rosario).[18]

Nasuri si Sison ng doktor sa sakit na hipotiroidismo (sakit kung saan hindi nakakalikha ang tiroideo ng sapat na hormona) at sinubok niya itong harapin sa pamamagitan ng pag-eehersisyo at tamang pagkain.[19]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 KimB (2020-04-03). "Connie Sison husband, bio, age, family, Instagram". Kami.com.ph - Philippines news. (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 Anarcon, James Patrick (2017-10-05). "15 TV news reporters with controversial network transfers". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  3. 3.0 3.1 "I aMConnie and I aMCharitable | Alumna in the Spotlight". 2019-06-26. Nakuha noong 2020-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. Samio, Veronica R. (2001-08-05). "Ang masayang barkada ng 'Alas Singko Y Medya'". Philstar.com. Pilipino Star Ngayon. Nakuha noong 2020-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. "Pinoy Reality TV shows". PEP.ph (sa wikang Ingles). 2020-05-09. Nakuha noong 2020-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. "True love on DoQmentaries". Philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. 2009-02-08. Nakuha noong 2020-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  7. Cruz, Marinel R. (2010-07-30). "To look good, first feel good". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-12-04 – sa pamamagitan ni/ng pressreader.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Ching, Mark Angelo (2011-02-23). "Connie Sison and Ivan Mayrina are both On Call". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  9. "GMA News TV continues to keep viewers hooked". Manila Standard (sa wikang Ingles). 2016-11-09. Nakuha noong 2020-12-04.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  10. "Beginning your day with 'Unang Hirit'". Manila Standard (sa wikang Ingles). 2020-06-07. Nakuha noong 2020-12-04.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  11. Romarate, Patricia Isabella (2020-05-14). "Connie Sison reveals #fitspiring workout routine in 'Pinoy MD'". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  12. Acar, Aedrianne (2020-10-01). "Connie Sison, nakita na ang bunga ng exercise | GMANetwork.com - Radio - Articles". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). GMA Network. Nakuha noong 2020-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  13. 13.0 13.1 "Connie Sison, GMA Public Affairs Social Media Section winners in DOST's Bantog awards". GMA News Online (sa wikang Ingles). 2018-09-29. Nakuha noong 2020-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  14. Malasig, Jeline (2020-05-26). "'Rude, unprofessional': Twitterverse not pleased with Gordon's conduct on televised interview". Interaksyon (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-12-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  15. Siazon, Rachelle (2020-05-26). "Senator Dick Gordon criticized for being "rude" to Unang Hirit news anchor Connie Sison". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-12-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  16. Golangco, Vince (2010-11-12). "Filipino Food: Masas Traditional Filipino Cuisine in Greenbelt Makati". When In Manila (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  17. Dimarucut-Sison, Lei (2013-09-19). "My Birthing Story: Connie Sison-Escudero". SmartParenting.com.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  18. Lo, Ricky (2011-09-29). "Body Talk with Martin del Rosario". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  19. Yang, Angelica Y. (2020-03-14). "WATCH: Connie Sison shares how she battled hypothyroidism and lost 30 lbs". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)